Thirty-five Isang malakas na suntok ang nakuha niya mula kay Marco. Sinugod nalang kasi siya bigla ng mga kaibigan sa condo niya. Hindi siya nakapaghanda kaya nagulat talaga siya sa nangyari. “Tangina mo Malik!”galit na galit na ani Marco sa kanya. Inawat naman ito ni Jake samantalang mukhang nag-aabang lang si Benjamin para sugurin din siya anomang sandali. Nakahiga pa din siya sa sahig at hindi niya makuhang tumayo sa sobrang lakas ng suntok sa kanya ni Marco. Natatawa pa nga siya kasi parang dahil sa suntok ng kaibigan niya nagising siya sa matagal na niyang pagkakatulog. “Ano, tangina ka tumayo ka dyan…duwag”asik pa sakanya ni Marco. Tumatawa naman siyang tumayo at hinarap ang mga kaibigan niya. “Hayop ka bro, nakukuha mo pang tumawa…duguan ka na nga”sita naman sa kanya n

