bc

Divorced By Desire

book_age18+
91
FOLLOW
1.2K
READ
billionaire
family
second chance
dominant
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

BLURB

Simple lang ang pangarap ni Raselle, ang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga sa kanya. Ngunit hindi iyon ang nais sa kanya ng tadhana.

Lumaki siya sa ampunan at doon niya nakilala ang nag-iisang kasangga niya sa buhay, si Eloira.

Magkapatid na ang turingan nina Raselle at Eloira sa isa't isa. Hanggang sa magbago ang lahat nang makilala nila si Matteo Barcelona.

Hanggang saan ang kayang gawin ng pagmamahal? Kung ang katotohanan ay mapalitan ng kasinungalingan. At ang kasinungalingan ang tanging pinaniniwalaan.

May pag-asa pa bang maging tama ang lahat para sa kanila?

chap-preview
Free preview
Prologue
Sinusundan ko na lang ng tingin ang kaniyang bawat hakbang. Oo masakit pero ano pa ba ang aking magagawa? Wala na. Sa loob ng isang taong kami ay kasal, pinagkamalian ko lang pala ang lahat. Hindi nga yata talaga para sa akin ang puso niya. Hindi dahil hindi ko ibinigay ang lahat. Kundi dahil kulang at kulang pa rin pala. Dahil kung sapat o sobra pala ang naibigay ko, maaaring hindi ganito ang kahinatnan ng lahat. Maaaring katabi ko siya ngayon habang hawak ang kamay ko. Hindi ganitong, nakasunod ang mga mata ko sa bawat kilos niya. Sa bawat segundong nakikita ko pa siya. Dahil alam ko, alam kong konte na lang ang minutong nalalabi at hindi ko na siya muling makikita pa. Gusto ko mang pigilan ang mga luha ko, ngunit hindi naman makisama ang mga mata ko. Plastik akong tao kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan. Dahil ang totoo ay sobrang sakit. Hindi ko nga alam kung paano ko kakayanin ang lahat. Pero pipilitin kong magpakatatag, hanggang sa huling pagkakataon. "W-wala na ba talagang pag-asa? A-akala ko s-susubukan mo?" nauutal kong tanong sa kanya. Habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Bumaling ang tingin niya sa akin at itinigil ang kanyang ginagawa. Humihiling akong lumapit siya sa akin. Ngunit alam kong kahit magmakaawa ako sa kanya, hinding-hindi niya iyon gagawin. Kaya natahimik na lang ako at nakontentong matitigan ang gwapo niyang mukha. "Alam mo ang dahilan kung bakit pinakasalan kita Raselle. Sinubukan ko di ba, lalo at kasal naman tayong dalawa. Pero wala eh, hindi kita minahal at kahit kailan ay hindi kita mamahalin." May diin niyang saad. Parang napipika na siyang kausapin ako. Ramdam ko naman iyon, dahil paulit-ulit lang naman kami. Pero anong magagawa ko? Mahal ko s'ya. Mahal na mahal. "Bakit? Sino ang mahal mo? Iyong kabit mo!" Hindi ko na napigilang isigaw sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan. Nais kong ipamukha sa kanya na ako ang legal. Ako ang mas may karapatan sa kanya. Kitang-kita ko ang pagdidilim ng kanyang paningin. Hanggang sa unti-unti niyang inihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa akin. "M-Matt," nauutal kong saad ng maramdaman ang sakit sa aking leeg. Hindi na rin ako gaanong makahinga. Pinilit kong magtama ang aming mga paningin. Mas lalo lang bumuhos ang aking mga luha. Hindi dahil sa nasasaktan ako sa pisikal. Kundi dahil sa sakit na ipinapahiwatig ng mga titig niya. Titig na may kasamang pagkasuya. Ramdam ko ang pandidiri niya sa akin, kahit alam ko sa sarili kong wala naman akong ginagawang masama. Pero alam kong hindi na mawawala sa isipan niya ang nakita niya. Pero mali siya ng inakala. Maling-mali. "M-Matt." Ngumisi lang siya. Saka niya ako patulak na binitawan. Dahilan para mahulog ako sa kamang aking kinauupuan. "Eloira is not my mistress. She is the one I love. The only woman I want to be with, for the rest of my life. My one and only. Pero sinira mo ang lahat." "Wala akong sinira Matt. Desisyon natin ang magpakasal." Lakas loob kong tugon. "Our decision?" Mapang-uyam niyang saad. Halos mapaatras ako sa aking kinasasalampakan ng tingnan niya ako ng matalim. Kung nakakasugat ang titig, siguro ay marami ng hiwa ngayon sa aking balat at malamang ay nagdurugo na rin. "I didn't even take a glance at you. How could you say so that this marriage is from our own decision? This marriage is a bullshit! Hindi dapat ikaw ang nasa pwesto mo kung hindi ka makasarili!" Sigaw nito. "Pero bakit ka pumayag? Dapat una pa lang hindi ka na sumunod sa mga magulang mo!" "Anong magiging lusot ko? Nakorner ako ng walang kalaban-laban! Wala ngang tumanggap ng paliwanag ko. Tapos ano? Magpapaawa ka lang din naman talaga sa kanila." "M-Matteo." Pinilit kong kumalma. Tanga na kung tanga. Pero gusto kong kahit awa na lang sana. Huwag niya akong iwan. Ayaw ko ng galit siya. Gusto ko siyang makasama. "Hindi mo ba talaga ako minahal?" tanong ko. Tanong na may halong pagmamakaawa. Baka kahit awa na lang sa akin ay magbago pa ang kanyang desisyon. Kahit awa na lang ay hindi niya ako iwan. Kahit alam kung imposible na mangyari. Gusto ko pa ring umasa. Kahit alam kong wala ng pag-asa. "Gusto mo talagang marinig?" aniya, sabay hilot sa kanyang sentido. "Kahit isang segundo ng buhay ko, hindi ko naramdaman sa puso kong minahal kita!" Napalunok ako sa sinabi niya. Nakatitig siya sa akin na parang baliwala lang ang kanyang sinabi. Walang pakiramdam, wala man lang pag-aalinlangan. Gusto kong bumulanghit ng iyak. Kahit wala pa rin naman sa paghinto ang aking mga hikbi. Alam kong masakit na may mas sasakit pa pala. "A-ano iyong ipinaramdam mo sa akin? Hindi lang naman tayo basta nagtitigan lang Matteo." Lakas loob kong tanong. Umaasa akong maiisip niyang baka may nararamdaman na siya. Kahit ang dahilan lang ay ang bawat gabing ako'y inaangkin niya. "Lalaki ako Raselle at may sariling pangangailangan. Asawa kita sa papel. Kaya bakit hindi ko rin gawin sa kama. Hindi ko na kasalanan kung binigyan mo iyon ng kahulugan. Sa una pa lang alam mong hindi kita mahal at alam mong may mahal akong iba. Nagpakasal tayo dahil sa pagkakamaling nakita nilang lahat na magkasama tayo sa iisang silid, sa iisang kama, parehong walang saplot sa huling gabi bago ang kasal namin ni Eloira. Ngayon sabihin mo sa akin kung paano ko mamahalin ang babaeng sumira sa maganda ko sanang buhay kasama ang babaeng mahal ko!?" May diin ng galit at pagkasuklam ang bawat salitang binibitawan ni Matteo. Hindi ko matanggap. Ngunit may magagawa pa ba ako? Pero nagkakamali siya. Pero may puwang pa ba ang paliwanag? Sa tingin ko ay wala na. "Hindi ko kasalanan iyon. Wala naman akong alam. Malinis ang konsensya ko noong gabing iyon. Anong nais mong gawin ko para mapatawad mo ako? Kahit alam mong wala naman kasalanan. Mahal kita Matteo. Mahal na mahal. Kapain mo naman iyon sa puso mo." Hayon na naman ang mga luha sa aking mga mata, nag-uunahan kahit hanggang ngayon ay hindi pa naman tumitigil sa pagpatak. "Sign the divorce paper. Baka pagnaghiwalay na tayo at hindi na nakakabit ang apelyedo ko sa pangalan mo ay mapatawad na kita." Walang emosyon niyang saad bago muling ipinagpatuloy ang pag-eempake ng kanyang damit. Tama divorce paper. Dahil noong araw mismo ng kasal namin ay iniwan niya ako. Lumipad siya ng ibang bansa, kasama ang abogado ng pamilya nila. Para lang iparehistro doon ang kasal namin. Sweet, sa tingin ng iba. Pero hindi nila alam na dahil lang sa walang diborsyo sa Pilipinas kaya niya iyon ginawa. Ayaw niya sa akin, kaya alam kong kahit katatapos lang ng aming kasal noon, alam kong gusto na rin niyang makipaghiwalay. Wala lang itong magawa. Kaya nagtiis ito. Hanggang sa makahanap ito ng butas. Butas na hindi ko alam kung sinadya, o totoong nagbigay daan ang pagkakataon, para lang matuloy na ang pakikipaghiwalay niya sa akin. Pinanood ko lang si Matteo hanggang sa maisara niya ang kanyang maleta. Alam kung pag-labas niya ng silid na iyon ay wala na siyang balak pang bumalik o sumulyap man lang. Napatingala ako sa kanya ng bigla siyang lumapit sa akin para iabot ang isang brown envelope. Hindi ko na kailangan pang magtanong. Alam ko naman ang nilalaman noon. "Sign it!" Utos nito. Pero tinitigan ko lang siya sa mata. Bago ako nagpilit na tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. "Can you do me a favor for the last time? Pagkatapos nito pipirmahan ko ang divorce paper. Wala kang maririnig sa akin pagkatapos nito. Please Matt. For the last time." Sa loob ng ilang minuto ay hindi nagsalita si Matteo. Sa tingin ko ay nag-iisip siya kung nagsasabi ako ng totoo. Pero hindi ako nagsisingungaling. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Ngunit hindi ko na kaya ang sakit. Ako ang asawa pero hindi na ako ang inuuwian. Pinaranas lang. Ako ang asawa, pero nasa kandungan siya ng iba. Nasa piling siya ni Eloira. "And what is it?" "Make love to me Matt. For the last time." Seryosong saad ko sa kanya, dahil seryoso rin naman ako sa sinabi kong palalayaan ko na siya. Naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi sa aking mga labi. Sa halip na maging masaya ako, ay lalo lang tumulo ang aking mga luha ng maramdaman ko ang bawat haplos niya sa aking katawan. Puno ng pag-iingat ang bawat dampi ng kanyang mga labi. Hindi pinansin ni Matteo ang aking pagluha. Bagkus ay mas naging masuyo ang kanyang mga haplos hanggang sa maramdaman kong pareho na kaming walang saplot. Naramdaman ko ang aming pag-iisa. Ni minsan ay hindi naging marahas si Matteo sa aming pagniniig kahit galit siya sa akin. Kaya napagkamalian kong pagmamahal ang bagay na iyon at hindi basta lang pagnanasa. Sa bawat niyang ulos ay katumbas ng unti-unting pagkabasag ng aking puso. Alam kung hindi pagmamahal ang katumbas ng pag-iingat na iyon na para akong mamahaling kristal. Kundi ang aking pirma, kapalit ng kanyang kalayaan. Unti-unti kung naramdaman ang pamumuo ng init sa aking puson. Bumibilis na rin sa pag-ulos si Matteo. Ramdam kong malapit na niyang marating ang kasukdulan, kahit ako man ay iyon na rin ang nararamdaman. Hanggang sa naramdaman ko ang pagpuno niya sa akin, at ang paglabas ng init sa aking puson na siya lang ang nakakagawa. Humihingal na ibinagsak ni Matteo ang kanyang katawan sa maliit kong katawan. Pawisan at naghahabol ng paghinga. Ilang minuto rin kami sa gaanong pwesto hanggang sa tumagilid siya para mahiga ng ayos sa kama. Nang makabawi ako ng lakas ay pinilit kong bumangon sa kama. Isa-isa kong dinampot ang aking mga damit at isinuot iyon. Alam kung nakatingin si Matteo sa bawat kilos ko. Pero hindi ko na iyon pinansin. Alam ko namang isa lang ang nais niya kaya walang pag-aatubiling pinagbigyan niya ako sa aking huling hiling. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dinampot ko ang brown envelope na ibinigay niya kanina sa akin. Kinuha ko ang papel sa loob noon at binasa. Muli akong tumingin kay Matteo para magtama ang aming mga mata. "Pipirma ako, pero hindi ko kailangan ng kahit na anong pera, yaman o parte ng pag-aari mo. Wala akong ibang hihingin sa iyo. May ipon ako. Oo, galing din naman iyon sa iyo, iyong allowance kong ibinibigay mo. Wala naman akong pinagkakagastusan. Kaya sa loob ng isang taon, naipon ko iyon. Sapat na sa akin ang perang iyon para mabuhay ako. Para buhayin ang sarili ko." Kita ko ang gulat sa mga mata ni Matteo. Kaya naman mula sa pagkakahiga ay bumangon ito. Wala itong pakialam kung wala itong suot na kahit na ano. Hindi man lang nag-abalang magtakip ng katawan. Sabagay, ano pa ang dapat nitong takpan. Nakita na ko rin naman lahat ang kabuoan nito. Mag-asawa kami, sa kahulugang gusto ko sana. Pero para kay Matteo, mag-asawa kami, dahil sa kasalanan ko. "Kahit papaano ay naging asawa kita---." Nahinto sa pagsasalita si Matteo. Alam ko naman ang kasunod ng sasabihin nito. Sinabayan ko na lang ng salita sa isipan ang karugtong ng sasabihin niya. "---sa papel." See, kahit sinabayan ko ng salita ay tama talaga ang kasunod ng salitang sasabihin nito. "Tama, sa papel. Asawa mo lang ako dahil nagpirmahan tayo. Pero hindi tayo naging mag-asawa sa tunay nitong kahulugan. Kaya hindi ako tatanggap ng kahit na ano sa iyo. Maliban sa sadyang akin na, mula noon. At iyon ay ang perang naipon ko lang na galing sa iyo." Dinig na dinig ko ang kanyang paghugot ng hangin at pagbuntonghininga. "Kung hindi ka na mapipilit ay wala na akong magagawa. Ang gusto ko lang ay pumirma ka sa divorce paper." Dahil wala namang ibang nakalagay sa kasunduan tungkol sa paghahati ng ari-arian ay pinunit ko na lang iyon. Hanggang sa may nakita pa akong isang papel ng paglilipat ng lahat ng pag-aari at yaman ni Matteo sa naloloobang panahon na mag-asawa kami. "Akala mo ba talaga ay pera mo ang habol ko kaya masaya akong makasal sa iyo?" May hinanakit kong tanong sa kanya. "Masaya ako kasi mahal kita. Iyon ang katotohanan at hindi iyon dahil sa pera mo!" Hindi naman siya nagsalita pa. Mapait akong ngumiti at muling pinunit iyon sa harapan niya. "Mabilis lang ako, babalik ako bago ako pumirma." Walang nagawa si Matteo ng hinayon ko kaagad ang pintuan palabas ng kwarto. Nagtungo ako sa opisina niya sa loob ng bahay na iyon at hinarap ako ang laptop niya. Doon ko inilagay ang maikli kong kondisyon at iprinint iyon, bago ako muling bumalik sa silid naming dalawa. Iniabot ko iyon kay Matteo para mabasa niya. May pirma ko na rin iyon. Ang kondisyon ay ako ang aalis ng bahay, at wala akong makukuha na kahit na ano sa kanya. Mawawalan ako ng karapatan sa pera, negosyo at lahat ng pag-aari niya. At ang aking pangako na nasa likod ng kasunduang iyon. Na alam kong hindi niya nabasa. "Raselle." Dinig kong sambit ni Matteo sa pangalan ko. Bago ko siya tinalikuran at walang pag-aatubiling pinirmahan ang divorce paper namin. Muli akong bumalik sa tabi niya para ibigay sa kanya ang matagal na niyang hinihintay. Alam kong nabigla si Matteo sa naging desisyon ko. Dahil hindi naman talaga iyon ang plano niya. Ang plano niya ay aalis siya ng bahay para magsama na sila ni Eloira. At alam kong iiwan na niya at ipapaubaya sa akin ang bahay na ito. Kaya ko bang tumira sa bahay na ito ng mag-isa. Gayong puro alaala niya ang bawat sulok ng bahay na ito? Hindi ko kaya kaya mas mabuti pang ako na lang ang umalis. Ginamit ko ang oras ng pananahimik ni Matteo para makapagempake ako. Ilang gamit at damit lang naman ang dinala ko. Wala akong balak dalahin ang mga gamit na galing sa kanya at mga binigay niya. Mga luma kong damit at gamit lang ang kinuha ko. Kahit ang cellphone na bigay ni Matteo ay iniwan ko. Sa labas ng bahay ay muli kong sinulyapan ang kabuoan noon. Alam kong iyon na ang huling beses na makakatungtong ako sa pamamahay na iyon. Alam kong huli na. Pinunasan ko ang luhang muling naglandas sa aking mga mata, bago ako tumalikod at naglakad na patungo sa gate ng bahay. "Paalam na Matteo. Paalam na mahal ko. At sa pagtapak ng mga paa ko, sa labas ng tarangkahang ito, ipinapangako kong buburahin ko na ang kahit na anong damdamin na mayroon ako para sa iyo. Magiging parang hangin ka na lang sakaling magkasalubong tayo. Tulad ng nais mo mahal ko. Tutuparin ko ang pangako ko sa iyong kahit kailan ay hindi nagtagpo ang landas ng isang Raselle Taruc at isang Matteo Barcelona sa mundong ito."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook