Madilim na nang dumating si Eloira sa ospital. Naiintindihan ko naman lalo na at noong bandang tanghali hanggang sa pahapon ay bumuhos na nga ang napakalakas na ulan.
Ngunit sa maghapong iyon ay wala man lang dumating at nagpakilalang kamag-anak ng lalaki. Kaya lalo akong nahabag dito. Alam ko ang pakiramdam ng mag-isa lang sa buhay. Lalo na at kung hindi dahil kay Eloira, mag-isa lang din naman talaga ako.
"Iyan ba iyong lalaki?" tanong nito habang nagpapagpag ng damit, dahil nabasa pa rin si Eloira ng ulan kahit ambon na lang.
"Oo, siya na nga. Ang gwapo noh?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kilig na aking nararamdaman. Siguro dahil na rin sa aminado akong, nakuha talaga ng lalaking walang malay ang aking atensyon.
"Tama ka gwapo nga siya," ani Eloira habang hindi inaalis ang titig sa lalaking walang malay. Nakaramdam ako ng kakaiba. Pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Lalo na at kahit ako. Aminado akong na love at first sight talaga ako sa lalaki.
"Eh wala pa bang kamag-anak yan na nagtutungo dito? Baka mamaya ay hinahanap na yang ng girlfriend niya. O baka may asawa. O baka naman kaya naaksidente ay dahil kabit yan?" Walang prenong saad ni Eloira kaya naman natawa ako. Nakalimutan ko kaagad ang iniisip ko lang kanina.
"Bruhilda ka. Nawalan lang ng preno ang sasakyan kaya bumangga. Kung may girlfriend dapat nabalita na niyang narito sa ospital ang boyfriend niya. Ganoon din kung asawa. Baka single. Maaari ring nasa ibang bansa ang mga magulang niya. Dahil kung narito lang sila, bakit nila pinatagal ang maghapon at hindi man lang nila nasisilip ang anak nila. Pero sure akong akong mayaman yan. Kasi napakaganda ng kotse niya. Walang sinabi ang sasakyan ng amo nating Intsik. Sayang nga lang at mukhang hindi na mapapakinabangan."
"Ganoon ba? Sayang naman," naging sagot ni Eloira at mas lalong lumapit sa lalaki.
"Eloira," tawag ko sa kanya. Parang gusto kong bakuran ang lalaki kahit wala naman akong karapatan.
"Ang damot naman, hindi naman siya sa iyo." May inis akong nabanaag sa boses ni Eloira.
"Hindi ko naman siya ipinagdadamot. Gusto ko lang sabihin na, kung single siya, pwede kaya at may pag-asa kaya ako sa kanya?" Nangangarap ko pang saad.
"Huwag ka ng umasa girl. Mas lalaki ka pang kumilos kaysa tunay na lalaki. Ayos-ayos din pag may time." Hindi ko alam kung biro iyon. Alam kong totoo kaya tinamaan ako sa sinabi niya.
Muli ay lumapit sa akin si Eloira. Sabay pa ulit kami napatingin sa lalaki. Napakagwapo talaga nito.
"Nagugutom ka na ba? Hindi pa ako kumakain eh," tanong ko na lang sa kanya. Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda.
"Medyo. Sa pagmamadali ko, hindi na makarating dito, hindi na ako nakabili ng pagkain. Isa pa pagod na ako. Ako na lang dito ikaw na lang ang bumili ng pagkain."
"H-ha?"
"Sabi ko, ako na ang bahala kay pogi. Ikaw na lang ang bumili ng pagkain natin. Hindi ka naman pagod."
"E-eh. A--ah. S-sige, ako na nga lang ang magtutungo sa canteen nitong ospital." Kahit sa totoo ay ayaw kong iwan ang lalaki sa kanya. Pero wala naman akong magawa.
"Sige, bilisan mo ha," anito na ikinatango ko na lang. Napansin ko pa ang saglit na pagngisi ni Eloira. Ngunit hindi ko na lang binigyan ng pansin. Maaaring nagkamali lang ako.
Mabilis akong lumabas ng silid na iyon at hinayon ang patungong canteen. Ngunit nanlumo naman ako dahil sa mahabang pila. Parang oras din talaga iyon ng pagkain ng ibang nurse at mga ilang doktor. Ganoon din ang mga bantay ng pasyente sa ospital na iyon. Wala rin naman akong magagawa kaya naman pumunta na rin ako sa dulong pila.
Kahit gustong-gusto kong makabalik kaagad sa silid ng lalaki ay wala naman akong magawa.
MATTEO
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mga at inilibot ang aking paningin sa lugar na aking kinalalagyan. Doon ko napagtanto na nasa loob ako ng isang silid sa ospital. Hindi ko na rin inasahan na mabubuhay pa ako sa mga oras na iyon. Siguro ay maswerte talaga ako ngayong araw. Dahil sa tingin ko naman ay hindi ako napuruhan.
Naaalala ko pa kung paano ako nagpanic sa loob ng aking sasakyan ng maramdaman kong hindi kumakagat ang preno noon. Malayo na rin ang aking binabaybay na daan, nang mapansin kong walang gaanong sasakyan ang lugar kung saan ako napadpad. Hanggang sa nakakuha ako ng pagkakataon para ibangga ang kotse ko sa nag-iisang poste na nakita ko. Mula doon ay unti-unti ng nanlabo ang aking paningin. Ngunit bago ako tuluyang nawalan ng malay ay nakita ko ang imahe ng isang babae, habang pilit niyang binubuksan ang bintana ng kotse ko sa tabi ng driver seat at sumisigaw ng tulong. Doon ipinangko ko sa sarili kong mabigyan lang ako ng pagkakataon naabuhay, kung single siya. Liligawan ko siya. Hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman. At ngayon heto ako, sa mga oras na ito, ay nasisiguro kong buhay pa talaga ako.
Nabaling ang aking paningin ng bumukas ang pintuan ng kwartong iyon at pumasok ang isang babaeng nakangiti sa akin.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Mabuti naman at gising ka na," anito, at pinakiramdaman ko ang aking sarili.
Sumasakit lang ang aking ulo, ngunit hindi naman ganoong kalala. Nararamdaman ko rin ang aking mga binti at braso. Bukod doon ay maayos na ang aking pakiramdam. "Sa tingin ko naman ay maayos na ako dok. Normal lang siguro na sumakit ang aking ulo. Sino nga pala ang nagligtas sa akin? Paano ako nakarating dito sa ospital? Ang huli kong natatandaan ay may boses ng babaeng sumisigaw sa labas ng kotse ko. Habang pilit niyang binubuksan ang bintana," paliwanag ko at hindi naman naging madamot ang doktor para idetalye sa akin ang lahat.
"Nasaan siya dok?" Sabay pa kaming napatingin sa pintuan ng banyo ng makarinig kami ng lagaslas ng tubig doon.
"Sa tingin ko ay narito lang siya sa loob. Sabi niya ay Eloira ang pangalan niya. Wala namang napinsala sa paa at braso mo. Maliban sa ilang sugat at gasgas. Isa pa napakaswerte mo at walang malalang nangyari sa ulo mo. Maliban sa hiwa na natahi na naman. Maliban doon okay ka na. Maari ka ng makalabas mg ospital makalipas ang tatlo hanggang apat na araw na pahinga." Tumango ako sa doktor bago ito tuluyang lumabas ng silid na iyon.
Ang atensyon ko naman ay napako sa pintuan ng banyo sa loob ng kwartong iyon para hintayin at makilala ang babaeng naging dahilan kung bakit ako ngayon ay ligtas at buhay.
Unti-unting bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas ang isang magandang babae. Simple lang ang ayos nito, ngunit masasabi kong kahit papaano ay pinaghusayan nito ang simpleng ayos na iyon. Cute hindi ko mapigilang ibulalas sa aking isipan.
"Eloira," sambit ko sa pangalan niya. Napangiti ako ng makita ang kanyang gulat ng magtama ang aming paningin.
"Paano mo nalamang ang pangalan ko?"
"Sinabi ng doktor, dumating siya bago ka lumabas ng banyo." Napakunot noo ako na may halong pagtataka. "Sinabi mo sa doktor ang pangalan mo di ba?" Hindi ko malaman kong ngiwi ang napansin ko labi niya. Pero agad ding ngumiti.
"Mabuti naman at gising ka na. Labis akong nag-alala sa iyo. Halos maghapon ka ng walang malay."
"Thank you for saving me Eloira. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyari sa akin kung hindi dahil sa iyo."
May napansin akong kaba sa kanya. Hindi ko na lang binigyan ng pansin. Maaaring shock talaga siya sa nakita niya kanina. Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman ni Eloira.
"By the way, what is your full name?"
"Eloira Magsino."
"Cute," mahina kung bulong bago ko muling pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuoan. "Come here Eloira." Lumapit naman ito sa tabi niya. "I am Matteo. Matteo Barcelona. Nice to meet you," pakilala ko sa kanya sabay abot ko ng aking kamay na kanya naman tinanggap.
Halos ilang minuto rin kaming nagkukwentuhan. Nasabi ko na rin sa kanya kung bakit ako humantong sa pagkakabangga sa poste. Nalaman ko ring may isa pa pala siyang kasama para mabantayan ako. Ang kaibigan niyang mula pa lang pagkabata ay kasama na niya at pareho pa silang galing sa ampunan. Mas bata lang sa kanya ang kaibigan ng dalawang taon. Na medyo may pagkaspoiled brat nga lang.
Mula noon ay sabay din silang umalis sa ampunan nang sa tingin nila ay kaya na nilang mabuhay ng magkasama. Hanggang sa ngayon ay sa parehong grocery store pa sila nagtatrabaho. At sa iisang apartment nakatira. Siya ang tumatayong ate ng kaibigan nito. Na kahit medyo suwail ang babaeng nagngangalang Raselle ay hindi niya maiwan. At lalong higit na hindi niya mapabayaan.
Nakatitig lang ako sa mga mata ni Eloira. Mababakas ko ang lungkot doon Maaring dahil sa mga pinagdaanan nito sa buhay. Parang gusto ko siyang yakapin. Iyon nga lang nahihirapan akong ikilos ang aking katawan. Gawa na rin ng bentang nakapalibot sa aking braso at binti.
May kung ano ring damdamin sa akin na hindi ko maipaliwanag. Lumaki ako sa marangyang pamumuhay. Hindi alintana ang hirap na dinadanaas ng iba. Tapos ngayon, isang mahirap ang walang pag-aalinlangan ang nagligtas sa akin. Sa tingin ko ay hindi sapat ang salitang pasasalamat lang, bilang tugon sa pagliligtas niya sa buhay ko.
"Eloira." Sambit ko sa pangalan niya. Mabining ngiti naman ang itinugon sa akin ng dalaga.
"Bakit?"
"Gusto kong magpasalamat sa kabutihang loob na ipinamalas mo. Kahit ano pwede kong ibigay sa iyo. Kahit anong hilingin mo," nakangiti kong saad sa kanya. Mukha namang natigilan si Eloira, wari mo ay sinusukat kung nagsasabi ba ako ng katotohanan.
"Kahit ano?" May panunuri ang kanyang tingin. Sa tingin ay hindi talaga naniniwala.
"Anything."
"Wala naman akong ibang nais kundi ang kaligtasan mo." Lalo lang nitong napasaya ang puso ko. Pakiramdam ko ay iba si Eloira sa mga babaeng nakilala ko. Nararamdaman kong hindi mahalaga sa kanya ang pera. Alam kung alam niya kung anong klase ng sasakyan ang naibangga ko. Kaya hindi man niya ako kilala at alam kong may idea na siya sa kung ano man ang kaya kong ibigay. Sa halip ay ang kaligtasan ko pa rin ang ninais lang niya. Isang desisyon ang nabuo sa aking isipan sa mga oras na iyon. Bakit nga ba hindi. Gayong wala naman akong sabit. Sa tingin ko ay ganoon rin ang dalaga.
Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pintuan ng kwartong iyon at pumasok ang isang may kaliitang babae.
Mukha itong pagod na wari mo ay hindi man lang nasayaran ng suklay ang buhok. May bitbit itong mga supot na sa tingin ko ay puro pagkain ang laman.
"Eloira, pasensya ka at natagalan. Gutom ka na? Napakadami kasing tao sa canteen ng ospital na ito. Mabuti na nga lang kahit mahaba ang pila nakabili pa rin ako ng pagkain natin. Bumili rin ako ng lugaw para sa poging lalaki at baka mamaya ay magising na siya." Wika ng babaeng kapapasok lang na sa tingin ko ay kabaliktaran nga ugali ni Eloira. Masyadong maingay ang boses nito na wari mo ay naghahamon ng away. Habang si Eloira ay napakahinhin ng boses ay kay sarap pakinggan. Sa tingin ko ay ito ang kaibigan ni Eloira na tinutukoy nito.
Sinundan ko ng tingin ang babaeng mukhang napagod sa pagbili nito ng pagkain. Ibinaba nito ang mga dala sa table na naroon at pagsak na naupo sa mahabang upuan na naroroon.
"Kumusta na siya? May nakita ka bang senyales na magigising na siya?"
"Raselle, gising na siya."
Saka lang bumaling sa akin ang tingin ng babaeng bagong dating. Napakunot pa ang aking noo ng mapansin ang tuwa sa kanyang mga mata? Bakit? Naguguluhan kong tanong sa aking isipan? Bakit mukhang mas pansin ang tuwa sa kanya na makita akong gising na.
"Ako nga para si Raselle. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Okay ka lang ba? Nakatawag ka na ba ng doktor Eloira? Dapat natitingnan na siya ng doktor." May inis na saad ng babae na halos hindi pinansin ang kaibigan nito.
Nakaramdam naman ako ng inis. Ang ingay na nga niya, ay akala mo kung sino pang mag-alala. Sino ba siya sa akala niya. Ngunit dahil kaibigan ito ni Eloira ay hindi na lang ako nagsalita.
"Raselle natingnan na siya ng doktor. Relax, okay. Matteo si Raselle nga pala kaibigan ko. Matteo, siya ang sinasabi kong kasama ko dito sa pagbabantay sa iyo."
"Huh?" Iyon lang ang narinig kong sagot ng babae na wari mo ay naguguluhan. Ano naman bang masama sa sinabi ni Eloira?
"Teka lang! Anong sinasabi mong sinamahan kita? Wait! Matteo ang pangalan mo? Bagay sa iyo." Hindi ko alam kong ano ang pinupunto ng babaeng nagngangalang Raselle. Malamang bagay sa akin iyon. Pinag-isipan iyon ng mga magulang ko. Nakaramdam ako ng inis sa mga titig niya. Para niya akong kakainin ng buhay.
"Mabuti at nasuri ka na ng doktor. Labis akong nag-alala sa iyo. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kanina noong nakitang--." Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin. Naiirita ako sa pagiging madaldal niya. Walang-wala siya kay Eloira.
"Gusto ko na munang magpahinga," nasabi ko na lang habang hawak ko ang kamay ni Eloira.
"S-sige," nauutal pa nitong sagot bago binawi sa akin ang kamay niyang hawak ko. Ako naman ay pumikit na.
Naramdaman ko ang paglayo sa akin ni Eloira na sa tingin ko ay lumapit sa kaibigan nito.
"Ano iyon? Bakit may paghawak ng kamay?" Narinig ko pang tanong ng kaibigan nito.
"Hindi ko alam. Basta thank you daw sa pagliligtas sa buhay niya. Isa pa kahit daw anong hilingin natin sa kanya ay pwede niyang ibigay. Siguro dahil sa pagkakaligtas ng buhay niya."
Napangiti ako. Nagpakilala na ako at lahat mukhang hindi niya kilala ang lalaking natulungan niya. Sa bagay, simpleng tao lang naman ako kahit sabihing marami na rin naman akong narating sa buhay. Hindi ako kilala sa mismong ako industriya. Pero may pangalan na rin akong tinitingala ng iba.
"Anong sinabi mo?"
"Wala, sabi ko lang mas mahalaga ay walang gaanong nangyari sa kanya."
"Akala ko kasi humiling ka ng pera. Mga isang milyon," wika ng babaeng nagngangalang Raselle na ikinahagikhik naman ni Eloira.
Napasimangot na lang ako sa narinig. Ibang-iba si Eloira sa kaibigan niya. Malaki ang kaibahan. Kaya naman mas tumatak sa akin si Eloira, ang ugali niyang mapag-alala.
"Matteo kumain ka muna bago ka ulit magpahinga." Dining kong boses iyon ng babaeng kaibigan ni Eloira. Napasimangot ako, ngunit agad ko ding binawi. Ayaw kong makita ni Eloira na naiinis ako sa kaibigan niya. Na kahit parehong ngayon ko lang nakilala ang dalawang babae ay alam ko na kaagad kung sino ang mapagkamatiwalaan ko at hindi.
Nagmulat din naman ako ng mata at tinitigan ang babae. Maganda ito hindi nalalayo kay Eloira. Ngunit iba ang dating ng ganda ni Eloira para sa akin.
"Salamat," naitugon ko na lang. Nakatingin ako kay Eloira na parang ipinapahiwatig kong tulungan akong kumain. Isang ngiti naman ang isinagot ng dalaga. Kinuha nito ang pagkaing hawak ng kaibigan nitong Raselle ang pangalan. Si Eloira ang nagsubo sa akin ng pagkain.
Hanggang sa mapansin ko ang lungkot sa mga mata ng kaibigan ni Eloira. Lungkot na nagpapahiwatig ng pagkabigo at panghihinayang na hindi ko alam kung saan nagmumula. Napailing na lang ako sa aking isipan at muling tinitigan ang babaeng ngayon ay nasa aking tabi. Ang babaeng gusto kong ipagkatiwala ang aking sarili.