"Toto!" Tili muli ng anak ko. Si Matteo naman ay hindi maalis ang paningin sa amin. Hindi ko lang matukoy kong sa akin ba siya nakatingin o sa anak ko. "R-Raselle," sambit niya sa pangalan ko. Pero wala akong kayang itugon. Maliban sa titigan lang siya. Sa loob ng apat na taon, ngayon ko lang ulit siya nakita. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya na binanggit ang pangalan ko. Pero hindi ko alam kung gusto ko pa bang marinig muli na tawagin niya ako sa pangalan ko. Nagulat ako ng bigla na lang magkakawag ang anak ko, na halos mabitawan ko na siya. Ang kanyang kamay ay inalis pa sa pagkakapulupot sa aking leeg at akmang magpapabuhat sa bagong dating. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Alam kong magkikita at magkikita kami ni Matteo. Pero bakit ang bilis naman? Bakit ngay

