1952. Malamyos ang musikang nagmumula sa plaka. Ang kantang Thru Eternity ang maririnig sa buong sala mayor habang mabagal na nagsasayaw ang mag-asawang Savatierre. Sa mansion na iyon din sila ikinasal dahil hindi maaaring pumasok ng simbahan ang lalaki. Mabagal siya nitong isinasayaw, inalalayang umikot at muling kinabig palapit dito. Suot ni Lucas ang black organza barong nito. They just got married. Judge ang nagkasal sa kanila. May inimbitahang mga tao si Lucas para magsilbing saksi sa kanilang kasal. Walang reception pagkatapos ng maikling seremonya. Ang dalagitang kasambahay na si Juanilya lang ang sumalo sa mga pagkaing inihanda sa lamesa. Inihilig ni Antonina ang ulo sa dibdib ng asawa. Katiwasayan ang nararamdaman niya sa tuwing maririnig ang marahang t***k ng puso ng esposo. H

