Balisa si Aevia kung bakit naman kasi ngayon pa hindi nagparamdam si Lucas sa kanya. She had to tell him that the missing page of the book was in the old mansion. Paano ba nangyaring hindi nito alam ang tungkol sa bagay na iyon? O baka alam nito at hindi lang sinasabi sa kanya? She got so many reasons to doubt the archdevil, but she wouldn't. Sa puso niya, alam niyang wala nang itinatago sa kanya si Lucas. Napaigtad siya nang mag-ring ang kanyang cellphone. Si Mr. Schaffen ang tumatawag. Nasa labas na raw ito ng bahay niya. Naipagpaalam na rin siya nito sa mga magulang niya at sinabing isasama siya sa isang art exhibit. That was his alibi. Alam nitong hindi siya papayagang bumalik ng Balay Aisalah. Pumayag agad ang mga magulang niya. Malaki ang tiwala ng mga ito sa professor. Hindi nakapa

