Flashback2 #Ethan. Agad siyang napailing."No,Ethan,ayaw kong mag-alala siya sa akin. I can feel it hindi na ako magtatagal,ayaw kong nakitang nasasaktan siya. Mas mabuti pang wala na ako kapag nalaman niya para isang sakit na lang ang mararanasan niya." Napailing ako sa sinabi niya,hindi ako sang-ayon sa sinabi niyang hindi ipaalam kay Shaira ang nangyari sa kanya. "Please Sheenn,Shaira needs to know,wag mong itago sa kanya to. At isa pa,hindi ka pa mawawala! Pupunta tayo Abroad doon kita ipapagamot,marami akong pera Sheen,"hindi ko alam pero ang bigat -bigat ng pakiramdam ko. Naramdaman ko na lang na bahagya niyang hinawakan ang kamay ko,"Wag ka ng mag-abalang ipagamot ako,Ethan,may taning na ang buhay ko,alam ko kung hanggang kailan na lang ako. Sorry kung nagsinungaling ako sayo ka

