Letter.
Shaira.
Nakauwi na ako sa bahay.
At ngayon ay nakaharap ako sa sobreng puti na nasa harapan ko.
Hindi ko yata kayang buksan.
Hindi talaga!
Ano ba kasi ang nangyayari?
Nanubig na naman ang mata ko ng maalala ang sinabi ni Ethan,wala na ba talaga si Ate Sheenna.
Napasinghot-singhot nalang ako dahil sa pag-iyak ko nahihirapan na akong huminga.
Dahan-dahan kung pinulot ang sobre,at binuksan ito.
Nakita ko ang sulat kamay ni Ate Sheenna,isat kalahating taon na mula ng isinulat ito ni Ate.
Ibig sabihin bago lang siya nawala.
Dear Shaira,
By the time na nabasa mo na ang sulat kung ito,ibig sabihin wala na ako,Shai,gustong-gusto kitang puntahan kaso the time na hinanda ko na ang lahat ng mga kailangan ko para sa paglayo ko kay Ethan dahil pinalaya na niya ako,saka ko naman nalaman na may BloodCancer pala ako. Ayoko na sanang ipaalam kay Ethan kaso wala na akong ibang malapitan,malala na pala ito pero hindi ko lang binigyan pansin akala ko simpleng sakit lang,Im sorry Shai,ginawa ni Ethan ang lahat para maligtas ako,dinala pa nga niya ako abroad kaso huli na ang lahat,wala na akong pag-asa.
Im Sorry Shai kung iniwan kitang mag-isa,pero bago ako nawala,inihabilin kita kay Ethan,siya na ang bahalang mag-alaga sayo,ipinagkatiwala na kita sa kanya.
Wag kang mag-alala hindi na siya ang Ethan na s*x Addict magaling na siya Shaira,ginawa niyang magbago para sayo.
Oo alam ko dahil yon sayo,alam ko una pa lang gusto ka na niya.
Hindi lang niya direktang masabi sa akin na gusto ka niya dahil alam niya na hindi ko siya papayagan na makalapit sayo.
Pero ngayon na ok na siya,ipapaubaya na kita sa kanya.
Aalagaan ka niya,at sasamahan sa yong pag-iisa.
Mahal na mahal kita Shaira,sorry sa lahat.
Be happy always Shaira.
Wag mo na akong alalahanin maayos akong ihihimlay ni Ethan.
Mahal na mahal kita Shaira! Sana maging masaya ka na sa piling ni Ethan,wag mong iisiping awkward kung sakaling kayo ang magkatuluyan dahil sa mga nangyari sa amin,ayaw kung maging kontrabida Shai,bago niya ako pinalaya inamin ko pa sa kanya na mahal na mahal ko na siya,pero wala siyang kahit anong nararamdaman sa akin Shai,kahit na masakit tinanggap ko,kung sakaling ikaw man ang babaeng papalarin niyang mahalin.
Magiging masaya ako para sayo Shai,para sa inyong dalawa ni Ethan,please be happy with him.
Kahit na masama dati ang pagkakilala natin sa kanya bumawi naman siya sa huli Shai dahil ginawa niya ang lahat para gumaling ako pero talagang hanggang dito na lang talaga ako kaya,be happy Shai,ayaw ko ng nalulungkot ka ha!
Mahal na mahal kita Bunso.
Paalam.....
..
Yours truly,
Ate Sheenna.
Isa-isang pumatak ang luha mula sa aking mga mata!
Grabe paano nangyari to?
Panaginip ba to?
Sana naman panaginip lang to,hindi pwedeng wala na si Ate,hindi!
Gusto ko pa siyang makasama!
Ang hirap lang tanggapin na ang taong matagal mo ng hinihintay ay matagal na palang wala.
No,Ate Sheenna,bakit nagawa mo akong iwan,bakit?
Bakit?
Napahagulhol na talaga ako ng iyak hindi ko talaga matanggap.
Ate!
Ate!
Hindi ko pa nasusuklian ang kabutihan mo sa akin.
Ang lahat ng sakripisyong ginawa mo sa akin.
Sukdulang ibenta mo ang katawan mo para lang mapagamot ako noon.
Pati pagpapagamit kay Ethan,pinatulan mo na rin para mapakain at mapaaral mo lang ako.
Lahat ng yon Ate diko pa naipagpasalamat sayo.
Bakit mo ako iniwan ng maaga ate,bakit???😢😢😢😢
Sana hindi mo ako iniwan agad.
Hinayaan ko lang ang mga luha ko na naglandas sa aking mga pisngi,uubusin ko na ang luha ko ngayon,dahil alam ko kung nasaan man si Ate ngayon di niya gugustuhing makita akong ganito kalungkot.
...
#Ethan.
Nag-alala ako kay Shaira,alam ko nabigla ko siya sa dala kung balita kaso hindi ko na din kayang patagalin pa ang tungkol kay Sheenna.
Karapatan din naman niyang malaman ang malungkot sa sinapit ng kapatid niya.
Ayaw kung ipagdamot sa kanya yon.
Siya na lang ang natitirang kamag-anak ni Sheenna na kilala ko.
Kaya kahit hindi pa sana yon ang tamang panahon sinabi ko na lang.
Para sa ikakatahimik naming lahat.
Mabilis ang mga pangyayari, kahit ako hindi ako makapaniwala na wala na nga si Sheenna.
Ng pinalaya ko siya akala ko magkikita na silang magkapatid,pero nagkamali ako.
#flashback.
Kasalukuyan ng hinahanda ni Sheenna ang mga gamit niya para umalis na siya sa Condo ko,at pupuntahan na niya si Shaira upang makasama ito.
Masaya na rin ako kahit papano,mga dalawang buwan na rin mula ng tigilan ko na ang paggamit sa kanya,dahil hindi ko na nararamdaman ang pangangailangan na dati ay hinahanap-hanap ko.
"Aalis ka na?"mahinang tanong ko sa kanya ng maabutan ko siyang busy sa pagliligpit!
"Hindi ako aalis kung pipigilan mo ako."nakangiting wika niya sa akin.
Napakamot naman ako sa batok ko,"Binibiro mo na naman ako Sheenna"
She just smiled at me.
Pero may napansin ako sa kanya,bat ang putla niya parang may sakit siya.
"Sheenn,ok ka lang? "
"Huh? Why? Bakit mo naitanong?"
"Ang putla mo kasi! Baka buntis ka di mo lang sinasabi sa akin?"
"Ok lang ako,wag ka na ngang concern masyado mas lalo mo lang akong pinapa-inlove nyan eh."natatawa pang wika niya. Alam ko ginagawa na lang niyang biro ang feeling niya for me.
"Sheenna,pacheck-up ka muna bago ka umalis sa poder ko if you want sasamahan kita."
"Hay,ikaw talaga so Paranoid ok lang ako,sanay na ako,. Wag ka ng mag-alala ang busy mo na nga tapos sasamahan mo pa ako."
"Sheenn hindi ka na iba sa akin,please magpacheck up na tayo."
Tiningnan ko siya ng maayos bukod sa maputla ay nanlalalim pa ang ilalim ng mata niya.
At nahulog din ang pangangatawan niya.
"Sheenn,please. Nahulog din ang pangangatawan mo,!"
"I'm on a diet kaya pumayat ako."
Napailing na lang ako,nakasuot siya ng mataas na damit,hindi sinasadya na tinupi niya ito at nanlaki talaga ang mata ko sa nakita.
Bakit may pasa siya?
Shit pinagsisihan ko yong araw na sinakal ko siya sa apartment ni Shaira.
Maaring manyak ako pero di ko talaga ugaling manakit ng babae.
Hindi na ako nakatiis agad kung kinuha ang kamay niya.
"Ano to Sheenn?"madiing tanong ko sa kanya.
Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya.
"Ah,dala lang yan malapit na kasi ang buwanang dalaw ko,wag ka na kasing mag-alala!"
Tinalikuran niya lang ako at di na niya ako pinansin.
"Ouch!! Aray,ang sakit!"
Agad akong napalapit sa kanya,ng makitang namilipit siya sa sakit hawak hawak ang tiyan niya,ah basta di ko na alam.
Nataranta ako ng makita siyang nanghihina na dahil sa sakit na dinaramdam.
"f**k,Sheenna!"nagmamadali akong buhatin siya at dinala sa hospital.
At doon ko nalaman malala na pala ang Blood Cancer ni Sheenna,hindi ko alam kung alam na niya na may sakit siya o pilit lang niyang binabalewala.
Magmula ng dinala ko siya sa Hospital ay di na siya pinalabas ng Doktor niya,"Sheenn?"tawag ko sa kanya ng sa wakas ay gumising na siya.
Ang putla-putla niya,parang wala na siyang dugo sa katawan.
"Sheen,bakit di mo sinabi?"
"Hindi ko alam. Matagal na akong may napansin sa katawan ko kaso pinagwalang bahala ko lang. Isa pa natatakot talaga ako. Kaya mas mabuti pang wala na lang akong alam sa kalagayan ko."mahinang wika niya.
"Lets find your sister,kailangan niyang malaman ang kalagayan mo!"
Agad siyang napailing."No,Ethan,ayaw kong mag-alala siya sa akin. I can feel it hindi na ako magtatagal,ayaw kong nakitang nasasaktan siya. Mas mabuti pang wala na ako kapag nalaman niya para isang sakit na lang ang mararanasan niya."😥😥😰