Date.
Shaira.
Buong buhay ko ito ang pinakaunang date na pupuntahan ko.
Hay kahit diko gusto si Vince,ay kinabahan pa rin ako.
Paano hindi ko talaga alam kung anong ginagawa kapag may nagdadate.
Huminga na lang ako ng malalim tsssk,bahala na nga.
Tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin.
Isang Floral dress na above the knee ang suot ko,hinayaan ko lang na nakalugay ang mataas kung buhok.
Hindi na ako masyadong nag-apply ng make-up gabi na.
Kaya lipstick na lang.
Exactly seven pm ng may kumatok na sa pintuan ko.
"Sandali lang "
Agad kong kinuha ang purse ko at dali-dali na akong lumapit sa pinto.
"Sino po sila?"
Hindi kasi si Vince ang dumating.
Isang lalaki na may katandaan na.
"Pinapasundo ka ni Sir "
Kinabahan ako,naisip ko baka sindikato to at kidnapin ako.
Eh wala pa naman akong pambayad sa ransom.
"Ahmm,wag na lang kuya,hindi na lang pala ako tutuloy."
"Miss pinapasundo ka po ni Sir Vince,naghihintay na po siya sa inyo sa Lanes Restaurant."
Huminga muna ako ng malalim,sana lang dito scam.
"Ok,po."
Ngumiti na lang siya sa akin.
Mukhang mabait naman siya kung buhay lang si tatay mukhang parehas lang sila ng edad.
Hay namiss ko tuloy si Tatay.
"Nandit na tayo Maam."
Saka lang ako nakahinga ng maluwag.
"Salamat po Manong."buti na lang di scammer si Manong.
Tumango lang siya.
Dahan-dahan na akong bumaba.
Ang sarap ng hangin malapit kasi sa baywalk ang restaurant.
Naglakad na ako papasok ng sinalubong ako ng isang crew,"this way Maam."sumunod na lang ako sa kanya.
Dinala niya ako sa isa sa exclusive room, ang bongga ni Vince,
Pagkapasok ko ay hindi pa siya dumating pero nakahanda na ang mga pagkain sa mesa.
Bale kaming dalawa lang talaga sa lugar na yon.
Nakakatakot naman.
Sana wala siyang masamang gawin.
"thank you."
"Youre welcome Maam enjoy your meal."nakangiting wika niya sa akin sabay alis na.
Asan na ba ang lalaking yon.
Abat pinaghintay ako.
Thirty minutes na akong naghintay ng biglang bumukas ang pinto.
Grabe inis na inis na ako at isa pa gutom na ako.
"You're la--"
Shit grabe nalulon ko yata dila ko.
Nanlaki na lang ang mata ko ng bigla siyang umupo sa tabi ko.
"Sorry Miss Antero kung thirty minutes late ako,so patas na tayo ngayon dahil late ka naman kanina ng twenty five minutes!"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
What did just happen?
Bakit siya nandito nasaan si Vince.
"Bakit ikaw ang nandito? Hindi naman ikaw ang kadate ko Mr. Wade!"
Tama si Ethan ang nandito.
Ngumisi lang siya sa akin.
"Sorry may emergency kasing meeting na pinuntahan si Mr. Mendoza,"
Nanlisik ang mata ko sa inis.
If I know plinano niyang ipadala ng biglaan si Vince.
"Walanghiya ka talaga!"
"Yan ba ang tamang asal ng isang employee sa boss niya Miss Antero?"
Shit!!
This is not happening.
Kaya agad akong tumayo para umalis sa lugar na yon.
"Subukan mo lang umalis Miss Antero,!:
"Anong gagawin mo?"
" Kaya kung gawin ang lahat,siguro naman hindi kailangan ng kaibigan mong si Anne ng trabaho,makakaya mo naman siguro makitang mawalan siya ng work dahil sa katigasan ng ulo mo! Kakayanin kaya ng konsensya mo na nawalan siya ng trabaho ng dahil sayo."
"Evil ka talaga! Walang hiya ka."
He just laugh.
Letse galit na galit na ako.
Tapos siya tumatawa lang.
"Come on Sit down,after all your my new Secretary."
Inirapan ko siya.
Umupo ako pero malayo sa kanya.
"Wala naman akong Aids Miss Antero,nagpamedical check up na ako.para ganyan kalayo ang upo mo!"
"Mas safe ako Kapag malayo ako sayo Mr. Wade,hindi ko alam kung anong sakit na naman ang dala mo."
"Wala na akong sakit Miss Antero magaling na ako,sa sobrang galing ko hindi na ako nag-iinit kapag nakakakita ng sexy at magandang babae."
Inirapan ko lang siya.
Ang maniac talaga.
"Ewan ko sayo. Pwede na bang kumain kanina pa ako nagugutom."
"Feel free to eat "sabi niya.
Agad akong kumuha ng pinggan sabay subo ng may naalala ako.
"Safe ba ang mga pagkaing to? Baka may gayuma to? O di kaya gamot para maging horny ako?"
Sounds stupid pero mahirap ng magtiwala sa lalaking to.
Tumawa lang siya ng malakas na halos maiyak na siya.
Gago kung di lang kita boss.
Dahil sa inis ko ay bigla ko siyang sinubuan ng isang kutsarang kanin.
Hahahha.
Buti nga sayo,napatigil tuloy siya sa pagtawa.
Sinamaan niya ako ng tingin.
Ngpeace sign na lang ako sa kanya.
"Ang ingay mo kasi Mr. Wade."
"Humanda ka makakaganti din ako sayo!"
Inirapan ko lang siya at kumain na.
Ang takaw ko talaga.
"Psst. Miss Antero baka may balak kang tirhan ako."
"Huh?"
Lagot grabe lakas kung kumain.
"Mag-order ka na lang ulit total naman sobrang yaman mo na noh!"
Napailing na lang siya at aliw na aliw habang nakatingin siya sa akin.
"tama na Mr. Wade alam ko maganda ako,perfect na ang mukha ko,kaya please lang stop staring at me. Ok?"
Napaubo siya sa sinabi ko.
Bahala na nga siya.
"Wheres my Ate bakit di mo siya kasama?"
Hindi siya sumagot.
"Hoy,Mr. Wade saan ang ate ko. Miss ko na siya di ka pa kami nagkita,mula ng pinatakas niya ako."
Kitang-kita ko ang pagkulimlim ng mukha niya.
" Wala na siya!"
Napatigil sa Ere ang subo ko.
"What??"
Hindi siya sumagot.
"Mr. Wade anong nangyari?"
" Sorry."
"For what? Wag kang magbiro ng ganyan Ethan!"
Ngumiti siya ng mapakla.
"Sana lang talaga biro lang ang lahat!! Hindi ko rin alam it happens so fast,na maski ako di makapaniwala sa nangyari "
Kinabahan ako sa sinabi niya.
"Ethan please kung may galit ka sa akin,wag ganito,wag mo akong biruin ng ganito. Miss na miss ko na si Ate tagal ko siyang hinintay pero di siya dumating."
"Kasi nga may masamang nangyari sa kanya!"
"No,no,no,nagbibiro ka lang diba?"
May kinuha siya mula sa loob ng coat niya.
Isang sobre.
Anong laman nito?
Napailing ako.
Hindi ko kaya to.
Hindi maaari
No way!
Ginogoodtym lang ako ng lalaking to!!"
"Basahin mo,yan ang huling habilin niya sa akin. Ibigay ko daw sayo."
Napaiyak na talaga ako.
Kung nagbibiro man siya hindi nakakatuwa.
Pinaghahampas ko na si Ethan,
" Please, Shai! Please basahin mo na lang. Nangako ako sa kanya na kahit gaano katagal ibibigay ko yan sayo."
"Anong nangyari sa ate ko Ethan! Pinatay mo siya!? Sinasaktan mo siya diba!! Dahil sa sakit mo kaya siya napahamak!!!"umiiyak na talaga ako.
Hindi pwedeng mawala ang ate ko.
Hindi pa kami nagkikita!
Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Hindi siya nasave ng pera ko. Ang dami kung pera pero wala itong nagawa para iligtas siya!"
Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ang puting sobre.
Naiiyak na din ako.
Pati si Ethan bakas ang lungkot sa mukha niya.
"Bakit mo pinabayaan ang ate ko. Bakit?"hinang-hinang wika ko.
"Please Shai just read it,nandiyan lahat,Shai. Ginawa ko ang lahat just to save her,pero gaya nga ng sabi ko,money cant buy Life. Hindi ko pa rin siya nailigtas."punong-puno din ng pait at sakit na wika ni Ethan.
Iyak lang ako ng iyak wala na ba talaga si Ate?
Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha ni Ethan.
"Kaya ka ba naging cold?"
Tumango siya.
"Kasalanan ko kung bakit nangyari yon sa ate mo. I tried to find you,pero ayaw niya. Ayaw niyang makita mo ang paghihirap niya. Ang bilis ng mga pangyayari. Maski ako,di makapaniwala. Im sorry Shai,im really sorry,pero gusto kung malaman mo na hindi ko siya pinabayaan,ginawa ko ang lahat para masave siya "
"Ethan,!"wala na naiiyak na talaga ako.
Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa puting sobre na naglalaman ng lahat ng impormasyon patungkol sa nangyari kay Ate.
Wala na iyak na lang ako ng iyak
Kung paano ako nakauwi hindi ko na alam.