Chapter18

1285 Words
#late. #Shaira. Grabe hanggang makauwi ako sa boarding house na tinutuluyan ko ay grabe ang lakas ng pintig ng puso ko. As in halos di ako makahinga,diko alam kung bakit. Nanghihinang napaupo ako sa kawayang upuan na nandoon. Di pa rin ako makaget over sa nangyari sa akin ngayong gabi. Una si Ethan na ang bagong boss ko. Pangalawa. Nagkabanggaan pa talaga kami. Kung kailan mo iniiwasan talagang nagkakasalubong pa kami. Haisssy,ano bang klaseng buhay to Oo. Nakatulala ako kaya diko narinig panay na pala ang pag ring ng phone ko ng tingnan ko kung sino ang caller,si Anne. Nanginginig pa ang kamay ko na pinindot ang answerkey button. "Hello."mahinang wika ko. "Hey kumusta ka na!"masiglang bati nito sa akin. "Di okey,sakit pa rin ng tiyan ko. As in. Araaaaayyy.."kailangan kung mag-imbento ng drama. "Hay,naku sayang wala ka dito." "Hala! Bakit may nangyari ba? Inatake ba ng mga rebelde ang party!" "What?? Hoy anong pinagsasabi mo! Kaloka ka!" "Ai sorry!" "May goodnews pala ako sayo." Kinabahan ako sa goodnews na sinabi niya. "Ano naman?"walang ganang tanong ko. "Ikaw lang naman ang napiling Miss Secretary ni Mr. Wade ay grabe makakatrabaho mo ang pinakasikat na bachelor sa buong bansa!" Haissst,yon lang pala akala ko ano na. "Huh??? What???"s**t grabe di pwede! Ayoko! Ayokong maging secretary ng maniac na yon. "Magreresign na ako!" "Huh? Hoy bessy ha wag kang magbiro ng ganyan,ito na yon oh,hinihintay mong break,triple sa sahod natin ngayon ang sahod ng Ceo secretary." Napairap ako kahit di niya ako nakikita. Sos aanhin ko naman ang malaking sahod kung mamanyakin lang niya ako. Sos wag na lang. Thank you na lang. "Basta magreresign na ako,uuwi na akong probinsya,magtatanim na lang ako ng gulay doon!" "Hoy,grabe baliw ka talaga,hindi pangtanim ng gulay yang beauty mo Bess,pang model o di kaya artista yan. Basta magpakita ka bukas kung ayaw mong kasuhan ka ng kompanya." Nanlaki mata ko sa sinabi niya. "Kasuhan? Wala naman akong utang sa kanila ah!"galit na wika ko kay Anne. "tsssk,nakalimutan mo na ba pumirma ka ng kontrata sa kanila?" Naiuntog ko ng wala sa oras ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Ay ang tanga ko. Grabe!!! "Oh,ano kita na lang tayo bukas ha. Bye goodnight!" "Goodnight."walang ganang paalam ko. Paano na? Ano ng gagawin ko? Hay!!! Grabe!!! Ang liit lang talaga ng mundo. Pakshit ka Ethan. Kainis na buhay to!!! Kinabukasan. Hay wala akong ganang pumasok sa work. Ayoko na sana. Kaso may pinirmahan pala ako. Ang tanga ko. "Bilisan mo na Shai,malapit ka ng malate."txt ni Anne sa akin na nagpagising sa naglalakbay kung diwa! Ay kabayo!! Ano ba kasing nangyayari sa akin. Double time ang ginawa ko,ayaw kung malate . Ayaw ko. .... Hingal na hingal pa ako ng makarating sa office. Sinalubong pa ako ng guard. "Morning Maam late na po kayo,nandiyan na po ang bago nating boss,!" "Oo Manong alam ko." Lakad takbo na nga ang ginawa ko!! Hay anong klaseng araw ba to. Ang malas ko naman yata. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng nakita kung nasa labas lahat ng employee,kaya pala nasa harap si Ethan. Bahagya akong nagtago sa likod ng isang kasamahan ko. Bakit mas gwapo yata siya ngayon?eh,erase! Maniac kaya yan. "Pinaka-ayaw ko sa lahat ay yong nalalate!!" Shit patay,natamaan ako. Im so dead!!! Lagot!! "Sa mga late dyan tapos ng chineck yong attendance. Ang mga late ay maiiwan,dahil im sure hindi nila narinig ang mga rules ko dito sa Company! Thats all for today.. Pagbutihin nyo ang mga trabaho nyo ayaw ko sa tamad dahil tama ako kung magpasahod! Nagkakaintindihan ba tayo?" "Yes,Sir!"masiglang bati ng mga kasamahan ko. "Ok you may all go,para sa mga late. May parusa kayo." Patay as in. Grabe,hindi naman siguro ako lang ang late. Pero nanginig ang tuhod ko ng ako na lang mag-isa ang nakatayo sa gitna ng hall. Magkaharap kami ni Ethan,at s**t lang dahil kinabahan talaga ako. Ako lang ang late? Grabe di na ako naniniwala sa kasabihan na its better late than never. Mabuti pa nag-absent na lang sana ako. May tiningnan siya sa folder na hawak ng assistant niya. "Miss Shaira Mhay Antero,youre 25 minutes late!!"malamig na wika niya. Napayuko na lang ako. " I'm sorry Mr. Wade," "Sorry?! May mababago ba yang sorry mo eh late ka na nga!" Nainis ako sa sinabi niya. Tama siya nong nagsorry siya sa akin dahil nabastos niya ako sa infinity pool nababago ba non ang mga nangyari. " What do you want me to do Sir?" Grabe siya. Grabe ka Ethan ang dami mo ng kasalanan sa akin. " Gusto kung maging kapakipakinabang ka naman dito sa company ko,instead of being a lose! Hindi na dapat pinaparami ang mga employee na kagaya mo,hindi nagpapahalaga sa trabaho! Napayuko ako sa sinabi niya. As in nakakahiya talaga. Grabe ang lalaking to akala mo walang sekretong tinatago sa katawan. Hindi na lang ako sumagot. Baka mas lalo lang siyang magalit sa akin. "Go back to your work now!!!"malakas na sigaw nito. Hay,hindi ako bingi! Kainis! Nagpapadyak akong pumunta sa cubicle ko!!! Makakaganti din ako sayo peste kang lalaki ka. .. "Shai? Ok ka lang?" Napaiyak kasi ako ng maupo ako sa cubicle ko. Hindi na lang ako sumagot,may napapagalitan ba na naging ok pagkatapos? Tanga din ng mga to. Peste talaga tong si Ethan,ang laki naman yata ng galit niya sa akin. Grrr.. Nanggigil talaga ako. Ang sarap niyang tirisin. "Hoy,maawa ka naman diyan sa keyboard."sita ni Anne sa akin. Hay ang walang kalaban-laban na keyboard napagbuntunan ng galit... "Sorry,nakakainis lang kasi,sa buong pagwowork ko dito ngayon lang ako nalate. At ganon pa talaga ang nangyari,as in pinagalitan niya ako sa unang araw niya dito. Bahala siya. Kainis siya." "Hoy wag kang magsalita ng bad nakikita at naririnig ka ng cctv." "Ai bahala siya Anne,wala na akong pakialam. " "Ikaw,dahil sa pagiging late mo hindi ka na yata niya pipiliing Secretary niya" Inirapan ko lang siya. Pakialam ko sa posisyon na yon. Gusto ko ang trabahong yon noong hindi pa si Ethan ang boss,pero ngayon,ayaw ko na. "Bat ang tagal ng lunchbreak. Kainis. Gutom na ako. Hindi ako nagbrekfast " "Ang takaw mo talaga."napailing na lang si Anne. Stress ako kaya kailangan ko ng pagkain. .... "Hay sa wakas lunchbreak na din."natatawang tukso sa akin ni Anne. Inirapan ko lang siya. Problema ng babaeng ito. "Hi,Shai can I join you " Shit nandito na naman tong si GM. Ngumiti na lang ako. Pinanlakihan ko ng mata si Anne ng makitang may balak na naman itong umalis. "Ahmm Sir Vince marami naman pong Vacant na mesa." Ayaw ko talagang makipag-usap ngayon lalo at napagalitan ako kanina. Ngumiti siya sa akin," Pero dito ko gusto kasi nandito ka." Hay presko,grabe,ang lakas lang ng dating pero diko talaga siya bet. "Sige ikaw bahala,pero wala kasi ako sa mood makipag-usap ngayon." "Naiintindihan ko naman na badmood ka,dahil napagalitan ka ni Bigboss kanina,ok lang." Gago,pina-alala talaga niya. Nagfucos na lang ako sa pagkain ng may mapansin akong parang nakatingin sa akin. Kaya nag-angat ako ng tingin. Mangali-ngali ko siyang irapan,ng magtama ang mga mata namin. Ang walang hiya,s**t,ang sarap batukan ni Ethan. Kainis. Akala ba niya masaya ako sa ginawa niya kanina. Letse siya. Hindi ko na lang siya pinansin. Galit ako sa kanya. "Shai,alam ko badmood ka pa,pero gusto sana kitang iinvite ng date," Hindi ako nakasagot,ayan na lumilevel up,na siya. Ayaw ko sanang pumayag kaso nakita ko na naman ang nakakaasar na mukha ni Ethan,bakit ba kasi siya kumakain sa canteen ng company tuloy pinagtitinginan siya ng mga Employee. "Shai?" "Ah,yes. Ok." "talaga pumapayag ka?" Tumango na lang ako bilang sagot. Ewan kung guni-guni ko lang nahuli ko kasi na biglang dumilim ang mukha ni Ethan. Bahala na nga siya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD