Infinitypool.
#Shaira.
"L-let go of me Ethan!"mahinang wika ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi nanghihina na ako. Kakaiba na yong nararamdaman ko. Bago sa akin ang pakiramdam na to.
Pero parang hindi din naman niya ako nadinig dahil naramdaman ko na mas lalong humigpit ang pagkahawak niya sa beywang ko.
"Ethan?"nagtaka na ako sa mga kinikilos niya. Nako lagot talaga ako kay Ate Sheenna nito kapag nalaman niya pinaggagawa ko kasama si Ethan.
"Please bitiwan mo na ako,"nagmamakaawang wika ko sa kanya. Baka ipagkanulo na ako ng katawan ko nito.
"Sorry,"sabi niya sabay layo sa akin. Mabuti naman parang natauhan na din ito.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng bahagya na siyang lumayo sa akin.
"Halika na Shai."
Napaigik ako ng bahagyang dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin.
Gabi na kaya medyo malamig na ang paligid.
"Ang lamig. Wag na lang kaya tayong tumuloy?"nagdadalawang isip na tuloy akong maligo,naman ee bakit kasi may mainit na eksena pa bago makaligo sa napakagandang infinity pool dito.
"Come here,akong bahala sayo. Paiinitin kita." What? Bat ang landi naman ata ng pagkakasabi niya. Ang lalaking ito talaga nakakainis,ang landi!
Inirapan ko siya." Hmmp ang landi mo rin noh Mr. Wade?"naiiling na wika ko.
"Hindi ah,totoo talaga yon. Kaya talaga kitang painitin!"
"Hoy ikaw Ethan ha nilalandi mo ako! May I remind you na Ate ko ang girlfriend mo!" naiinis ako,pafall din ang isang to. Kungsabagay,normal na lang ata dito ang ginagawa nito."Bakit mo ba kasi ako dinala dito?" Palaisipan pa rin sa akin kung bakit dinala niya ako dito sa kasal ng kaibigan niya. Bakit ako,sure naman na madaming iba diyan na willing sumama sa kanya.
Bahagya ko siyang sinulyapan,pero mukhang wala na naman siyang balak na sagutin ako.
"Ano? Magsalita ka?"haisst,grabe naman to si Mr. Wade napakasnob naman ata nito bigla.
Tahimik na ang paligid kaya dinig na dinig ko t***k ng puso ko. Nako,kinabahan ako na ewan.
"Wala kasi akong kasama kaya isinama kita. Ayaw ko namang pumunta dito ng mag-isa."
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Yon lang kaya talaga ang rason niya.
" Bakit ako? Pwede ka namang magsama ng iba. Maraming willing dyan na samahan ka. O mas higit pa."
Ano ba tong mga pinagsasabi ko. Hindi na din naman ata mahalaga pang malaman ang dahilan ng pagsama niya sa akin doon.
"Sana sinabi mo na lang na ayaw mo akong samahan dito,maiintindihan ko naman."may himig pagtatampo sa boses niya. Siguro nakulitan na din ata siya sa akin. Hay,nako bakit naman kasi kailangan ko pang magtanong ng magtanong di na lang ako mag-enjoy sa napakagandang tanawin dito.
"Sorry,pero nagtaka lang kasi ako. Nasaan ba kasi si Ate?"
"Hindi ko alam. Basta bigla na lang siyang nawala,"walang ganang sagot nito.
"Kaya mo ako pinuntahan?"
Tumango siya.
"Oo kaya kita pinuntahan,dahil nagbabakasakali ako na nandoon si Sheenna. Pero wala siya."
"Wala siya. Magmula ng mamatay ang mga magulang namin hindi ko na siya nakakasama. Tapos yong dati naming bahay nasunog. Ang malas namin diba?"wika ko,saka inilibot ko sa paligid ang paningin ko. Maliwanag pa rin ang buong resort,maraming ilaw ang nakakalat sa paligid. Ni wala ka ngang makikitang madilim na parte sa resort na yon!
"Hindi kayo malas,maswerte kayo dahil nakaligtas kayo sa tragedy na yon."
Napayuko na lang ako.
Saka isa-isang bumabalik sa alaala ko ang nangyari sa araw na yon.
Kasama sana akong namatay doon sa sunog pero may nagligtas sa akin.
Nakalimutan ko ang parteng iyon ng alaala ko.
Hanggang ngayon palaisipan pa rin kung sinong nagligtas sa akin.
"Muntik ka ng mamatay dahil sa sunog na yon diba?"
Napatango ako.
Hindi na ako nagtaka baka naekwento ni Ate sa kanya ang malagim na trahedyang yon.
"Nakilala mo ba kung sinong nagligtas sayo?"
Napailing ako.
Everytime kasi na pilit kung binabalikan sumasakit ang ulo ko. Parang may itim na bumabalot sa utak ko everytime na pinipilit kong balikan ang mga nangyari sa araw na yon.
" Iniligtas ka ni Sheenna!"mahinang wika niya.
Napatingin ako sa kay Ethan ng wala sa oras,hindi ako makapaniwala sa narinig na sinabi niya.
"Paanong nangyari yon?"ni sa hinagap hindi ko naisip na ililigtas ako ni Ate Sheenna. Pero posible kayang siya ang nagligtas sa akin.
" Iniligtas ka niya. Yon lang ang alam ko. Yon lang ang sinabi ni Sheenna,hindi na siya nagkwento pa ng iba."
Napalunok ako dahil sa sinabi niya.
Bakit di sinabi ni Ate Sheenna sa akin.
Bakit?
"Nandito na tayo!"
Naputol ang pagmuni-muni ko ng magsalita siya.
Nagiguilty tuloy ako,kung totoo na si Ate Sheenna nga ang nagligtas sa akin mula sa sunog napakalaki ng utang na loob ko sa kanya kung ganon.
"Bakit wala ng tao?"tanong ko sa kanya.
Ngumiti muna siya sa akin bago sumagot,"Pinasara ko muna to habang naliligo tayo."
Napatingin ako sa kanya. As in kailangan pa talaga niyang gawin yon!
"Talaga? Hindi muna dapat ginawa yon."
"Ok lang ayaw kung maligo na may kasabay,halika na."aya niya sa akin.
Grabe ang ganda talaga,pansamantala ko munang nakakimutan ang bigat ng loob na nararamdaman ko. This place is perfect mula sa napaka-asul na kulay ng tubig,na may animo ilaw sa ilalim ng pool kung saan nagpapalit-palit ang ilaw. Hanggang sa mga napakagandang lampost na nagkalat sa paligid ng pool.
"Ang ganda dito Ethan."
"Tama ka maganda nga dito. World class ang design ng resort na to."
Napahanga talaga ako sa paligid..
Kung hindi dahil kay Ethan hindi ako makakapunta dito. Sa mga magazine ko lang nakikita at nababasa ang tungkol sa napakagandang Isla na to,na matatagpuan sa Samal Island.
"Halika na,bilisan mo."
Grabe as in napaka-awkward naman kami lang dalawa sa napakalaking pool nato.
Pero wala na akong choice nandito na to,wala naman malisya to.
Grabe napaka-ginaw naman.
"Ang ginaw Ethan."sabi ko habang inilublob ang dalawang paa ko sa pool habang siya naman ay nasa pool na.
"Sa umpisa lang yan maginaw. Lika ka na. Mainit ang tubig dito."nakangiting tawag niya sa akin.
"Sige na mauna ka na."
Nag-eenjoy pa ako,sa view.
Pero napatili na lang ako ng bigla na lang niya akong hinila pababa.
Kaya nasa pool na kami ngayon at magkayakap.
What bakit kami magkayakap.?
Hindi pwede magagalit sa akin si Ate,sa ginagawa ko ngayon para ko na rin siyang niloloko.
Bahagya ko siyang itinulak kaso napakapit na siya sa baywang ko.
"E-Ethan naman!"mahinang bulong ko. Nanghihina yata ako.
"Hmmm."tanging sagot niya.
"Ano ba,wag ka ngang nangyayakap,ayaw kung saktan si Ate."bakit naman siya ganito kung umasta siya para siyang lasing na ewan. Basta ang alam ko normal lang naman ata siya. Di naman siya uminom kanina.
"Hindi naman niya malalaman to diba?"mahinang bulong niya sa may punong tainga ko na naghatid sa katawan ko ng libo-libong boltahe. s**t nakapanghina naman! Hindi pwede t
Bakit naman ganon siya?
Kaasar talaga ang lalaking to ang sama ng ugali! Hindi ko pwedeng gawin to. Ayaw ko ng saktan si Ate. Hindi ko pala kayang gawin yong mga pinaplano ko. Hindi ko kayang agawin si Ethan mula sa kanya para mahigitan lang siya!
Mas lalo ko na siyang itinulak pero mas lalo namang humihigpit ang yakap niya sa akin.
"Ethan,ano ba?"nag-umpisa na akong mainis kay Ethan! May kakaiba na din kasi akong naramdaman sa simpleng yakap niya sa akin!
"Diba gusto mo din naman to? Akala mo ba diko nahahalata na inaakit mo ako kanina sa bahay mo."
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Naman,Shaira ito na nga bang sinasabi ko! Nagbabackfire na yong mga plano ko!
"Kanina yon,hindi na ngayon. Ayaw ko na. Ayaw kung saktan si Ate. Hindi ko kayang saktan si Ate."
Nanayo ang balahibo ko sa katawan ng maramdaman kung bahagya na niyang hinagod ang likod ko. Pakiramdam ko nagbabaga na ang tubig sa pool na yon!
"Stop it Ethan!"walang lakas na wika ko!
"No! Nag-eenjoy pa ako."mainit na bulong na naman niya sa akin. Habang yong isang kamay niya ay humahagod sa likod ko.
Napapikit na lang ako ng bahagya ng naglakbay ang kamay niya sa katawan ko.
Nanghihina na ako sa ginagawa niya.
"Tama na Ethan,ayaw ko na ayaw ko ng saktan ang ate ko."
Bumaba ang ulo niya,kaya napapikit na lang ako at naghihintay sa susunod niyang gagawin. Im under of Ethan's spell,naging sunod-sunuran ako sa mga ginawa niya sa akin!
"Hindi mo naman sasabihin sa kanya diba?"patuloy na bulong niya sa akin.
Mas lalo akong di mapakali sa ayos naming dalawa lalo na nang maramdaman kung hinahalikan na niya ang leeg ko.
"Ethan please tama na. Ayaw ko na!"kung hindi ko lang nalaman na si Ate ang nagligtas sa akin malamang magugustuhan ko tong pinaggagawa ni Ethan ngayon. Dahil hindi na ako mahihirapang akitin siya,kayang-kaya ko siyang maagaw mula kay Ate,kaso hindi na ganon yon ngayon. Kung ano man ang dahilan ni Ate Sheenna sa pambabalewala niya sa akin malamang may malalim na rason yon!
Tama mali tong ginawa ni Ethan ngayon,hindi tamang magpadala ako sa kung ano man tong nararamdaman ko ngayon! Saka ubod lakas ko siyang itinulak.
Napaluwag naman ang hawak niya sa akin kaya lumangoy ako palayo sa kanya.
Hindi ko na gusto ang mga ginagawa niya. Mali to,mali yong naisip kong paghigantihan ang Ate Sheenna ko.
"Come back here Shai,diba ito naman ang gusto mo!? Pinagbigyan na kita ikaw naman ngayon ang lumalayo."parang halimaw na wika niya.
Grabe nanginig ang katawan ko dahil sa sinabi niya.
Napaiyak na din ako.
Now I know hindi naman talaga niya ako gusto.
Gusto niya lang akong paglaruan. Pero hindi ako laruan. Patuloy lang ang paglayo ko sa kanya,pano naman kasi palapit siya ng palapit sa akin kaya panay naman ang langoy ko palayo sa kanya. Ibang Ethan ang nakita ko ngayon, para siyang ibang tao. Hindi siya ang Ethan na vinivisualize ko sa isip ko. Hindi siya yong Ethan na gentleman na palaging iniisip ko. Kaiba ang Ethan na kaharap ko ngayon.
"Tama na ayaw ko na!"naiiyak na wika ko. Andoon yong kakaibang takot na unti-unting bumabalot sa sistema ko! Ano ba tong pinasok ko! Pakiramdam ko nakarma ako ni Ate Sheenna!
Basura lang naman pala ang tingin niya sa akin. Walang pinagkaiba sa mga babaeng parausan lang!
"Ano na Shai? Kaya ka naman sumama sa akin dito diba para makiamot ng atensyon ko. Now come here I will show you what kind of lover I am."kinilabutan ako ng marinig ang sinabi niya. Seryoso ba siya,sino ba siya para siyang hindi si Ethan. Parang nasaniban siya ng kung ano!
Nanlisik ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya. Ganon ba talaga kababa ang tingin niya sa akin!
All of a sudden nakadama ako ng inis sa kanya.
Ang hambog ng lalaking to.
Nakakaasar! Akala niya lahat pwede niyang makuha. Pwes,nagkakamali siya. Inaamin kong may pagkakamali din ako,I try to seduced him! Pinagsisihan ko na yon!
"Andiyan na ako Shai."kinilabutan ako sa paraan ng pagsasalita niya para kasi siyang killer.
Palangoy na din siya palapit sa akin.
Kaya agad akong lumangoy palayo sa kanya.
But its too late ang bilis niyang nakalapit sa akin.
Napatili na lang ako ng mahawakan niya ang isang paa ko.
"Let go of me!"galit na wika ko.
"No,not unless nangyayari ang gusto ko!"malamig na wika niya.
Saka pilit niya akong niyayakap,"tama na to!"
Pero hindi siya sumagot nanlaki na lang ang mga mata ko ng bigla niyang siilin ng halik ang nakaawang kung bibig.
Shit!!
Marahas niyang inaangkin ang labi ko pakiramdam ko nasugatan na niya ako sa uri ng halik na ibinigay niya sa akin.
Napaiyak na lang ako dahil sa ginawa niya.
Pakiramdam ko binabastos na niya ang pagkatao ko.
Napahikbi na lang ako ng bitawan niya ang labi ko.
"Shai? s**t?! Sorry!"
Nahimigan niya yatang umiiyak na ako.
"Sorry,sorry talaga."para siyang maamong tupa na di alam ang ginawa niya. Anong klaseng tao ba siya!
Pero hindi ko magawang magsalita.
Nanginginig pa ang katawan ko dahil sa magkahalong galit at takot.
"Sorry Shai!"sabi niya sabay yakap na naman sa akin ng mahigpit.
Para naman akong robot na hindi makagalaw,sa higpit ng yakap niya sa akin.
Patuloy lang sa pagdaloy ang masaganang luha sa pisngi ko.
Kasalan ko to.
Dahil sa ginawa ko,akala niya mababang uri ako ng babae.
Nabastos pa tuloy ako ni Ethan.
Kasalanan ko kung bakit nangyayari to.
Pinigilan kong wag humagulhol sa harapan niya.
Pero di ko na talaga kaya napaiyak na talaga ako!
Sa harap niya.
Nakikita ko namang nagsisi siya,pero wala na natakot na niya ako dahil sa ginawa niya.
"Sorry Shai,please patawarin mo na ako."
"L-let go of me!"punong-puno ng takot na wika ko sa kanya.