-Mahal-
Shaira.
Grabe may balak ba si Ethan na patayin ako..
Napatili ako kanina dala ng matinding pagkagulat.
Akala ko kung sino na.
"Saan tayo pupunta?"gabi na pero maliwanag pa rin ang buong resort. Iba ang ganda nito sa umaga,iba din pag-gabi.
Hindi siya sumagot.
Basta hila-hila lang niya ako.
"Kailan tayo uuwi?"pag-iiba ko sa usapan namin.
"Bukas."matipid na sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
As in bukas pa talaga?
Hindi na lang ako nagsalita.
Ang tahimik niya so I guess ayaw niya akong makausap.
Kasi naman eh alam ko naman na di dapat ako ang nandito,dapat si Ate Sheenna,nasaktan na naman ako ng maalala ko si Ate.
Nasaan kaya si Ate.
Hindi ba siya nag-alala na baka mangbabae si Ethan.
"Anong iniisip mo?"biglang tanong niya sa akin.
"Huh?! Ahh. Ano wala."
"Nagsisinungaling ka yata eh."hindi naniniwalang wika nito.
"May hihilingin ako."nilakasan ko na lang ang loob ko kahit ang totoo nahihiya ako.
"Ano yon?"
"Pwede ba akong maligo sa infinity pool nila dito."tama,gustong-gusto ko talagang maligo doon. First time kong maligo sa isang infinity pool,first time ko ding makapunta sa ganito kaganda at kagarang lugar.
Napatawa siya ng marinig ang sinabi ko. Naman ee mas lalo tuloy akong nahiya,pinagtawanan niya kaya ako.
"Ikaw talaga kala ko ano na. Oo naman bakit hindi."
"Pero may problema."nag-aalangan na namang wika ko.
"Ano naman?"tanong na naman niya.
"Wala akong dalang damit."matipid na sagot ko. Kasi naman ee,pabigla-bigla yong lakad namin kanina. Kung sinabi niya lang sana na overnight pala at saka may napakagandang beach ee di sana nagdala na ako ng damit.
"May Mini Shopping Store naman sila dito halika,ibibili kita."saka nauna na siyang maglakad.
"Ano? Wag na lang nakakahiya naman."wika ko,saka nakatayo lang ako at di ako sumunod ng lakad sa kanya.
Napahinto siya ng marinig ang sinabi ko. Saka dahan-dahan siyang humarap sa akin. Halata ang di makapaniwalang reaksiyon sa mukha nito.
"Bakit? May nasabi ba akong mali?"kinabahang tanong ko.
Ang seryoso niya kasi.
Hindi ko alam kung anong nasa isip niya.
"Wala lang nasanay na kasi ako na binibigay kay Sheenna ang lahat. Hindi ako sanay na tinatanggihan niya."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
As in ganon ka spoiled sa kanya si Ate,kaya pala ang gaan lang ng naging buhay ni Ate samantalang ako halos gumapang na sa hirap.
Hindi na lang ako nagsalita,naaawa din ako sa kanya.
Inaabuso ni Ate ang kabaitan niya.
"Halika na ibibili na kita ng panligo. Wag ka ng mahiya,since kasalanan ko din naman kong bakit napadpad ka dito ng walang kahit anong gamit."
Tinalikuran na niya ako,saka nag-umpisa na naman siyang maglakad," Ethan!"tawag ko sa kanya.
Bahagya siyang napahinto at napalingon na naman siya sa akin.
"Bakit?"
"Ayaw ko ng maligo,"
"Hindi pwede! Alam ko gusto mong maligo,sige ganito na lang kung ayaw mo talangang tumanggap ng galing sa akin,sige pauutangin na lang kita bayaran mo na lang kapag nakaluwag ka na."
Grabe,madadagdagan na naman ang mga utang ko.
Hay.
Sige na nga kaysa naman libre ko yong tatanggapin mula sa kanya.
Papasok na kami sa Mini shopping mall ng resort.
Ang sosyal ha.
Kinabahan ako.
My Ghed I'm sure mahal mga bilihin dito.
Hindi nga ako nagkamali.
Napalunok na lang ako ng makita ang mga price tag ng swimwear na nandoon.
5,000thousand?
Meron ding 7,000thousand?
Nabitawan ko tuloy ng makita ko ang price,grabe para akong napaso ng makita ang nakasabit na price,naman wala bang 1,000 pababa dito.
Ng tingnan ko si Ethan namimili din pala siya.
Ah baka para kay Ate Sheenna,naglibot-libot muna ako.
Pero wala talaga akong makitang 1,000 pababa
May nakita ako,1,999p.
Shit lang piso na lang at two thousand na!
Wala na hindi na lang ako maliligo sa napakagandang infinity pool na yon. Ang mamahal naman kasi ng mga swimwear dito. Ang dami ko namang panligo doon sa bahay. Inamag na nga ang mga yon dahil hindi nagagamit.
"May napili ka na ba?"nagulat na naman ako ng nasa likuran ko na naman si Ethan. Bat para naman siyang kabute na sulpot ng sulpot.
Napailing na lang ako.
Paano ako pipili My Ghed diko kiri ang price!
Ang mamahal.
Pangligo lang naman.
"Ito may nakita akong bagay para sayo."
At ipinakita niya sa akin ang itim na two piece swimsuit.
Napalunok ako,lagot magkano kaya yan?
Hahhaha.
Para na tuloy akong baliw nito.
Inabot niya sa akin ang napili niyang panligo." Sige na isuot mo na yan. Nang makaligo ka na."
No way ayoko.
Ayoko ngang isuot to.
Alam ko size ko na to.
Kaso...
Sure ako ang mahal nito.
Nginitian ko na lang siya at pumasok na ako sa fitting room na nandoon.
Pagkapasok at pagkapasok ko pa lang yong price agad ang hinahanap ko.
Ganon na lang ang paglaki ng mata ko ng makita ang price,s**t!
Nanginig ang mga kamay ko ng makita ang nakasulat na tag.
Anong klaseng tela ba ang ginamit nito at napakamahal.
Bahagyang katok mula sa labas ang narinig ko.
No way,hindi ko susuutin to.
Paano ko naman mababayaran ang swimsuit na to na nagkakahalaga ng Fifteen thousand pesos!!!!! Pahamak namang buhay to oo. Gipit na gipit na nga ako tapos dadagdag pa to sa mga bayarin ko!
Hindi na yata ako makahinga dala ng sobrang pagkatense. Naman ee. Kung sana after kung maisuot to ee pwede ko tong maisanla. Kaso hindi ee.
My Ghed,ano ng gagawin ko??
Pahamak talaga itong si Ethan.
Huminga muna ako ng malalim,bahala na magiging honest na ako.
Bahagya kung binuksan ang pinto sakto lang na masilip ko siya.
"O di mo pa isinuot?"seryosong mukha ni Ethan ang nabungaran ko.
"Hindi ko kayang isuot."alanganing wika ko. Ee,nakakahiya talaga.
"Huh? Bakit?"halata sa mukha niya ang pagtataka. Kataka-taka naman talaga yon para sa kanya. Alam ko naman na barya lang yong 15thousand para sa kanya,pero para sa akin,pangkain ko na yon sa loob ng dalawang buwan o mahigit!
Napalunok ako,anong sasabihin ko? Malalim muna akong huminga bago nagsalita,"Masyadong mahal Ethan! Di ko kayang bayaran yan,jobless pa ako ngayon."
Dahil sa sinabi ko ay napahagalpak siya ng tawa!
As in pinagtatawanan niya ako.
Grrrrr kainis siya.
"Wear it Shai,its free,ako ng bahala diyan. Sige na,suotin mo na. Wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano. Just wear that piece now. Para makaligo ka na."
Hay kaloka sabi na nga,ano ng pinagkaiba ko nito kay Ate?
Wala na!
Hay napahinga na lang ako ng malalim.
Saka sinara ko ang pinto,may naisip ako.
Dahan-dahan kung hinubad ang mga damit ko.
Masusi kung tiningnan ang suot kung underwear
Napangiti na lang ako.
Pwede na to.
Mabuti na lang medyo mura ang pang cover nila dito.
Ito na lang pangcover ang babayaran ko.
Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.
Nagulat siya ng makita ang ayos ko.
"Di mo isinuot?"this time magkasalubong na ang kilay niya. Halatang di niya nagustuhan ang nakikita.
Agad akong umiling."Di ko nga kering bayaran yon diba? So ito na lang."tukoy ko sa suot kong pangcover.
Tiningnan niya ako mula hanggang paa. Napaiwas na lang ako ng tingin,pano naman kasi nakakailang yong uri ng tinging ipinukol niya sa akin. Feeling ko napapaso ako sa bawat hagod ng tingin niya sa katawan ko.
"O-o-ok na naman to diba?"nag-alangang tanong ko. Naman ee,para akong specimen na nakalagay sa microscope.. Ano ba naman tong si Ethan. Nakakahiya.
Huminga lang siya ng malalim pero di siya sumagot.
Saka nauna na siyang naglakad sa akin.
Iniwan na naman niya ako .
Halatang di niya talaga nagustuhan ang pagiging matigas ko. Pero anong magagawa ko sa ayaw ko talagang suotin yong napakamahal na swimsuit na yon!
Kaasar!
Sumunod na lang din ako sa kay Ethan.
"HI,Sir Ethan!"malanding bati ng mga saleslady doon kay Ethan habang dumadaan siya.
Shit lang dahil ang gaganda talaga nila.
Akala mo mga model. Samantalang ako heto. Parang ewan.
Napaisip tuloy ako kung ilan na ang naikama ni Ethan sa mga babaeng yan.
Ang lalagkit tumingin eh na akala mo matutunaw na si Ethan!
Ang mga bruha tinaasan lang ako ng kilay.
Letse kayo!
Mas maganda ako sa inyo noh!
Kaso mahirap nga lang!
Hmmm,bahala na nga kayong maglaway kay Ethan.
Akala ko kung saan kami papunta,sa cashier pala.
Nanlaki na lang ang mga mata ko ng inabot niya sa cashier ang swimsuit na napili niya para sa akin.
Peste bakit naman ganon siya. Mas matigas pala ang ulo niya kaysa sa akin. Hindi ba malinaw sa kanya,na ayoko,ngang suotin yon kasi nga sobrang mahal!
Namumulubi na nga ako dadagdagan pa niya.
"Is this all sir?"magalang na tanong ng cashier. Pero halata ang pagpapacute nito! Bahagya kong sinulyapan si Ethan,parang wala lang sa kanya ang pagpapacute ng mga babae sa paligid! Sanay na sanay na siya na may mga babae talagang nagpapansin sa kanya. Sino ba naman kasing di magkukumahog na mapansin ng isang Ethan Wade.
"Ah,no,the cover that she wear,kasali yon."tukoy niya sa suot kong pangcover..
"Ok,sir,"malanding wika ng cashier. Ee,sarap niyang bangasan! Masyadong halata yong pagpapacute niya. Hmmmp!
Saka inabot na ni Ethan ang card niya na hindi ko na pinagkaabalahang alamin kong anong klaseng card yong pinambayad niya!
"Thank you,Sir."magiliw na wika ng cashier. Ke landi talaga ee noh,kulang na lang kindatan niya si Ethan!
Kinuha na ni Ethan ang pinamili niya para sa akin saka umalis na kami sa lugar na yon.
....
"Ethan naman eh,paano ko yan mababayaran lahat sayo?"himutok ko sa kanya ng makalabas na kami doon sa mini mall ng resort. Naman ee,ngayon pa lang sumasakit na yong ulo ko. Sabi na nga ba at dagdag problema lang to. Pahamak na infinity pool kasi yon!
"Pwede ba isuot mo na lang!"may diing wika niya. Feeling ko naiinis na siya sa akin!
"Galit ka?"nahihiyang wika ko.
"Yah galit na ako! At hindi mo gugustuhing makitang nagagalit ako!"
Nakadama naman ako ng kaba dahil sa sinabi niya. Parang ewan din tong lalaking to ee noh! Hindi din paaawat sa gusto niya.
Nagdadabog na dinampot ko na lang ang paper bag at pumasok na sa loob ng bathroom. Gusto kong malaman niya na labag na labag sa loob ko ang suotin ang napakamahal na swimsuit na to!
Grabe ka na swimsuit ka ang mahal mo,buti kung pwede kang isangla.
Hay Ethan pahamak ka talaga! Wala na din naman akong choice nandito na to ee,sayang naman kong hindi ko susuotin. At mas lalong sayang naman yong opportunity na makaligo doon sa pagkaganda-gandang infinity pool na yon!
Ilang saglit pa,suot-suot ko na yong swimsuit na pinili ni Ethan para sa akin. Namangha ako ng makita ang reflection ko sa salamin! Paikot-ikot pa ako na parang timang!
Ai grabe ako ba to?
Kakaiba ata ang dating ng worth 15thousand na swimsuit na suot-suot ko ngayon. Ang ganda ko ee. Wow,at ang sexy ko pa. Nagmukha akong may class,ng maisuot ko ang mamahaling swimsuit. Para akong ewan habang nakatulala na nakatitig sa salamin,hindi ako makapaniwala na may igaganda pa pala ako. Ai charot lang!
Naputol ang pagmuni-muni ko ng marinig na tumawag si Ethan mula sa labas! Ai masyado na ata akong ginanahang pagmasdan ang kagandahan ko.
"Shaira lets go!"
"Oo nandiyan na!"sagot ko mula sa loob. Hinagod ko ulit ng tingin ang maladyosa kong kagandahan. Hmmmp,this is it! Walk with confidence,ang mahal ng swimsuit ko ee.
Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.
As expected,napatanga si Ethan ng makita ang ayos ko. O diba,kakaiba talaga ang dalang mahika ng itim na swimsuit.
"Ehem?"pukaw ko kay Ethan,ngayon lang ba siya nakakita ng Dyosa? Hay nako,joke lang po. Masyado lang po akong feelingera ngayon. Wag nyo na po akong masyadong bigyan ng pansin.
"Ang ganda!"mahinang wika niya pero malinaw na malinaw ko itong naririnig. Sabi na nga ba ee. Wait baka binobola niya lang ako. Nako naman playboy pa naman tong si Ethan at normal na sa kanya ang pambobola! Hmm,masakyan na nga lang yong pambobola niya. Hindi ngayon ang panahon para magself pity ako! Dahil mamahalin yong swimsuit ko!
"Alam ko maganda ako."confident na wika ko. Epekto lang to ng kabaliwan ko.
"Ang ganda ng swimsuit bagay na bagay sayo!"
Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.
Naman ee,yong swimsuit naman pala ang tinutukoy na maganda! Hindi naman pala ako! Ee,nakakahiya tuloy! Ano ba kasing pinag-iisip ko!
Kahit kailan talaga paasa ang lalaking to.. Hay kainis nakakahiya tuloy!
"Bahala ka na nga!"nagdadabog na wika ko,saka tinalikuran ko na siya.
Nauna na akong naglakad sa kanya.
Para mapagtakpan ang pagkapahiya ko.
Narinig ko na lang ang malakas niyang tawa.
Abat ang saya-saya naman yata niya!
Loko-loko talaga itong si Ethan napagtripan na naman yata ako.
"Hoy,wag ka ng magalit."hinabol niya ako,at agad niyang nahawakan ang kamay ko.
"Let go of me!"naasar pa rin na wika ko. Kainis siya,panira siya ng moment. Ee feeling maganda na ako kanina ee.
"No!"wika niya sabay hila sa akin palapit sa kanya.
Ganon na lang ang pagkabigla ko ng mapansin ang ayos niya.
Ahem naman.
Naka swimming trunks na lang din siya o,tapos hapit na hapit sa ano niya. Ah basta! Kung ano yong iniisip nyo yon na yon!
Ai grabe.
Tubig!
Nanuyo ata ang lalamunan ko.
I need air.
Kinapos ata ako sa hangin!
Naman to si Ethan ee. Bat naman siya ganyan!
Mas lalo akong kinabahan ng hinapit niya ang beywang ko palapit sa kanya! Mas lalo akong kinapos sa hangin dala ng simpleng pagkakadikit ng katawan naming dalawa!
"You're so beautiful Shai!"mahinang bulong niya sa may punong tenga ko. Ai ang init ng hininga niya. Mas lalo tuloy akong nanghina dahil sa posisyon naming dalawa.