Chapter7

1312 Words
Shaira. After thirty minutes natanaw ko na si Ethan,sakay ng beach cart,shocks kinapos yata ako ng hangin pagkakita sa kanya. Bakit ba kasi ang gwapo niya. Hay!! Sana ako na lang si Ate,s**t! Palapit na siya sa akin kaya bahagya kung inayos ang sarili ko. "Ready ka na?" Tumango na lang ako. "Lets go." Sabay akay sa akin papunta sa beach Cart. "Ready ka na? " Bakit ba panay tanong niya kung ready na ako. Ganito ba talaga siya? Parang over protective naman yata niya. Pero hinayaan ko na siya. Hanggang sa marating namin ang pagdadausan ng kasal. Hindi ako makapaniwala sa nakita. Sa isang bangin gaganapin ang kasal? Pero bakit dito? Nasense yata niya ang pagtataka ko kaya bahagya siyang nagkwento. "Welcome sa Cliff of love" "Cliff of love? Bangin ng pagmamahal? Bakit?" Ngumiti siya sa akin."Kasi dito tumalon ang kaibigan kong si Phaton para mapatunayan kay Eureka kung gaano niya ito kamahal." Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Kilala ko lahat ang mga kaibigan niya dahil palagi silang napifeature sa mga magazines. Pero di ko alam na may ganong pangyayari. Grabe naman pala mainlove ang mga playboy na to bigay todo. "O bakit di ka nagsasalita dyan?" "Ang swerte ni Ate sayo."mahinang bulong ko,paano nasasaktan kasi ako ewan kung bakit. "What?" "Wala,sabi ko ang gwapo mo." "Alam ko." "Ang hangin,"nakangiting wika ko. Napatawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko,"youre very funny Shaira,nakakatuwa ka." Ai parang musika naman sa aking pandinig ang tawa niya. Ang gaan ng feeling ko,makita lang siyang masaya ok na ako. Naupo sa harapan,si Ethan panay pilit niya sa akin na tumabi ako sa kanya kaso magalang ko siyang tinanggihan hindi naman ako ang girlfriend niya. Kahit ang totoo gustong-gusto kong maupo sa tabi niya pero ayaw ko ng paasahin pa ang sarili ko. Kahit hindi ako ang ikinasal para na akong maiiyak ng nagbitiw na sila ng kani-kanilang vows. Grabe heart touching talaga. Hay ako kaya. Saka na yan,bata pa ako. Marami pa akong pangarap na dapat tuparin. Venue. Shaira. Nakita ko si Ethan kasama ng mga kaibigan niya nasa di kalayuan lang ako at nakatanaw sa kanya,wala akong balak na lumapit sa kanya habang kasama niya ang mga kaibigan niya. Baka ano pang isipin ng mga ito. Isa lang naman akong substitute. Napangiti na lang ako dahil mukhang nagkakasayahan na sila. "Excuse me." Napaangat ako ng tingin,nakita ko nakatayo sa harap ko ang isang napakagandang babae parang magkaedad lang sila ni ate Sheenna. Ngumiti ako sa kanya."Bakit po?" "Hi,Im Eureka,and you are?"nakangiti ang mukha nito. Mukhang friendly ito. Eureka? Siya si Eureka,ang babaeng naging dahilan kung bakit napangalanan ng Cliff of love yong bangin na pinagdarausan ng kasal kanina. Ang galing,ang ganda,ganda niya. " I'm Shaira."magalang na pakilala ko sa kanya. Siya pala yong nakahuli sa puso ni Mr. Phaton. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Nice to meet you Shaira,nakita kasi kitang dumating kanina na kasama ni Ethan. Are you his girlfriend?"diretsang tanong nito. Ah grabe wala man lang pasakalye,chorus agad. Agad akong napailing sa tanong niya. "Hindi ko po siya boyfriend yong ate ko po." Napangiti siya sa sinabi ko. "Stop putting po okey,hindi pa naman ako masyadong matanda." "Aw sarry po. Aw sarrry again." "Halika doon ka mesa namin,nag-iisa ka lang yata dito" "Wala akong kakilala dito," "Kaya nga doon ka sa table namin." At inakay na niya ako papunta sa table niya. Nakita kong nakaupo ang bride na si Yleenna at isa pang babae na hindi ko kilala. "Halika pakilala kita sa kanila. Hello girls. Meet Shaira,girlfriend ni Ethan." Nanlaki ang mga mata ko sa pakilala niya sa akin. Grabe sinabi ko na nga kanina hindi ako ang girlfriend ni Ethan. Hay tigas din ng bungo ng babaeng to. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ng dalawang babae. " I guess kilala mo na itong bride diba?" Tumango lang ako. "At ito naman si Anya,Zain's wife." Napatanga na lang ako. As in kaharap ko ngayon ang mga babaeng nagpatino sa Pambansang Playboy ng bansa. Nakaramdam na naman ako ng inggit sa puso ko. Sooner mapapasama na si Ate Sheenna sa grupo nila. Nalungkot tuloy ako bigla. "Hey ok ka lang?" "Huh?"as in nabasa agad nila na nalulungkot ako. "Ok lang ako. Masaya ako kasi nakilala ko kayo." Napangiti silang tatlo. "Para kang ewan,napaka inosente mo."napailing na wika ni Anya. "Oo nga,cheer up kasal ko ngayon you seem lonely. Wag ka ng malungkot,ayaw ko ng may malungkot sa araw ng kasal ko." wika ni Yleenna. "Wag kang malungkot,maging matapang ka,kung ano man ang pinagdaraanan mo ngayon malalampasan mo din yan."sabi naman ni Eureka. Kung alam lang nila ang totoong kalagayan ko baka nga kaawaan pa nila ako. Pero tahimik lang akong nakatingin sa kanilang tatlo funny pero hindi ko maramdaman na out of place ako sa grupo nila. Bakit pakiramdam ko I belong. Ambisyosa ko naman para masali sa grupo nila. Saka hinanap ng mga mata ko si Ethan,malabong maging asawa ako ni Ethan,baka friend's with benifits pwede pa. "Hey youre so quite,"she snap her finger infront of me. Napatingin na lang ako kay Eureka. "Are you ok? You seemed disturb."concern na tanong ni Anya. "Yeah Im ok," Pero malalakas ang radar ng mga babaeng ito dahil nakita ko sa mukha nila na hindi sila naniniwala sa sinasabi ko. Ethan. Shit,kaharap ko ngayon ang mga baliw kung kaibigan. Sa totoo lang wala ako sa mood ngayon. Dapat si Sheenna ang kasama ko pero nilayasan niya ako matapos naming magtalo. Ang dami niyang sinasabi kesyo nasasakal daw siya sa akin. Nasasakal eh handa ko ngang ibigay sa kanya ang Fantasy Collection worth more than 20million. Shit talaga! " Sino na kayang susunod? "natatawang pangangantiyaw ni X sa mga single na mga kaibigan niya. Ganon na lang ang paghagalpak ng tawa ni Phaton ng sabay-sabay na nabitin sa ere ang mga subo namin nina Claude at Xy. Ganon din sina Xander at Virgo. "As in may ganon kailangan may sumunod agad,"reklamo ni Claude. "Ganon talaga since naumpisahan na may kasunod na talaga yan."pang-aasar naman ni Zain. "Ewan,basta hindi pa ako yan."pasupladong wika ni Xy, "Mas lalo namang hindi ako,"nakangiwing wika ni Xander. "Hoy mga gago,kung makatanggi kayo kala nyo kayo ang may hawak sa pana ni Kupido."natatawang wika ni X. "Teka lang bat ang tahimik ni Ethan? Hoy napano ka? " "Geezz,baka si Ethan na ang susunod diba may long time girlfriend na siya,kasal na nga lang kulang sa kanila eh."sabi naman ni Claude. Tahimik pa rin ako at walang balak na patulan ang mga baliw kong kaibigan. Wala ako sa mood ngayon! "May problema ka?"sabay-sabay nilang tanong. "Ano to? Bakit ako naman ang pinagtritripan nyo?"naiinis na wika ko. "Kasi parang wala ka sa mood?" I just rolled my eyes at tumingin sa kabilang direction. "Sinong hinahanap mo?"tanong ni Claude. "Si Shaira!"naiinis na wika ko. Nasaan na ba kasi siya. Kanina ko pa siya di nakikita. "Shaira? Sinong Shaira yon?"panabay na tanong nila. Hindi nila kilala si Shaira. Si Sheenna lang ang kilala nila. "Wag na nga kayong tsismoso dyan."iritadong wika ko at bigla ko na lang silang iniwan. Bahala na nga sila hahanapin ko pa si Shaira. Alam ko nagtaka sila sa inasal ko. Pero wala na akong pakialam. Naglibot ako at hinanap si Shaira. Nang namataan ko siya sa mesa nina Eureka. Nako lagot ang lakas pa namang mantrip ng mga babaeng to. Haissst paaano ako lalapit kay Shaira ngayon ng di nila ako uusyusuhin kong ano ko si Shaira super duper kulit pa naman ang mga babaeng ito. Kasing baliw ng mga asawa nila. Ah bahala na. Hihintayin ko na lang siya. Napangiti ako ng makita kung tumayo siya at nagpaalam kina Eureka. Hay salamat naman. Papalapit na siya sa kinaroroonan ko ng bigla ko siyang hinablot na nagpatili sa kanya. Bahagya siyang napatili dahil sa ginawa ko. "Ethan?" Nginitian ko lang siya at hinila ko na siya palayo doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD