Chapter6

1314 Words
Where to go. Shaira. Medyo natagalan ako sa pagbihis ng tingnan ko kasi ang closet ko wala akong makitang damit na mahaba ang manggas. Seriously? Anong isusuot ko. Nako naman. Pinasasakit talaga ni Ethan ang puson ko,ay este ulo pala. Huminga muna ako ng malalim ng makabihis na ako. Sinuri ko muna sarili ko sa salamin,sana ok na to. Inayos ko ang buhok ko at ready to go di naman ako mahilig sa make- up allergy ako doon. "Sorry medyo natagalan,nahirapan kasi akong maghanap ng damit na mataas ang manggas wala ako non eh." Hindi na siya sumagot,tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Sinuri niya ata kong ok na ba yong damit na suot ko ngayon. "Hoy,Ethan,ayaw mo yata eh. Ito na talaga pinaka conservative na dress ko." Kitang-kita ko ang disgusto sa mukha niya. Sabi na nga ba. Ano ba talaga. Paano kasi naka offshoulder dress ako above the knee ang haba. Aaminin ko napaksexy ko talagang tingnan sa damit na to dahil humulma sa kurba ng katawan ko ang tela. "Wag na lang tayong umalis,"nahihiyang wika ko. "No,lets go,malalate na tayo." "Huh? Saan ba kasi tayo pupunta." "Sa weeding ng kaibigan kong si X." Si X kilala ko din si X,isa ito sa matalik niyang kaibigan. Talaga magsesettledown na ito. Gosh nacurious ata ako kung sinong babae ang nagpatino dito. "Halika na kung ganon." Ano ba to si Ethan kasal pala ang pupuntahan tapos pagsusuutin niya ako ng damit na mahaba ang manggas,nakakatawa talaga siya. "Lets go!" Napakislot ako ng hinila niya ang kamay ko. Napatingin na lang ako sa kamay namin na magkahugpong,totoo ba to,magkahawak ang kamay naming dalawa. Pero hindi na lang ako pumalag,dahil gusto ko din naman ang feeling. Matapos kung mailock ang apartment ko ay inalalayan niya ako palabas at pinagbukas pa niya ako ng pintuan ng sasakyan niya. Ayiieee,napakagentleman naman niya. "Thank you"napangiti kung wika sa kanya. Saka ko lang napansin may kasama pala siyang driver. Wala na kaming imikan sa buong duration ng byahe namin. Hindi ko na siya ginulo dahil mukhang malalim ang iniisip nia. Si Ate dapat ang kasama niya sa mahalagang araw na to. Kaso bigla na lang itong nawala without a trace.. Kaya tuloy ako ang ginawa niyang substitute. Palihim ko siyang sinulyapan. Never in my wildest dream,na darating ang araw na makatabi ko siya sa pag-upo. Hay dream come true o fantasy come true. Sumakay pa kami sa private helipad niya,dahil sa isang island daw gaganapin ang kasal. Napahawak na lang ako sa braso niya pano takot ako sa heights.. Pero di ko sinabi sa kanya. Ayaw kung mag-alala siya sa akin. Napapikit na lang ako ng maramdaman kung unti-unti ng tumaas. Oh my Ghad,parang hinalukay na ang sikmura ko. Napansin yata niya na grabe na ang higpit ng hawak ko sa kanya. "Shai?" Hindi ako sumagot. Grabe nasusuka ako. Help! "Namumutla ka!" saka lang yata niya naisip kung bakit ako namumutla." Bakit di mo sinabi?" Napailing na lang ako. I need to throw up. Nasusuka na talaga ako. May kinuha siyang plastic. At itinapat niya sa may bibig ko. Saka doon ako nagsuka ng nagsuka. Ramdam ko naman na panay ang hagod niya sa likod ko. " Sorry Shai,"panay naman ang wika niya. Naawa yata siya sa akin. Pero dahil mahal ko siya lahat ng mga Phobia ko sa katawan handa kung harapin makasama lang siya. Bahagya ng gumaan ang pakiramdam ko,matapos kung makasuka. "Feeling better?"mahinang tanong niya. Napatango ako at dahan-dahang iminulat ang mga mata ko. Pero wrong move dahil pagdilat ko nakita ko kung gaano na kami kataas. Para na namang hinalukay ang sikmura ko sa nakita. Kaya dali-dali akong pumikit ulit ayaw ko ng sumuka,nanghihina na din ako. Arrrgh. Ang pangit ko na tuloy sa harap ni Ethan,kung si ate ang kasama niya hindi siya mahihirapan ng ganito dahil sanay na sanay na si Ate na magtravel. Bahagya ko na namang naramdaman ang pamilyar na hagod niya sa likod ko. Ay bakit ang sweet niya. Pero di ko masyadong mafeel ang moment dahil sa nangyayari sa akin. "Ok lang yan Shai,"bulong niya sa akin. "Sorry,naabala pa kita." "No ako ang nakaabala sayo. Salamat at sumama ka sa akin." Para namang may mainit na humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Bago lahat sa akin ang pangyayaring ito. Nagkaboyfriend na din ako dati to divert my attention away from Ethan,dahil batid ko noon pa na malabong mangyari ang lahat. "Malapit na tayo Shai" "Talaga." "Oo ok na ba?" Nahihiya akong tumango. Nagfocus na lang ako sa gwapong mukha ni Ethan,hindi ko alam kung mauulit pa ito. Im sure pag bumalik na si Ate makakalimutan na niya ako. Parang piniga ang puso ko dahil sa naisip. Isa lang naman akong panakip butas. Grabeng pigil ang ginawa ko para hindi ko mahaplos ang mukha niya. Aaminin ko nasasaktan ako sa dahilan kung bakit ako nandito pero dapat na akong makontento at least ako ang naisip niya na ipalit kay Ate. "Sure ka na ok ka na?" Ngumiti ako sa kanya at bahagyang tumango ang mukha lang pala ni Ethan ang magpapagaling sa akin. "Ok ka na nga hindi ka na namumutla." Bahagya lang akong tumango. " Look."sabi niya sa akin sabay turo sa ibaba. Nagdalawang isip pa ako kung titingin ba ako sa baba baka masuka na naman ako. "Ok lang yan. Sige na tingnan mo na sayang naman kung di mo makita." Nilakasan ko ang loob ko at tumingin ako sa baba. Para lang mamangha sa tanawing nakikita. "Ang ganda."nasabi ko na lang. Yong dagat na kulay asul,nakakagaan sa pakiramdam. "Ang ganda nga"mahinang bulong ni Ethan,pero ng tingnan ko siya sa akin pala siya nakatingin. What di ko tuloy alam kung sino ang sinabihan niya ng maganda ako ba o ang view. Hay kaloka talaga! Shit masyado na naman akong naging assuming kainis. Stop na self,masasaktan ka lang. Hindi ko na lang siya pinansin,bahala na nga siya. Hanggang sa madivert na nga sa ganda ng view ang atensyon ko. "Feeling better Shai?" Bakit parang kinikiliti ang puso ko sa tuwing tinawag niya akong Shai,feeling ko ang close close namin. Tama na sabi,para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko. "Were here!" Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng nakalapag na kami. "Wow.. Ang ganda dito Ethan."masayang wika ko. Naconcious ako bigla ng seryoso lang siyang nakamasid sa akin. "May problema ba? Alam ko namiss mo si Ate pero pwede ba ang ganda kaya dito. Lets enjoy na lang ok?" "Sabi mo eh" Lumapit siya,at inilahad niya ang kamay niya sa akin. Nagdalawang isip akong tanggapin ito. "Halika na." Huminga muna ako ng malalim,at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Hay,as in hanggang ngayon hindi ko pa rin keri ang mga nangyayari. Me and Ethan sa isang napakagandang Island. Hay perfect na sana,kung sana totoo kaming may relasyon kaso waley eh. "You like it here?" Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong niya. First time kung makarating sa ganito kagandang lugar,pangarap kung magtravel balang araw,pangarap lang kasi mahirap lang naman ako. Hindi ko afford magtravel. " Kailan ba ang kasal?" Tumingin siya sa wristwatch niya. "One hour from now."matipid na sagot niya. Napatingin ako sa kalangitan ibig sabihin sunsetwedding,ay ang romantic naman. Excited tuloy akong masaksihan ang kasal. "Dito ka muna ha."paalam niya sa akin. "What saan ka pupunta?" "Babalik ako agad." "Sige ikaw ang bahala" Nasa terrace ako ng isa sa villa na para yata sa mga guest. Grabe ang ganda talaga dito. Nasa mataas na bahagi ang villa na inukupa ko kaya kitang-kita ko ang view. Mas lalo akong namangha ng matanaw ko mula sa kinaroroonan ko ang infinity pool. Grabe ang ganda talaga. Sana hayaan ako ni Ethan na makaligo sa pool na yon. Pero paano ni wala nga akong dalang damit. Hay dream come true talaga ang pagdala ni Ethan sa akin sa lugar na ito. Napangiti na lang ako habang ini-enjoy ang view.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD