Chapter4

1306 Words
Cruel Sheenna. Nandito kami ngayon sa Eurekas Dishes ito kasing si Ethan masyadong mahilig sa date. Pagod ako. Gusto ko na sanang magpahinga kaso kailangan ko siyang pagbigyan ayoko din namang sumama ang loob niya sa akin. Nakakainis lang din akala mo,may sakit ako kung makasubo sa akin. Haissst. "Ethan naman hayaan mo na akong kumain,wala naman akong sakit,"nagpipigil lang akong wag mainis. Ang totoo nasasakal na ako sa ginagawa niya sa akin. Minomonitor niya ang bawat kilos ko na kung minsan nakakairita na. Shit lang. Kung hindi ko lang talaga siya kailangan matagal ko na siyang iniwan. Hindi ko naman talaga siya mahal kaya lang naman ako pumapayag sa gusto niya dahil mayaman siya. Ano ako? Uto-uto? Bolahin niyang sarili niya akala niya naniniwala ako sa kanya. Alam ko ang tunay na kulay ni Ethan,isa siyang Playboy. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na mahulog sa bitag niya. Ano ako baliw? Nasa matinong pag-iisip pa ako noh para seryosohin siya. Dahil sa inis ko ay binaling ko na lang sa ibang direction ang paningin ko. Pero nakita ko si Shaira. Shit bakit siya nandito. Ang babaeng to. Hindi niya ba talaga maintindihan sinabi ko na ayaw ko na siyang makita. Tsssskk. I hate Shaira simula noong baby pa siya. Sounds odd pero yon ang totoo. Noong di pa siya ipinanganak,nasa akin lang lahat ang atensyong ng mga magulang namin. Ako lang ang mahal nila. Ako lang ang maganda para sa kanila. Pero nagbago lahat yon ng ipinanganak si Shairra. Halos hindi na ako pinapansin ng parents namin. Wala na silang ibang nakikita kundi si Shairrra,letse! Nakakainis! Hanggang lumaki kami wala nang ibang magaling sa kanila kundi si Shairra,hindi nila nakikita ang pagsisikap ko. Kaya ng mamatay ang mga magulang namin at maiwan sa pangangalaga ko ang kinaiinisan kung kapatid ay napatanong ako sa aking sarili. Kailangan ba talagang mangyari to sa amin? Ayoko ko siyang makasama. Sa umpisa pa lang balak ko na siyang iwan,pero nakonsensya ako kahit papano kaya kahit naghihirap din ako,ay itinaguyod ko ang pag-aaral niya at ang aming pangangailangan sa pang-araw-araw hanggang sa makilala ko si Ethan,ginawa ko ang lahat ng paraan para maakit siya. Alam ko madali ko lang siyang maakit dahil mahilig siya sa babaeng maganda. At nabiyayaan naman ako non,kaya agad ko siyang napaikot. Naging practical lang ako. Nahihirapan na din kasi akong tustusan ang mga pangangailangan naming magkapatid. Kaya pikit mata kung tinanggap ang lahat. Dahil sa ambisyon kung makaahon sa hirap. "Pagod ka nga yata eh." "Huh? "para naman akong nagising mula sa pagkatulog."May sinasabi ka?" Ngumiti lang siya sa akin ng matamis. " Ang sabi ko how about magvacation tayo. Mukhang stress ka sa work mo." Pigil na pigil ko ang sarili ko na ismiran siya. Stress talaga ako lately. Paano palagi kaming inuumaga. Nakakahagard ng beauty. May balak ata siyang losyangin ako. "Ayoko ko,ok lang ako."pagtanggi ko sa sinabi niya. "Baby naman,"pangungulit niya pa rin "Ano ka ba Ethan,I said no!"medyo napataas ang boses ko. Naiinis na ako sa kanya. If I know hindi din naman ako makapagpahinga don sa sinasabi nyang bakasyon. If I know magkukulong lang din kami sa silid at walang ibang gagawin kundi ang magtalik! Kailan ba niya maiintindihan na hindi ko na gusto na parati siyang kasama. Pera lang ang kailangan ko sa kanya wala ng iba. Hindi ko siya gusto! Arrrrgh! "Galit ka?" Bigla kung pinalambot ang mukha ko. "Pagod lang ako,please wag mo ng ipilit,magsama ka na lang ng iba."wala sa sariling nasabi ko. "What?"halatang nagtataka siya sa huling sinabi ko. Shit! Ano ba kasing pinagsasabi ko. "Seriously? Iniiisip mo pa rin na may iba pa ako bukod sayo?"kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay niya. Halatang naiinis na din siya. Bahala na nga siya. Basta ayaw ko siyang makasama sa bakasyon. Hindi din ako makakapagrelax pag siya kasama ko. Mas lalong hahagard ang beauty ko dahil sa pagiging mahilig niya sa s*x. "I'm sorry,pagod na talaga ako,pwede ba umuwi na tayo."iwas ko sa kanya. At nauna na akong tumayo. Pero agad niyang nahawakan ang kamay ko kaya nahila niya ulit ako paupo. "I'm sorry kung masyado na kitang napagod to the point na ayaw mo ng sumama sa akin sa outing."mahinahong wika niya. Hay salamat naman at napansin din niya. "Hindi naman sa ganon,gusto ko lang sanang magbakasyon na hindi ka kasama. Gusto kong bigyan ng time ang sarili ko,yon bang wala akong dapat na ipleasure na iba kundi sarili ko lang. I need a break Ethan." Kitang-kita ko ang nangungusap niyang mata,alam ko nagtaka siya sa inasal ko pero anong magagawa ko,I need a break away from him. Nasasakal na ako sa kanya. As in..! Hindi siya sumagot. Pero bakas sa mukha niya ang pagtataka. "Bakit? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Gusto mo bang magshopping? Tell me,bakit feeling ko nanlalamig ka na sa akin. Am I not good enough in bed? Di na ba kita napapasaya kaya mas gusto mong magbakasyon mag-isa kaysa kasama ako?" Grabe ang pagpigil ko na wag paikutin ang mga mata ko sa harap niya. Heller,kahit anong gawin niya hindi ako maaring magkagusto sa kanya. Madami pa akong ambisyon na dapat abutin. Alam ko siya lang ang makakatulong sa akin para umangat ako kaso nasasakal na talaga ako. Paulit-ulit na lang. Nakakatawa. "Anong gusto mo Sheenna? Tell me at ibibigay ko sayo!" Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Strike the iron while its hots ika nga. Tama ba yon? Hahahaha di bale na. "As in lahat?"panigurado ko sa kanya. "Oo lahat!"matigas na wika niya. Talaga naman kapag sinuwerte ka nga naman. "Then hayaan mo ako ang magmodel sa new undergarment special edition series na ilalabas 6 months from now." Kitang-kita ko ang paglaki ng butas ng ilong niya. Shit im dying to get that project pero dahil kay Ethan hindi ko yon nakuha ayaw niya akong magsuot ng bra at panty sa harap ng ibang tao. Letse,pero yon ang gusto ko. Hindi basta-basta ang mga underwear na yon dahil gawa yon sa mamahaling materials. Nangangati na ang katawan kung isuot yon. It worths millions. Parang sa Victoria Secret. Pero s**t lang dapat sa akin yon kaso ang Oa ng lalaking to. Super! Napalunok siya. Alam ko ayaw niya. "Ethan please hayaan mo na ako, I'm dying to wear those piece,matagal ko na yong pangarap. Yearly akong napipili para isa sa magsuot kaso palagi mo naman akong inaalis. Please just this time let me wear the very expensive one."ginawa ko ang lahat para magmukhang convincing sa paningin niya."Please?"paawa epek talaga ako. "Still no,if you really like to wear that thing ibibigay ko yon sayo. You can have the very expensive one." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What the hell! Baliw ba siya para ibigay sa akin yon. Nasa 20 million yata ang halaga non o higit pa. Dahil sa hindi ako naniniwala sa kanya ay napatawa na lang ako. Pero hindi ko pala dapat ginawa yon. " Hindi ka naniniwala sa akin?"may himig na galit na wika niya. Natigil ako sa pagtawa. "Seryoso ka?" Tumango siya. " Iyo na ang Fantasy collection na yon,susuotin mo yon sa harap ko. Sa harap ko lang at wala ng iba!" Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wala na talaga nabaliw na si Ethan. Imagine?? Ibibigay niya sa akin? Tapos sa harap lang niya ako magsoshow. Kay kaloka ang lalaking to. Nakakabaliw. Grabe na talaga siya. Hindi ako sumagot sa sinabi niya. " Ok ka lang ba? My Ghad Ethan normal ka pa ba?" " I'm serious akin ka lang Sheenna,walang ibang pwedeng makakita sa katawan mo maliban sa akin. You can have the most expensive collection,iyo na ibibigay ko na sayo,dahil yon ang gusto mo. I want to give everything that can make you happy." Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Mas tamang sabihing speechless yata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD