Chapter3

1294 Words
Shaira. Haisst pano ba to. Ano ng gagawin ko,wala na hindi ko na talaga makontak si Ate saan na ba kasi siya. Kung hindi ako kikilos baka mamatay ako ng dilat dito. Kaya nagbihis ako ng presentable na damit,mag-aaply ako ng work.. Tama naman si Ate malaki na ako. In fact nasa wastong gulang na kaya kailangan ko ng maghanapbuhay para sa aking sarili. Kailangan kong tipidin ang perang iniwan sa akin ni Ate,kaya ko to. Makakaraos din ako. "Hoy Shaira saan ang punta mo?" Kinabahan ako ng makita si Aleng Martina na papalapit sa akin. "Maghahanap po ng trabaho para makabayad sa inyo." Ngumisi siya ng mapakla. "Mabuti naman kung ganon." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "May alam akong trabaho para sayo!" "Talaga po? Ano po?"inosenteng tanong ko. "Dancer sa bar !" Namutla yata ako sa sinabi niya. Napailing nalang ako. "Sa-salamat na lang po." "Hay nako,Shaira sa ganda mong yan,makakakita ka ng malaking halaga sa pagsasayaw mo,may alam akong bar na sayaw lang ang ginagawa walang halong take out." Napalunok ako sa sinabi niya. No hindi ako nag-aral ng apat na taon sa College para maging dancer lang. May pangarap ako para sa sarili ko. At isa pa hindi din masisiyahan ang mga magulang ko kung sakaling gagawin ko yon. "Ayaw ko Aling Martina,maghahanap na lang po ako ng ibang trabaho" Napataas siya ng kilay sa sinabi ko. "At anong trabaho naman aber? Ni hindi ka pa nga nakagraduate." Tama siya alam ko mahihirapan ako pero ayaw kung maging Dancer. " Hay nako,Shaira,sa hirap ng buhay ngayon,hindi na praktikal ang mag-iinarte,kailangan mong gamitin lahat ng resources mo para mabuhay. Kagaya mo napakaganda mo at sexy pa. Bakit hindi mo gamitin ang katawan mo para mabuhay. Aanhin mo ang ganda mo kung kumakalam naman ang sikmura mo. Mag-isip ka Shaira. Ito na ang trending ngayon. Hindi na uso ang mahinhin sa panahon ngayon." Natahimik na lang ako sa mga pangaral niya. Tama naman siya. Pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko masikmura. Saka na susubukan ko munang maghanap ng trabaho. Kapag wala talaga akong mahanap. Pag-iisipan ko muna ng million times.. Hay ganito pala talaga kahirap ang buhay,kaya pala ang iba kahit labag sa loob ay kumakapit na lang sa patalim para mabuhay kahit pa labag sa mata ng Diyos ang lahat. "Mauna na po ako Aling Martina,"magalang na paalam ko sa kanya. Wala naman akong galit sa kanya kahit pa halos inubos na niya ang mga gamit sa apartment ko at kinuha pa pati ang Laptop ko na regalo sa akin ng mga magulang ko noong 18th birthday ko. Kaso wala na din sila. Aksidente sa daan ang dahilan. Masakit man pero kailangang tanggapin. Sa pagka-alala ko hindi naman kami mahirap dati hindi rin mayaman. Masasabing average lang ang pamumuhay namin. Pero dahil wala na din sila kaya si Ate ang sumalo ng lahat At least kahit labag na labag sa loob niya ay inako niya ang responsibilidad na naiwan ng mga magulang namin. Yon nga lang napagod din siya at ganon na lang ang pang-iiwan niya sa akin sa ire na para bang di ako kapatid. Pero tapos na yon. Kailagan ko ng harapin ang buhay ng mag-isa. Kaya ko to. Kakayanin ko to . Kahit ang totoo wala akong masyadong alam na trabaho. Huminga muna ako ng malalim bago sumakay sa dyip na pumara sa harapan ko. Walang direksyon ang tungo ko ngayon.. Kung saan ang ruta nito doon din ang baba ko. Sana lang makahanap ako ng kahit anong trabaho. Kapag naubos ang perang iniwan sa akin ni Ate wala na talaga ako,sa kangkungan na talaga ako pupulutin. Kaya kailangan ko ng makahanap ng trabaho. Para makuha ko na din ang laptop ko kay Aling Martina. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa isang building. Pero tanging no Vacancy ang sagot sa akin ng receptionist. Hanggang sa halos maaplyan ko na lahat ng mga establishment na nandoon,pero wala akong napala. Napudpod na yata ang sapatos ko. Hay nakakapagod hapon na pero wala pang laman ang sikmura ko. Nag-umpisa na din akong nakaramdam ng gutom at pagod. Dahan-dahan akong naglakad para humanap ng streetfoods ng mapadaan ako sa isang class at isa sa pinakamahal na Restaurant,ang Eurekas Dishes. Hay kailan kaya ako makakapasok dyan. Patingin-tingin lang ako sa mga kumakain ng mahagip ng paningin ko si Ate Sheenna,kasama si Ethan. Napahinga na lang ako ng malalim,mabuti pa si Ate hindi naghihirap na kagaya ko. At may boyfriend pa siyang superduper gwapo. At ang sweet pa. Ang sweet naman ni Ethan sinusubuan pa niya si Ate. Naiinggit ako kay Ate sa totoo lang. Ang sarap ng buhay niya samantalang ako. Ito at naghihirap. Ano ba kasing meron at galit na galit siya sa akin? Ilang beses ko na ding tinatanong sa sarili ko pero wala akong makapang sagot. Wala din akong lakas ng loob para tanungin siya. Saka na kapag may maipagmamalaki na din ako. Baka that time magkakalakas na ako ng loob na tanungin siya. "Miss bawal tumambay dito."sita sa akin ni Manong guard. Para naman akong natauhan ng marinig ang boses ni Manong Guard. Nginitian ko lang siya,kahit napahiya ako. "Sorry Manong guard akala ko kasi may nakita akong kakilala,pero nagkamali lang pala ako." Gumanti na rin ng ngiti ang Guard. "Sorry Miss trabaho lang." Tumango lang ako sa kanya,at tiningnan muli si Ate Sheenna na masayang-masaya kasama si Ethan,pagkatapos ay umalis na ako sa lugar na yon. Hindi ako mapagmataas na tao pero dahil kay Ate parang babaguhin ko na ang ugali ko. Kailangan ko siyang malampasan. Kailangan kung gaano siya kayaman ngayon dodoblehin ko ang sa akin. Ayaw ko ng magpaapi. Ayaw ko na. At si Ethan? Gagawa ako ng paraan para maagaw siya. Aagawin ko sa kanya si Ethan.. Alam niya na matagal ko ng gusto si Ethan pero anong ginawa niya ginawa niya pa talaga itong boyfriend. Humanda ka sa akin,Ate matitikman mo rin ang mga ganti ko. Alam ko masama ang mga plano ko pero,desperada na ako. Hindi na ako ang Shaira na iiyak lang sa isang tabi kapag inaapi niya. Lalaban ako. Hihigitan ko siya! Yon ang pangako ko sa aking sarili at kung paano ko gagawin yon. Yon ang hindi ko pa alam. Di bale na,bahala na. Maraming paraan kung gusto mo talagang makamit ang isang bagay. Kailangan kung gawin to,kailangan. ------- Nakauwi na din ako sa wakas gutom at pagod na pagod. Hay,kung magbiro nga naman ang tadhana nandito na naman si Aling Martina sa labas ng apartment ko naghihintay ano naman ba ang kailangan niya? "Bakit po?" "Ano nakahanap ka na ba ng trabaho?" Napailing na lang ako. "Hay,kawawa ka naman,alam mo kasi di ganon kadali ang lahat." "Alam ko naman yon,"pagod na wika ko. "So ano papayag ka na?" Ibig niyang sabihin yong trabahong ini-offer niya sa akin? Hindi ako sumagot. "Wag ka ng magmatigas. Maganda ang bar na yon. Halos lahat ng kapitbahay natin doon nagtatrabaho" Gusto ko siyang awayin,kaso baka mas lalo lang lalaki ang problema ko. "Pag-iisipan ko ho. Wag nyo naman akong madaliin,hindi ho madali ang sinasabi nyo.." "Sige bibigyan kita hanggang bukas ng gabi Shaira,nakita mo ba yong mga kapitbahay natin dito umuunlad na dahil sa trabahong yon. Mataas magpasahod at magaling mag-alaga ng mga tauhan. Pag-isipan mong mabuti Shaira,sasayaw ka lang naman." Tumango na lang ako para matapos na. Ayaw ko ng makipagtalo at akoy pagod na pagod na talaga. Idagdag pang halos manghina na ako dala ng matinding gutom! "Sige po Aling Martina,pagod na pagod na po ako gusto ko na po sanang magpahinga" "Hala sige pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko sayo. Para din naman yon sayo para makabayad ka na man sa akin kahit papano."kunwari concerned ito. Pero wala akong balak na pumayag don sa offer niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD