hot.
Shaira.
Grabe ang init.
Ang init ng pakiramdam ko,nasaan na ba ako?
Napaiyak ako ng maalala ang mga nangyari sa amin ni Ethan sa infinity pool.
Hindi ko talaga ine-expect na ganon ang mangyayari.
Bakit biglang naging bastos si Ethan?
Tahimik akong umiiyak.
"Shaira,wake up!"mahinang tawag sabay yogyug ang narinig ko.
Napaungol lang ako.
Pagod na pagod ang pakiramdam ko,ayaw ko pang gumising.
"Shaira! Shaira!"
Napailing na lang ako.
Sinubukan kung imulat ang mga mata ko kaso hindi ko pa talaga kaya.
Nasaan ba ako?
Ate?
Ate?
Ate?
Ilang times na ba nagkasakit ako na wala si Ate.
Ate?
Wala na akong ibang naisip kundi si Ate Sheenna at ang mga pangyayari na hindi ko alam kung bakit ko ba nakalimutan.
Anong nangyari sa akin?
⚠Flashback.
"Shai? Bat ang init mo? Sandali lang ikukuha kita ng gamot."
Pumunta si Ate sa medicine cabinet namin pero wala siyang makitang gamot.
Kaya ang ginawa niya,kumuha siya ng bimpo na may malamig na tubig at inampunas niya sa noo ko,at sa ibang parte ng katawan ko.
"Shai! Pagaling ka kapatid ko,please!"narinig ko ang hikbi ni Ate.
"Gutom ako Ate"mahinang wika ko.
Nakapikit ako kaya diko makita ang lungkot na dumaan sa mukha niya.
"Matulog ka lang muna Shai ha,bibili lang ako ng instant noddles sa labas para mainitan ang sikmura mo."
Tumango lang ako ng bahagya dahil hinang-hina ang pakiramdam ko.
Pero lingid sa kaalaman ko walang pera si Ate at ayaw na din pala kaming pautangin sa labasan.
Ang dami na daw naming utang,pero hindi ko yon alam.
Walang sinabi si Ate sa akin na kahit ano.
Hanggang sa mas lumala ang sakit ko at kailangan na akong dalhin sa hospital.
Iyak lang ng iyak si Ate paano wala kaming pambayad sa hospital at ayaw kaming tanggapin pero nagdedeleryo na ako sa taas ng lagnat ko.
"Please maawa na po kayo,maawa po kayo sa kapatid ko"halos lumuhod na si Ate sa harapan ng cashier para ma admit ako,"Please baka anong mangyari sa kapatid ko."
"Miss kung wala kang pambayad dapat doon mo sa public hospital dinala yang kapatid mo. Hindi dito. "mataray na wika ng isang Nurse.
Napaiyak na lang si Ate,pero wala siyang magawa.
"Wa-wala na kaming pamasahe."
Tinaasan lang siya ng kilay nong Nurse.
"Hay naku hindi lang ikaw ang unang pasyente na ganyan dito,kung palagi namin kayong pagbibigyan baka naman malugi na itong Hospital."mataray na wika nito.
...
⚠PREsent.
Nagising ako mula sa isang napakalungkot na panaginip ako at si Ate?
Pero bakit parang totoo?
Wala akong matandaang ganoong scenario.
Mahigpit akong napahawak sa kumot na nakabalot sa akin ng biglang bumukas ang pinto.
"Shai? Mabuti at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo."
Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makita ko si Eureka.
May dala siyang tray na puno ng pagkain.
"Kain ka muna. Ok ka na ba?"halata sa boses ni Eureka ang pag-aalala. Inilapag niya muna sa bedside table na nandoon ang tray na dala niya,saka umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang noo ko."Mabuti naman bumaba na ang lagnat mo,kain ka na. Para bumalik na ang lakas mo."
"Anong nangyari sa akin?"
"Nakita kita sa pool kagabi,napakataas ng lagnat mo. Ok ka na ba?"
Marahan lang akong tumango. Saka pinakiramdaman ko ang katawan ko,hindi pa siya ganon ka-ok pero mas maayos na ito kaysa kagabi.
"Sige kain ka na,para makainom ka na ng gamot."
Napatango na lang ako. Habang inaayos ni Eureka ang mga pagkain sa harapan ko.
Ang bait ni Eureka.
"Wag ka ng mahiya Shai,"napansin niya sigurong naiilang akong sumubo. Nahihiya naman talaga ako,pano ba naman kasi naging pabigat pa ata ako sa kanya. Ni hindi naman kami magkaibigan. Doon sa reception ng kasal ni Mr. Xerxes nga lang kami nagkakilala. Tapos ito na agad siya pa ang nag-alaga sa akin ngayon.
"Salamat Eureka,"matipid na wika ko pero mula ito sa aking puso.
"Ikaw naman parang di ka namin kaibigan. Si Ethan ang nagdala sayo dito kaya obligasyon ka na din namin."
Matamis akong napangiti ng marinig ang sinabi niya wala akong masyadong kaibigan kaya ang marinig ang mga salitang yon mula sa kanya ay talagang nakakataba ng puso. Ang bait talaga ni Eureka,kailan ko lang siya nakilala pero itinuring na niya agad akong kaibigan.
Pwera kay Ethan.
Nilukob ng takot ang buong pagkatao ko ng maalala si Ethan. His bad side. Akala mo napakatino niyang tao yon pala may itinatagong bulok sa pagkatao niya,alam kaya ng mga kaibigan niya ang mga kalokohan nito! Panigurado akong walang alam sina Eureka sa ugaling meron si Ethan,magaling itong magtago ng totoo niyang kulay ee. Mapanlinlang ang isang Ethan Wade kaya dapat ko na siyang iwasan.
Ayaw ko na siyang makita.
Pagkatapos ng pambabastos na ginawa niya sa akin.
Mabuti na lang dumating mga friends niya kaya hindi natuloy ang masama niyang balak sa akin.
"Hey,namumutla ka! Ok ka na ba talaga?"saka hinawakan niya ulit ang noo ko pati na ang leeg ko."Wala ka na namang lagnat,pero ang putla mo. Mukhang kailangan mo ng macheck ng Doctor."halata ang pag-alala sa mukha ni Eureka. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya dahil sa mga pinakita niya.
"Ah ok lang ako,Eureka. Wag kang mag-alala sa akin. Itutulog ko lang to,babalik na din ako sa dati."
"Sige na damihan mo na ang pagkain,para lumakas ka agad. Gusto mo subuan kita."
Halos mabali ang leeg ko sa pag-iling. Over naman sa kabaitan itong si Eureka,di naman napilay yong kamay ko. Nilagnat lang naman ako.
Pinilit ko ang sarili kung kumain kahit wala akong gana. Nakakahiya naman kay Eureka,kung mag-iinarte pa ako.
Saka gusto ko ng umalis sa lugar na yon. Gusto ko ng umuwi at bumalik sa dating buhay ko.
"Kailan kayo uuwi,Eureka?"lakas loob kung tanong sa kanya.
Pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin ni Ethan hindi ko na gugustuhin pang sumabay sa kanya.
Ayaw ko na.
Nakakatakot siya. May halimaw na nakatira sa loob ng katawan niya.
"Uuwi kami ngayon,bakit?"
"Please isabay nyo ako."sana naman pumayag siya,ayaw ko na talagang sumabay kay Ethan.
"Pero di ba si Ethan ang kasama mo papunta dito."halata ang pagtataka sa mukha ni Eureka.
Ayaw kung sabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Ethan kahit papano ayaw kung masira siya. Alam kong walang alam sina Eureka sa tunay na ugali ni Ethan. Isang nakakatakot na pagkatao ni Ethan.
"Baka kasi ayaw niya pang umuwi,"sagot ko na lang. Sana naman maniwala siya.
"Sige ikaw ang bahala. Pero kung may ginawa siyang di maganda sayo,magsabi ka lang akong bahalang kumausap sa lalaking yon."ramdam ko ang pagbabanta sa boses ni Eureka. Nakakatakot ata siyang magalit.
Agad akong napailing bilang sagot sa sinabi niya. Mas lalong di dapat malaman ni Eureka ang mga pinag-gagawa ni Ethan.
"Mamayang hapon pa kami aalis kaya magpahinga ka muna ha."
"Salamat,Eureka." Saka ko lang napansin ang ternong damit pantulog na suot ko."Salamat din dito sa damit."darating din ang araw masusuklian ko din ang kabutihan ni Eureka sa akin.
Matamis siyang ngumiti sa akin,"Wala yon mabuti magkasing katawan tayo,pareho tayong sexy,"sabay tawa niya ng malakas.
Kaya napangiti na din ako gumaan kahit papano ang nararamdaman ko.
Kung alam lang ni Eureka ang ginawa ni Ethan baka kanina pa ito nanagot kay Eureka kaso wala akong balak na sabihin sa kanila,ililihim ko na lang ang lahat total pagkatapos nito di ko na siya makikita pa.
"O inumin mo muna tong gamot."Saka binigay niya sa akin ang gamot,agad ko naman itong ininom."Sige na iiwan na kita huh.Para makapagpahinga ka na."
"Ok,thank you sa lahat ng tulong mo,Eureka!"
Ngumiti lang siya ng matamis. Saka umalis na siya dala ang tray na may laman pa ng pagkain na diko naubos.
Saka ko naisip ang panaginip ko,panaginip nga ba yon?
Si ate at ako.
Bakit ko nakalimutan yon.
Anong nangyari sa akin?
Mabait ba talaga si Ate sa akin noon?
Yon ang aalamin ko pagbalik ko.
Kailangan kung malaman ang totoo.
Nasa ganoon pag-iisip ako ng biglang bumukas ang pinto.
At iniluwa nito ang taong ayaw kung makita.
Agad na bumangon ang takot sa buong pagkatao ko ng makita si Ethan.
"Anong ginagawa mo dito?"takot na tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at hindi din siya lumapit sa akin nasa may pinto lang siya,nakatayo.
"Wag kang lalapit sa akin Ethan,please dyan ka lang."
Nakatingin lang siya sa akin.
Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Basta ako isa lang ang alam ko, takot na takot ako sa kanya ngayon. Siguro naman wala siyang masamang gagawin sa akin ngayon nasa labas lang sina Eureka hindi din naman siguro niya balak na malaman ng mga ito ang totoong kulay niya.
"Shai,"mahinang tawag niya sa akin.
Hindi ako sumagot.
Galit pa rin ako sa kanya at the same time takot din.
"Please patawarin mo na ako."seryosong wika niya.
"Please ok na,basta wag na wag ka lang lalapit ulit sa akin. Kakalimutan ko lahat ng kabastusang ginawa mo."parang maiiyak na naman ako.
Nakayuko lang siya,para siyang maamong tupa ngayon. Ibang-iba sa pinakita niyang ugali kagabi.
"Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukute ko at ginawa ko yon. Just let me make up to you. Ayokong galit ka sa akin."
"Please lang Ethan,ilabas mo na ang tunay na ikaw alam ko napakapervert mo,wala kang galang sa babae,with that ayaw ko ng mapalapit sayo kahit kailan. Kung yong ibang babae gusto nila ang pambabastos mo pwes ako hindi ko gusto yon kaya please lang wag ka ng lalapit sa akin. Kina Eureka na ako sasabay pauwi."
Tiningnan niya ako na para akong ice cream na unti-unting natutunaw nakakapanghina ang uri ng tingin na ipinukol niya sa akin.
"That's make you special Shaira,"malamig na tugon niya na nagpakaba sa akin. s**t,andoon na naman yong mga nakakatakot niyang tingin.
"Umalis ka na!"galit na wika ko.
Ngumisi siya ng mapakla.
" Fine aalis ako,pero sisiguraduhin ko na sa akin mo ibibigay ang virginity mo!"
Tinapunan ko siya ng unan. Sumulak ang dugo ko ng marinig ang sinabi niya. Akala mo,seryoso na siyang nagsisi sa ginawa niya hindi pa pala! Kainis! Sarap niyang sapakin! Nakakagigil talaga! Nakakapanginig ng buto! Ah basta naiinis ako sa kanya!
"Pervert!"galit na galit na wika ko.
Galit na galit na nga ako pero parang balewala lang sa kanya ang lahat.
"Hmmm,dahil sa ginagawa mo,mas lalo mo lang ginigising ang interes ko sayo. I will make sure na bibigay ka rin sa akin."
Kinilabutan ako ng marinig ang sinabi niya. Anong klaseng tao ba talaga itong si Ethan? May alam kaya sila Eureka sa ugaling meron ito!
"Damn you Ethan,paano ang ate ko!"madalas niya bang ginagawa to,kaya ba naglayas na lang bigla si Ate dahil hindi na nito makaya ang mga pinaggagawa ng lalaking to!
Mas lalo siyang napangisi."Hindi ko naman iiwan ang ate mo. Hindi din naman siya aalis sa tabi ko,dahil lahat ng gusto niya binibigay ko."
Kinilabutan na talaga ako sa mga pinagsasabi niya. Si Ethan ba talaga to! Ee sarap niyang putulan ah!
"Ito ako Shaira,ito ang totoong ako. Ito ang sekreto ko na matagal ko ng tinatago. Yah tama ka isa akong pervert at wala pang nakakatanggi sa akin,not even you! I will make sure makukuha kita!"
Mas lalo akong kinabahan sa mga pinagsasabi niya.
"Damn you Ethan,wag mo akong isasali sa listahan ng mga babaeng naikama mo."
"I thought nawala na ito,dahil sexually satisfied naman ako kay Sheena,pero bumalik ito ng bigla na lang siyang nawala,at ikaw ang nandoon kaya akala ko,willing ka!"parang halimaw na wika nito. Anong klaseng tao ba siya? Di kaya isa siyang s*x Maniac. Ano ba tong pinasukan ko. Kung nasan ka man Ate Sheena,please lang bumalik ka na.