addict.
Shaira.
"Hindi mo mahal si Ate? Ginamit mo lang din siya?"naguguluhang tanong ko. Ano ba talagang relasyon meron sina Ethan at Ate Sheenna. Purely s*x lang ba ang namagitan sa kanilang dalawa.
Ngumisi siya sa akin ng nakakatakot. I hate,Ethan. Yong paghanga ko sa kanya,unti-unti ng napalitan ng inis! So this is the real Ethan Wade,isang maniac na s*x addict pa ata! Kawawa din pala si Ate Sheenna,kala ko ganon na kaganda ang buhay niya sa piling ni Ethan pero hindi pala ganon yon. Hindi man naghihirap si Ate Sheenna in terms sa pera pero alam ko sa ibang bagay siya nahihirapan.
"Mahal? Gusto ko lang siya dahil nasasatisfy niya ako,in return binibigay ko sa kanya lahat ng luho niya. So magrereklamo pa ba siya,"tama ba talagang sabihin niya sa akin ang lahat ng to! Ito pala talaga ang tunay na kulay ng isang Ethan Wade may mapanganib siyang pagkatao na tinatago. Wala talagang perfect sa mundong to,in terms of Ethan's physical apprearance perfect na perfect siyang tingnan hindi mo masasabing may bulok siyang itinatago!
Nag-umpisa na ang pagbangon ng inis sa buong sistema ko! Sarap niyang upakan. Kawawa si Ate Sheenna,naggagamitan lang silang dalawa.May babaeng mga Nymphomaniac hindi ko alam kong anong tawag kapag lalaki.
"Wala ka bang gamot para diyan?"nayayamot na tanong ko sa kanya.
"s*x,its always s*x. Wala ng iba!"mabilis na tugon niya. May sakit ba talagang ganon. Bat din na lang siya lumapit sa mga taong may kakayanan siyang tulungan. Marami naman siyang pera,maaford niya naman siguro ang gastos sa gamutan!
Halo-halo ang emosyon ko ng marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam kong maiinis ba ako o maaawa sa kanya!
Hindi niya mahal si Ate kailangan lang niya ito para gawing parausan.
At may plano din siyang gawin din yon sa akin.
Damn you Ethan.
I hate you!
"Wanna make a deal with the Devil?"seryosong tanong niya na nagpatayo ng balahibo ko sa batok. Yong mga titig niya sa akin ay naghahatid sa akin ng di maipaliwanag na kaba at init!
Init? Bakit naman ako nag-iinit sa simpleng tingin niya lang sa akin!
Kung tutuusin dapat na matakot ako sa kanya!
Hes not normal.
Anytime pwede niyang ulitin yong ginawa niya sa akin sa pool at mas malala pa doon ang kaya niyang gawin. Gaya na lang ng deal na ini-offer niya ngayon.
Alam kong indicient proposal lang naman tong deal na sinasabi niya. No,wala akong planong patulan ang kabaliwan niya. Hindi ako magpapagamit sa kanya!
"No! Ayokong isangla sa isang katulad mo ang kaluluwa ko!"naiinis na wika ko! Sana naman tumigil na siya!
"Sooner Shai,bibigay ka din. I know you will!"buong kumpyansang wika niya. Wow taas ng tingin niya sa sarili niya. Kungsabagay siya si Ethan Wade,kaya niyang bilhin ang lahat!
"Kahit gumapang pa ako sa lupa hinding hindi ako lalapit sayo."tama,yon talaga ang tama! Hindi ako dapat magpasindak kay Ethan.
"Lets see,Shai,wag kang magsalita ng patapos."nang-uuyam na wika nito. Sa labang inilatag niya alam kong sisiguraduhin niyang hindi ako makakawala pa!
"Please Ethan,wag ako. Iba na lang please,pangarap kung ibigay sa lalaking pakakasalan ko lang ang p********e ko. Gusto kung malinis na ibigay ang sarili ko don sa lalaking mapapangasawa ko."yon ang pangako ko sa sarili ko. Sa lalaking pakakasalan ko lang ibibigay ang p********e ko.
Nang-uuyam siyang ngumiti sa akin. Halatang di siya naniniwala sa narinig na sinabi ko.
"Really? Akala ko wala ng babaeng ganon sa panahon ngayon."may halong pang-aasar na wika nito,na mas nagpatindi ng nararamdaman kong inis para sa kanya!
Tinapunan ko siya ng nakamamatay na tingin,"Hindi ako ganon kababa Ethan,kaya wag na ako ang pagnasaan mo!"parang sasabog na ako dala ng matinding pagkaasar sa lalaking kaharap ko ngayon,kung pwede lang siyang saksakin baka kanina ko pa siya napatay! Nang-gigil talaga ako sa kamanyakan ng lalaking to!
"Paano kung handa akong pakasalan ka!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Grabe wala na ata sa matinong pag-iisip ang lalaking to! Pakakasalan niya lang ako para makuha niya ang virginity ko! Tsssk,iba din talaga!
Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip niya.
Addict yata talaga ang lalaking to eh.
Nakakatawa siya na nakakaawa!
Grabe!!
"Dont you dare laugh at me,Shaira!"halata ang pagbabanta sa boses niya.
"Grabe ka Ethan,joker ka din pala"pero wala akong balak na magpasindak sa kanya. Kahit ang totoo natatakot talaga ako sa kanya!
"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"kunot-noong tanong niya!
"Ethan nagpapakasal ang dalawang tao dahil mahal nila ang isat-isa,hindi dahil sa s*x. Grabe ka pinapasakit mo ang tiyan ko sa kakatawa."iiling-iling na wika ko,sabay pigil sa sarili kong wag matawa dahil sa kabaliwan ng mga pinagsasabi nito!
Kitang-kita ko ang pagtiim ng bagang niya.
Halatang galit na ata ito!
I dont care!
Akala ba niya ganon lang kadali ang lahat.
No way!!!
Nababaliw na yata ang lalaking to.
" I will make you fall for me!"matigas na wika niya sa akin. Matiim lang siyang nakatitig sa akin na naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa katawan ko!
"What??"nanlaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Now hes acting wierd! Bakit ganito siya,pabago-bago siya ng ugali. Para lang sa s*x gagawin niya yan! Hay,iba ang s*x sa love! May ideya ba siya sa kaibahan ng dalawang yon!
Shit kung alam lang niyang matagal na akong fall na fall sa kanya baka mas lalo lang niya akong bastusin.
Shit lang!
Sarap magbiro ng tadhana!
Dati naman pangarap kong mapansin ni Ethan pero iba na ngayon after knowing all his flaws and his dark secret parang umurong ata yong nararamdaman ko para sa kanya! Hindi kayang tanggapin ng braincells ko yong pagiging mahilig niya sa s*x! Kasi isa akong conservative na tao,bahala ng matawag na old fashioned basta ganon ako. Masyadong opposite ang paniniwala naming dalawa!
"Ewan ko sayo Ethan. Pwede ba lumabas ka na! Maghanap ka ng ibang babaeng willing na bumukaka diyan sa harap mo!"naiinis na taboy ko sa kanya. Kung hindi lang siguro ako naniniwala na kailangang malinis akong humarap sa altar kasama ang lalaking mahal ko,baka kanina pa ako bumigay kay Ethan. Sino bang tanga ang tatanggi sa isang Ethan Wade ako lang ata!
"Hindi ako papalit-palit ng babae,hindi ako ganon. Kagaya ngayon si Sheenna ang partner ko. Kaya siya lang ang parausan ko. Hindi ko ugaling gumamit ng kahit sino lang,ayaw ko ding magka Aids noh."
Napatawa na naman ako ng marinig ang sinabi niya.
Takot palang magka aids.
Pero super maniac. So maniac na nasa lugar siya ganon?
Napailing-iling na lang ako!
Pano ba pahintuin ang lalaking to!
"Sige na tama na. Umalis ka na. Si Ate Sheenna na lang ang gamitin mo total,matagal na yata kayong magpartner,"ewan pero ng sinabi ko yon tila ba may naramdaman akong sakit pero binalewala ko lang yon.
" Ayaw na sa akin ni Sheenna! Napagod na siyang maging sexpartner ko. Kaya nilayasan niya ako."malungkot na wika niya.
Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras.
Para siyang tutang maamo ngayon parang kanina lang kulang na lang sakmalin niya ako. Tapos ngayon,ai ewan.
" I guess napagod na siya sa set up namin,hindi naman ako nagkulang sa kanya, I'm a good lover, I'm a good provider pero siguro hindi sapat yon,hindi ko alam kung ano pang gusto niya. Lahat binigay ko sa kanya. Kahit anong gusto niya. Lahat binigay ko dahil ayaw ko ng maghanap pa ng ibang babae hindi ko siya mahal pero satisfied ako sa kanya,kaya ganon.. Pero mukhang may iba pa siyang gustong gawin sa buhay niya."
Bakit ganon,bakit naaawa ako sa kanya.
Haissst bakit???
Ganito na ba talaga ako kabaliw sa kanya. Na kahit alam kong may mali sa kanya ee ganito pa rin yong nararamdaman ko sa kabila ng lahat!
May Ghad,ayaw kung padala sa lalaking to.
Scammer to ee.
User ata!
Ah basta!
Alin man sa mga yon,ayaw kong maging laruan niya!
No way!
Pero kahit anong tanggi ko sa sarili ko mahal ko siya,alam kong mahal ko na siya di na to simpleng paghanga lang.
Pero s*x lang ang kailangan niya.
Magkaiba kami ng nararamdaman. Handa ba akong isugal ang lahat para sa isang walang kasiguraduhang relasyon!
Para sa kanya s*x lang ang lahat pero para sa akin,mahal ko siya!
Shittttttt!!!!
Kainis...
Bat ba kasi naisipan ko pang landiin siya.
Andito tuloy ako,naiipit sa sitwasyong ni sa hinagap ay diko inaasahan na mangyayari sa akin!
"Hindi naman kita minamadali,umaatake lang kasi ang kamanyakan ko kagabi at ayaw kung gumamit ng kung sino-sino lang diyan,Im sorry. Im still hoping na bumalik na si Sheenna,naiinis na ako,napilitan na akong gumamit ng ibang babae noong mga nagdaang araw,and I really hate it. Gusto ko steady ang sexpartner ko,mas ok yon para sa akin."
"Wala ka talagang alam kung nasaan si Ate?"
Kitang-kita kung nangangalit ang bagang niya. Maybe hes mad,dahil ata sa biglang pag-alis ni Ate ng walang paalam!
"Shes with someone."this time ang dilim na ng mukha niya. Ahm,sa totoo lang nakakatakot siyang tingnan!
"Huh? May kasama siyang iba?"kinabahang tanong ko. Ano ba naman to si Ate. Sana nagsabi na lang siya. Di yong ganito!
"Yes,may kasama siyang ibang lalaki."madilim pa din ang mukha nito,hindi pa din humuhupa ang galit na na nakarehistro sa maamong mukha nito!
"Peroo.."hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin,di bale na.
"Alam niya ang kailangan ko sa kanya,at alam ko din ang kailangan niya sa akin. Give and take kami pero di ko alam kung anong nakita niya sa lalaking yon para iwan ako. Kung sabagay malaki na din ang naipon niya bukod sa kinikita niya sa pagmomodel binabayaran ko din siya sa pagiging sexpartner ko. Yon ang totoo. Yon ang totoo naming set-up. No feelings involve. Kailangan ko lang magpanggap na mahal ko siya,para di naman masyadong masamang pakinggan yong set-up namin."
Ngayon lang naging malinaw sa akin ang lahat.
Alam ni Ate ang lahat.
Alam niyang pakita lang ang pagmamahal ni Ethan sa kanya.
Kaya ganon ka strict si Ethan dahil ayaw nitong may ibang gumagamit sa pag-aari niya.
Damn!
"Paano kung bumalik na si Ate."
Hindi siya sumagot.
"Paano?"ulit ko sa kanya.
"Ayaw ko na sana siyang tanggapin,dahil I'm sure may nangyari na sa kanila nong lalaking sinamahan niya,pero kung hindi ako makakahanap ng kapalit niya mapipilitan akong tanggapin ulit siya. I badly needed a steady partner. As I've said earlier ayaw ko ng paiba-iba."
Nalungkot ako sa sinabi niya.
Ethan has a very dark secret mahilig nga ito sa s*x.
Kaya ko ba siyang tanggapin?
Kaya ko bang tanggapin ang pagkatao niya.
Kung papayag ako.
Ako ang magiging kapalit ni Ate,pero kung hindi ako papayag kakayanin ko bang makita si Ethan na gumagamit ng kung sino-sinong babae just to satisfied his needs.
Napakanormal tingnan ni Ethan I bet wala ding alam ang mga kaibigan niya sa secret niya.
Yong puso ko,bibigay na ata!
Shit,malaking problema to!
"Kung gusto mo,pakakasalan kita Shai,kung yon lang ang paraan para magkaroon ako ng steady partner!"ng tingnan ko siya nagkasalubong ang tingin naming dalawa! Bad move,kasi yong puso ko parang nalusaw ata! Bibigay na ba ako!
No,no,no,not yet!
Hindi ka dapat bumigay,Shaira,pagkausap ko sa sarili ko!
Mag-isip kang mabuti,hes using tactics towards you.
Kung bibigay ka ngayon talo ka!
"Ayaw ko nga. Nagpapakasal lang ang dalawang tao dahil mahal nila ang isat isa. Kaloka ka."mayamaya wika ko. It sounded crazy pero kailangan kong maging matatag! I need time to think at timbangin ang mga bagay-bagay!
"Please,hindi ka madedehado sa set up natin. Ibibigay ko lahat sayo. Kung gusto mong mag-aral ulit,papaaralin kita. Hindi ako magiging hadlang sa pangarap mo. Please pumayag ka na."
Nalungkot ako.
Ewan ko ba.
Nalungkot ako para kay Ethan,mahal ko siya pero hindi pa ako sigurado kong handa ko bang tanggapin ang madilim niyang sekreto!
Malinaw na malinaw na s*x lang naman ang kailangan niya sa akin.
Love versus s*x!
Para sa akin at least may emotional attachment ka sa taong isesex mo.
Pero wala yata yon kay Ethan.
His really after s*x,thats all.
"Pag-iisipan ko."wala sa sariling sagot ko. Napatakip ako sa aking bibig ng marealize ang sinabi ko. s**t its too late para bawiin ko yon. By seeing how happy he was,parang ang sama ko na ata para ipagkait sa kanya yon! s**t nababaliw na ata ako!
"Salamat Shai."masayang wika niya!
"Hey hindi pa ako pumapayag noh,wag kang masyadong masaya diyan."naiinis na wika ko sa kanya. Naman ee,pahamak na bibig to kung ano-ano na lang ang lumalabas!
"Ok lang for the meantime pipigilan ko na muna ang sarili ko. Gusto ko ikaw na ang makakasama ko. Ayaw ko na ng iba,kung hindi rin lang ikaw."
Namula ako sa sinabi niya. Naman ee, simpleng salita lang pero kakaiba ang hatid non sa puso ko!
Shit never kung naiimagine na kasex ko si Ethan,grabe siya.
Pakakasalan niya ako para lang don.
Ang wierd lang din niya.
.....
"Ano diyan ka na kay Ethan sasabay?"
Tumango na lang ako kay Eureka,nahihiya man ako pero itong si Ethan ay di din naman pumayag na sasabay ako kina Eureka.
"Hoy,Claude stop staring at Shai,nakakainis ka!"asar na wika ni Ethan sa kanya. Sabay takip sa mata nito. Napailing na lang ako,parang mga bata lang ee.
"Ano ba!"wika ni Claude sabay alis sa kamay ni Ethan na nakatabing sa mga mata niya."Bakit ano mo ba siya? Diba wala namang kayo? So pwede ko siyang ligawan."
"Shut up Claude,pakakasalan ko na nga siya eh."walang anumang wika ni Ethan na nagpalaki sa mata ko. Maging si Claude
nanlaki din ang mga mata nito dahil sa sinabi ni Ethan baliw talaga tong si Ethan.
"Grabe ka magkapatid pa talaga ang tinuhog mo lupit mo pre,ipaubaya mo na lang siya sa akin. Wag ka namang madamot."naaasar na wika ni Claude.
Tiningnan ko si Claude ng bahagya.
Gwapo din ito,in fact sobrang gwapo. Pero wala akong maramdamang kahit ano sa kanya. Walang sparks in short.
"Gago ka talaga! Halika na nga Shai baka mabugbog ko pa tong lalaking to."
Alam ko nang-aasar lang si Claude at ito namang si Ethan,kumagat agad.
Bahagya ko na lang tinanguan si Claude,ako ang nahihiya sa inasal nitong lalaking to.
"Wag ka ngang tumingin sa kanya!"inis na wika nito.Haisst,parang bata na ewan naman tong si Ethan. Parang mag-eenjoy ata akong makilala ang tunay na kulay nitong si Ethan.
"Ang OA mo ha!"natatawang sagot ko sa kanya.
"Basta ayaw kung makita kang nakikipag-usap sa iba."nagdadabog na wika nito.
Hay grabe lang hindi pa nga ako pumapayag,pero kung umasta siya akala niya pag-aari na niya ako.