Chapter 13

2256 Words
#thruth. Sisters talk. #Shaira. Ilang araw ko ng pinagtataguan si Ethan hanggang ngayon kasi di pa ako nakapagdecide patungkol don sa offer niya sa akin. Parang naiintindihan naman niya ako dahil hindi naman niya ako ginugulo. Wala na akong pera,hindi pa ako makalabas sa apartment ko. Ayaw kung makita si Ethan. Nasanay na din ako na halos hindi na kumakain. Pakiramdam ko any moment mamatay na ako. Mamatay sa gutom! Pero di bale na,maisip ko palang yong mga pwedeng gawin namin ni Ethan habang magkasama kami,literal na nanayo ang balahibo ko sa batok. "Shaira!?"malakas na tawag mula sa labas. Ang nagpabalik sa akin mula sa kasalukuyan. Nang silipin ko kung sino si Aling Martina! Hindi ako sumagot o gumawa man lang ng kahit anong ingay,nakapatay naman ang ilaw kaya kung titingnan mo mukhang walang tao sa loob. " Shaira,nandiyan ka ba? Sumagot ka naman wag mo akong tinatakot kang bata ka." Bahala na nga siya. Plastic naman ang matandang yan. Sinasabi niya lang naman niya yon,para mapilitan akong magpakita sa kanya,tapos sisingilin na naman niya ako! "Shaira ok ka lang ba dyan?"hindi ba talaga siya titigil! Hindi ako ok,anytime pwede na akong mawala sa mundong ito! Sa estado ko ngayon na halos hindi na kumakain dalawang bagay lang ang posibleng mangyari sa akin kung hindi mamatay sa gutom,magkakasakit dala ng wala sa tamang oras na pagkain o mas tamang sabihing hindi na talaga kumakain. Idinaan ko na lang sa tulog ang lahat! Sana umalis na lang siya. Ayaw ko siyang makita. Mahabang katahimikan ang bumalot,kaya dahan-dahan akong sumilip para tingnan kung nandoon pa si Aling Martina,saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makitang wala na ito. Mabuti naman umalis na siya. Gutom na gutom na ako,pero wala akong magawa. Ayaw ko din namang lumabas dahil baka makita ako ni Ethan na pakalat-kalat o kaya ni Aling Martina tapos singilin na naman ako. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko itutulog ko na lang tong gutom ko,mawawala din to! Marahang katok sa pinto ang nagpagising sa akin,sino na naman kaya to. Hindi ba talaga titigil si Aling Martina sa pangungulit niya! Dahan-dahan akong bumangon para silipin kung sino ang kumakatok. Hinang-hina na ang pakiramdam ko. Dala ata ng matinding gutom na nararanasan ko ilang araw na. "Ate?"nagdedileryo na ata ako kung sino-sino na ang nakikita ko. Pinilig ko ang ulo kong nag-umpisa ng mamanhid dala ng matinding gutom,kahit ilang balde ata ng tubig ang inumin ko hindi pa rin naiibsan yong gutom na naramdaman ko! Kinurap-kurap ko ulit ang mga mata ko baka namamalikmata lang ako,imposible atang si Ate to. Pero kahit anong kurap ang gawin ko,hindi pa rin nagbabago ang imaheng nakikita ko,si Ate Sheenna talaga. Si Ate nga! Parang nawala lahat ang naramdaman ko ng masigurong si Ate Sheenna nga ang nasa labas! Dali-dali kung binuksan ang pinto para makapasok siya. "Ate!?"punong-puno ng sigla na wika ko,kahit ang totoo hinang-hina na ako dala ng matinding gutom na dinaranas ko ngayon! Hindi siya sumagot basta pumasok lang siya agad. "Bat ang dilim Shaira?"mahinang tanong niya. Palinga-linga siya sa paligid, kahit halos wala naman siyang makita. Tanging liwanag lang kasi mula sa poste sa labas ang tumatanglaw sa amin. "Sorry ate,naputulan kasi ng kuryente."mahinang sagot ko,ni pambili nga ng pagkain wala ako pambayad ng kuryente pa kaya. Umupo siya sa sofa na nandoon,ng tingnan ko siya bakas sa mukha niya ang pagod. Nakakapanibago yong aura ni Ate ngayon,first time ko siyang nakitang pumunta dito ng ganito siya. Nasanay na kasi akong palaging siyang galit kapag pumupunta dito. "Ok ka lang Ate?"alam kong may mali sa kanya! Hindi na naman siya sumagot. Basta nakatingin lang siya sa akin na parang nakatulala na. Ano kayang nangyari kay Ate? Nagdadalawang isip ako kung tatabi ako sa kanya sa pag-upo. Namiss ko si Ate,namiss ko yong Ate ko kahit naman pinabayaan niya lang ako dati. Maraming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko,marami akong gustong itanong sa kanya! Mga tanong na kailangan ng kasagutan! "Umupo ka Shaira."narinig kong wika niya. Tumango ako saka umupo na sa tabi niya! Magkatabi na kaming nakaupo ngayon,gustong-gusto kong yakapin siya. Namiss ko talaga yong Ate ko! "Ate,may itatanong ako,Ikaw ba-- Ikaw ba ang nagligtas sa akin mula sa sunog na nangyari sa ating bahay?"deritsang tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Nang tingnan ko siya wala akong makitang kahit anong emosyon sa mukha niya. "Sinong nagsabi nyan sayo?"malamig na tanong niya. Blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Kung sasabihin kung si Ethan magtataka siya. Magtataka siya kong paano naikwento sa akin ni Ethan ang bagay na yon gayong sa pagkakaalam niya di naman kami nagkasama ni Ethan!Ayoko na sanang malaman niya na minsan akong sumama kay Ethan. Pano na? "Si Ethan lang ang sinabihan ko niyan wala ng iba. Ibig sabihin nagkasama kayong dalawa?"this time may nahimigan na akong galit sa boses ni Ate. Galit ata siya dahil baka naisip niyang aagawin ko si Ethan mula sa kanya,which is totoo naman talaga. Kaso nagbago lang yon ng malaman ko ang tunay na kulay ng isang Ethan Wade! Natahimik ako sa sinabi niya. Aamin na ba ako? O magsisisnungaling? Grabe anong sasabihin ko. Anong pwede kong sabihin na hindi malalantad ang nangyari sa akin sa mga kamay ni Ethan! "Bakit natahimik ka? Bakit mo hinayaan na makalapit siya sayo?"ramdam ko ang panunumbat sa boses ni Ate!"Bakit Shai? Bakit mo siya hinayaang makalapit siya sayo!" Napailing na lang ako. Hindi ko naman talaga sinasadya yon. Ito ata yong karma ko dahil sa masama kong plano kay Ate. Kinarma na ata ako dahil sa plano kong pag-akit kay Ethan! Para makaganti kay Ate! "Magsalita ka Shaira?" "Im sorry Ate"nakayukong wika ko. Wala na akong ibang maisip na pwedeng sabihin sa kanya. Inaamin ko nagkamali talaga ako ng nagdesisyon akong akitin si Ethan! "Sumama ka sa kanya?"hindi makapaniwalang tanong ni Ate. Tango lang ang naging sagot ko! "Damn it,that bastard!"nagulat ako ng marinig ang galit na galit na boses ni Ate. Napayuko na lang ako,nagalit na naman sa akin si Ate,palagi ko na lang siyang ginagalit. Wala na ata akong ibang ginawa kundi ang galitin si Ate Sheenna. "I'm sorry Ate,"lakas loob na wika ko kahit ang lakas-lakas na ng t***k ng puso ko. "Alam mo ba kung bakit hindi ako umuuwi dito?"maya-maya narinig kong wika niya. "Dahil galit ka sa akin?"diretsang wika ko. Yon lang naman ang naisip kong dahilan,galit siya sa akin palagi kaya hindi siya umuuwi dito dahil ayaw niya akong makasama. Kung dumadalaw naman siya dito,badmood lang siya sa akin parati gayong wala naman akong ginagawang masama sa kanya! " Tama ka galit ako sayo,kaya kailangan mo ding magalit sa akin! Yon ang gusto kong isipin mo!" "Isipin? Bakit?"nagtataka na talaga ako sa mga pinagsasabi ni Ate. "Lumalayo na nga ako sayo diba?"naiiritang wika ni Ate. Ano ba kasing pinupunto niya! Diko magets ee. "Hindi ko nga maintindihan Ate?" " Lumalayo ako sayo dahil kay Ethan! Ayaw kung mapalapit ka sa kanya! Mapanganib siya Shaira,kaya lumalayo ako sayo,kahit ang totoo gustong-gusto kitang makasama." Natahimik ako sa sinabi ni Ate,gusto niya akong makasama? Totoo ba ang naririnig ko? Gusto akong makasama ni Ate. Parang nag-echo sa pandinig ko ang huling salitang binitiwan ni Ate,gusto niya pala akong makasama. "Pinagbawalan ko siyang lapitan ka Shai,hindi siya normal may isang bagay siyang kinahihiligan,at ayokong madamay ka." "Alam ko na Ate isa siyang s*x addict."mahinang wika ko. "Damn Shaira paano mo nalaman yan? That asshole!!!"halos sumabog na si Ate sa galit. Halatang nanggigil na ito! " I told him to spare you,that bastard! Ginawa ko na ang lahat ng gusto niya para di ka na niya idamay! And this is it,nakalapit pa rin siya sayo!" "Ate? Hindi ko maintindihan" "Makinig ka Shaira,nagkaroon ka ng memory loss,yong alaala na kasama mo ako,nakalimutan mo,hindi ko alam kung bakit,pero sabi ng doktor dahil daw yon sa sobrang taas ng lagnat mo na kung naagapan sana agad,hindi sana naapektuhan ang utak mo. Kaso nga wala akong pera,wala pa akong trabaho noon. Hanggang sa makita ako ni Ethan,sa hospital,akala ko blessing siya. Noong una blessing talaga siya. Pero kalaunan unti-unting lumabas ang halimaw sa kanya,he offered me help,na dahil sa kagipitan ay agad ko namang tinanggap not knowing na merong kakaiba sa kanya." "Ate?" "Pumayag ako sa lahat ng gusto niya,kapalit ng pera,para matustusan ang lahat ng pangangailangan natin. Pero sa pagdaan ng panahon,I sensed something,nagsasawa na siya sa akin. Doon ako nakadama ng takot ng makita ka niya,I can sensed na intresado siya sayo. Kaya ginawa ko lahat ng paraan para mailayo ka sa kanya. Ayokong maranasan mo ang mga dinanas ko. Kaya pilit kong nilalayo sayo ang sarili ko,para mailayo ka lang kay Ethan. Hes not well,malala na ang lalaking yon! Bata ka pa,Shaira marami pa akong pangarap sayo. Im sorry kong dahil sa kagustuhan kong mailayo kita kay Ethan,napabayaan kita! Im sorry,Im sorry Shaira!" "Im sorry din Ate hindi ko alam," "Anong nangyari? Saan ka niya dinala?" "Sa kasal ng kaibigan niya." "Wala ba siyang ginawang masama sayo?" Ito na sasabihin ko ba dapat? Dapat ko bang sabihin sa kanya na muntik na akong mapahamak sa mga kamay ni Ethan doon sa pool,mabuti na lang dumating ang mga kaibigan niya. Kung hindi,baka tuluyan na akong nakuha ni Ethan. Saka iniofferehan din ako ni Ethan na maging partner niya. Hay ano na,ayokong mas lalong mag-alala si Ate. Ayoko nang dagdagan pa ang mga isipin niya. "s**t Shaira magsalita ka!"malakas na wika ni Ate,na mas lalong nagpakaba sa akin! "Wala ate,walang nangyari!"tama,kailangan kong magsinungaling kung ano man ang nangyari sa aming dalawa ni Ethan sa akin na lang yon! Saka lang siya parang nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanya. Ayaw ko sanang magsinungaling pero natatakot ako sa posibleng gawin ni Ate. "Please Shai stay away from Ethan,hindi ka pwedeng mapalapit sa kanya. Alam kong gusto mo siya since then pero nalaman ko ang darkest secret niya kaya,hindi siya bagay sayo Shai,gagamitin ka lang niya gaya ng ginawa niya sa akin,oo binibigyan niya ako ng pera dahil sa pera niya kaya patuloy tayong nabubuhay noon. Tiniis ko ang lahat Shai,tiniis ko kahit nasasaktan na ako. Naging masama ako,o mas tamang sabihing naging mautak." "Ate. Im sorry kung nagalit ako sayo." "No Shai sinadya kung magalit ka sa akin,noon pa man alam kung mas mahal ka nina Mommy at Daddy kaysa sa akin nasaktan ako,naiinggit ako sayo. Pero kahit ganon,hindi kita pinabayaan." "Sinong tumulong sa atin noong naospital ako?" "Naalala mo na?" "Napaginipan ko!" "Hindi yon panaginip,totoo yon,hindi mo na dapat malaman pa yon Shai." "Sabihin mo sa akin ate anong ginawa mo?" Nakayuko siya,alam ko umiiyak siya. Pero bakit? "Ate?" " Isang matandang head doctor ang nag-alok sa akin ng tulong kapalit ng--kapalit ng katawan ko---"at tuluyan na siyang napahagulhol."Pumayag ako Shai,dahil wala ng ibang paraan para magamot ka sa Hospital na yon. Pagkatapos akong matulungan ng head Doctor,nakita ako ni Ethan na tulala sa isang tabi,hindi ko na alam kung bakit siya nandoon at nag-offer siya sa akin ng tulong" Napaiyak na din ako sa nalaman. Ginawa ni Ate yon para sa akin? Ginawa ni Ate ang isang nakakadiring bagay para lang mailigtas ako. Halos itaya na ni Ate ang buhay niya para sa akin and yet,nagawa ko pang magalit sa kanya. Hindi ko naman alam ee,kung alam ko lang ang lahat baka hindi naging ganito kakomplikado ang lahat ngayon! "Im sorry Ate"sabi ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. "Its ok Shai,lahat gagawin ko para sayo. Masaya na ako dahil kahit papano may naalala ka na." "Si Ethan ate?" "Nagwork ako sa Company niya nagustuhan niya ako at nag offer siya ng tulong,financial help para sa pag-aaral mo at pantustos sa mga pangangailangan natin since nasunog ang bahay natin. Please Shai mangako ka sa akin,layuan mo sI Ethan." "Saan ka galing ate?" " Ayaw ko na kay Ethan,pagod na pagod na akong magpagamit sa kanya," "Anong balak mo Ate?" "Lalayo tayo,Shai!" Makakalayo ba talaga kami? With Ethan's connection. "Hindi natin matatakasan si Ethan,Ate!" "Matatakasan natin siya,wag kang magpapadala sa matatamis na salita niya,masasaktan ka lang Shai,lalayo tayo dito sapat na ang naipon ko para makalayo tayo." "Ikaw ang bahala Ate. Sasama ako sayo kahit saan. Kahit anong hirap pa ang dadanasin ko basta kasama kita. Ok na ako doon!" Niyakap niya ako ng mahigpit,"Ilalayo kita Shai,hindi ako makakapayag na dadanasin mo ang dinanas ko,sa kamay ni Ethan." "Sasama ako sayo Ate," "Salamat Shai,ilalayo kita saka mo ipagpapatuloy ang pag-aaral mo ha." Nagyakap kaming magkapatid,masaya na ako dahil sa makakasama ko na din si Ate sa wakas. Miss na miss ko na siya sa mahabang panahon tiniis namin ang isat-isa dahil lang sa isang pangyayari na pareho kaming naipit na dalawa! Akala ko galit siya sa akin yon pala may dahilan ang lahat. "I love you Ate."madamdaming wika ko. "Mahal na mahal kita Shai,handa akong gawin ang lahat malayo ka lang sa kapahamakan." "I'm sorry Ate,sorry sa lahat! At ngayon nakuha ko na ang atensyon ni Ethan,hindi ko alam Ate na may dahilan ang lahat." "Tama na Shai,ang totoo nyan wala ka na naman talagang utang kay Aling Martina,binayaran ko lahat pinapalabas ko lang na wala na akong pakialam sayo para tuluyan ka ng lumayo sa akin. Para mailayo kita kay Ethan Pero nakalapit pa rin siya sayo,"saka tuluyan na siyang napaiyak, "Kasalanan ko lahat to! Kasalanan ko! Kung di sana kita iniwan sana nabantayan kita ng maigi." "Tama na ate."marahang wika ko sa kanya sabay yakap. Nag-iyakan kaming dalawa na parang mga ewan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD