HINDI naman nagpahuli si Axriel sa pagbili ng mga kakailanganin ni Yiesha sa kaniyang pagbubuntis at ng mga iba’t-ibang klase ng vitamins. Gustuhin niya man na bumalik ito sa kanilang bahay, subalit ayaw niyang pilitin ito. Alam niya na hindi pa rin hunuhupa ang galit ng asawa para sa kaniya, at handa niya naman itong paghirapan upang kunon ulit ang loob niya. Mas masarap ipagdiwang kung mayroon siyang ginawa kesa naman ay maghintay lang sa wala at hindi sigurado kung may hihintayin ba siya. Ilang linggo na ang nakalipas magmula no’ng pumunta sila sa obstetrician. Kinabukasan no’n ay walang tigil na sa pagkain si Yiesha at minsan nga ay nagagalit pa ito kapag hindi niya nakain kung ano ang kaniyang gusto. Hindi naman hinahayaan ni Axriel na hindi masunod ang kagustuhan ni Yiesha kaya kah

