Sa gitna ng pag-uusap nila ay biglang sumingit naman sa kanilang usapan si Greige na nagmamadaling bumababa ng hagdan. Naglakad ito sa gawi ng dalawang lalaki habang nakatingjn kay Axriel. "Pinapapunta ka ng asawa mo. Ewan ko ba r'yan! Palagi kang pinapapunta sa itaas pero kapag nakita kana niya, daig pa ang isang dragon na bagong gising—kulang na lang may lumabas na apoy sa kaniya bibig!" kamot-ulo na wika ni Greige sabay sumalampak ng upo sa mahabang sofa. "Ganiyan talaga 'yan, Greige," pagsingit na wika ng ina ni Yiesha at napatingin naman sa kaniya si Greige. "Talaga po ba, Tita? Kasi no'ng ipinagbubuntis ni Mama 'yong kapatid ko, hindi naman ganiyan kainitin ang ulo niya," nagtatakang usal ni Greige. "Ganiyan 'yan kasi si Axriel talaga 'yong pinaglilihian niya. Kaya nga 'di ba—

