HUMAHANGOS na tumakbo ang ina ni Yiesha patungo sa kinaroroonan ng anak. Nakatanggap siya ng tawag na naroon sa ospital ang anak kaya walang anomalya niya itong agad na pinuntahan. Sinilip niya ang bawat silid at hinawi ang mga kurtina upang tignan kung nandoon ba ang anak. Nang makita niyang walang tao ang bawat kama ay patuloy pa rin siya sa paghawi ng mga kurtina. “I’m sorry!” hinging paumanhin niya makita niya na ibang tao ang nakaratay sa kama. Naglakad siya patungo sa panghuling kurtina at agad itong hinawi. Nagulat ito nang mismong pagmumukha ni Mr. Serra-Ty ang ang una niyang nakita at nakatayo sa tabi ng mahimbing na natutulog na si Yiesha. “Someone I know told me about your daughter so I immediately came here,” wika nito na halatang kakagaling pa ito ng bahay dahil sa simpl

