LUMIPAS ang ilang linggo magmula no'ng pangyayaring iyon. Tuluyan na rin nakabawi si Yiesha sa traumang sinapit niya at bumalik na sa normal ang kaniyang bawat kilos. Hindi hinayaan ni Gio na makawala basta-basta ang tatlong lalaki na siyang gustong dukutin si Yiesha. Sa tulong din ni Axriel, mananatili sa kulungan ang tatlong lalaki sa loob ng limang taon. Para kay Axriel ay hindi niya mapapatawad ang tatlo sa kanilang ginawa. Lalo na't ang babaeng gusto nilang dukutin ay si Yiesha na siyang magiging asawa niya. Kahit na wala siyang nararamdaman para rito, obligado pa rin siya na protektahan ang dalaga dahil iyon ang nararapat. Wala sa sarili namang gumuhit si Yiesha sa kaniyang notebook habang nakatingin sa kawalan. Hindi nito napansin na kanina pa nagmamasid sa kaniya sina Greige at

