AXRIEL was talking with someone tungkol sa monthly report sales ng mga produkto nila, nang nakarinig siya ng ilang pares ng mga paa ang naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya. Upang malaman kung sino ang mga iyon ay pasimple siyang lumingon sa kaniyang likuran. Nakita niya ang ama at may kasama ito na nanatili lamang sa kaniyang likuran, na siyang naging dahilan kung bakit siya ay natigilan nang magtama ang kanilang mga mata. “Dad,” he uttered. Nilingon niya muli ang lalaki at sinenyasan ito na umalis na. “Email it to me.” Tumango ang lalaki, “Yes, Sir!” Sa kabila ng pagkabigla ay nagawa pa rin niya na umakto ng normal sa harapan ng ama. Wala dapat siyang ikabahala dahil alam niya naman na nasa kaniya na ang lahat at hindi na ito mababawi pa sa ilalim ng kaniyang pangangalaga. Nap

