Nagising si Yiesha dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkaginaw. Doon niya lamang napagtanto na kalahati lang pala ng kaniyang katawan ang natatabunan ng comforter. Napakapkap siya sa kaniyang tabi at nakaramdam naman kaagad siya ng lungkot, na tanging comforter lamang ang kaniyang nahawakan at doon niya napagtanto na wala pala siyang kasama. “Maybe, it was just a dream…” aniya sa sarili sabay tingin sa kisame. Ang kanina’y pagod na kaniyang naramdaman ay biglang naglaho dahil sa haba ng kaniyang tulog. Tinignan niya ang orasan at pasado alas onse na pala ng gabi. Iginala niya ang kaniyang paningin sa buong silid at nagbabasakali na baka nakaupo lamang sa sofa si Axriel. Pero mas lalong bumigat lamang ang kaniyang pakiramdam nang ni anino man lang nito ay hindi niya nakita. Matapos an

