"Alam mo ba na absent si Niella?" biglang usal ni Greige sabay lingon kay Yiesha upang makita ang reaksyon nito. Napatigil si Yiesha sa ginagawa niya at napatungo. Biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso dahil may biglang sumagi sa kaniyang isipan. Parang sumakit ang kaniyang leeg at hindi niya magawang lingunin si Greige kasabay nito ang biglang paglamig ng kaniyang mga kamay. "Hey," pagtawag ni Greige sa atensyon nito. "Are you okay?" "H-ha?" nauutal na usal ni Yiesha at binalingan niya ng tingin si Greige. "M-may sinasabi ka?" Bahagyang kumunot ang noo ni Greige dahil sa ekspresyong ipinapakita ni Yiesha. Alam niya na may bumabagabag sa isipan nito kahit hindi man nito sabihin. "Nothing. Gusto ko lang siguraduhin kung ayaw mo ba talaga na um-order," pagbawi niya sa kaniyang

