GUMISING sa diwa ni Yiesha ang sinag ng araw na nanggagaling sa labas. Makapal na kurtina ang nakatabon sa bintana pero nagawa pa rin makapasok ng liwanag dahil sa kaunting siwang. Tumingin siya sa side table kung saan naroon ang digital clock. “10 o’clock,” sambit niya sa sarili sa isang dismayadong tono. “I’m late. Argh!” Napahawak siya sa kaniyang ulo at minasahe ito. Ramdam niya ang nanghihina niyang katawan dahil sa masyadong mahaba ang oras ng kaniyang pagtulog. Kinuha niya ang remote ng ac at hininaan niya ang temperatura. Pagkatapos nito ay napatingin siya sa kaniyang tabi at mabigat na bumuntong hininga. Walang bakas na humiga roon si Axriel kaya mas lalong bumigat ang kaniyang pakiramdam dahil naaalala niya kung paano niya hintayin kagabi ang asawa. Bilang asawa ay hindi siy

