NAGKAGULO ang lahat sa mansyon ng pamilyang Serra-Ty. Nakapaskil sa pagmumukha ng bawat isa ang isang masayang ngiti na may halong pagkasabik. Malaki na ang tiyan ni Yiesha at araw na lang ang kanilang hinihintay upang tuluyan na siyang manganak. Ito ang araw na naisipan nila na gawin ang gender reveal na siyang dapat matagal nang ginawa. Dahil sa kagustuhan ng mga magulang nila na ipagpaliban na muna ito at gawin sa parehong buwan na kaniyang kabuwanan para mas lalo silang masabik. Nakasuot ng puting damit si Yiesha at ganoon din si Axriel na may malaking ngiti sa kanilang mga labi na parehong hindi na makapaghintay sa kung anong mangyayari ngayong araw. Sa loob ng maraming buwan ay hindi na mabilang ni Yiesha kung ilang beses niyang pinahirapan si Axriel. Pero sa kabila ng mga ginawa n

