Matapos iyon sabihin ni Niella ay tumalikod na ito sabay lakad papuntang pintuan. Nakatingin lamang sa papalayong likod ni Niella si Axriel na walang planong pigilan ito. Hanggang sa tuluyan nang makalabas ng silid si Niella ay nasa ganoong posisyon pa rin si Axriel. Hanggang sa napayuko ito at napahawak ang kaniyang kamay sa dulo ng kaniyang mesa. Kasabay naman nito ang pagbuhos ng malalaking butil ng kaniyang luha. Kumikirot ang kaniyang puso habang inaalala ang pagmumukha ni Niella kung saan punong-puno ng kalungkutan. Napahigpit ang kaniyang hawak sa mesa upang pigilan ang sarili na isigaw ang sakit na kaniyang dinaramdam. "I'm sorry. I'm sorry. I'm really sorry...." Paulit-ulit niyang usal hanggang sa napaluhod siya sa sahig. Mahal niya ang asawa pero nasasaktan siya habang naaa

