“What’s gotten into you? I didn’t expect that you’d actually ask me to go on a date?” Yiesha asked as she stepped out of the car. “I just feel like, we should know each other,” he answered and close the door. Hindi alam ni Yiesha kung ano ang kaniyang sasabihin dahil kanina pa siya nangangapa ng salita habang nasa biyahe sila. Pagkatapos siyang ayain ni Axriel na makipag-date, walang humpay naman ang ginawang pagpitik ng puso ni Yiesha sa napaka-abnormal na bilis. Inaamin niya sa kaniyang sarili na talagang guwapo nga si Axriel kaya naiintindihan niya kung ganoon na lamang kung makapag-react ang kaniyang puso. Sa parehong pagkakataon ay nakaramdam siya ng kilig at kaba. Napapansin naman niya na todo alaga si Axriel sa kaniya ngayon. Habang papasok sila sa restaurant, nakasuporta nam

