Agad na napaangat ng tingin si Axriel nang may pares na sandal ang huminto sa kaniyang harapan. Bahagya siyang nagulat nang makitang si Yiesha pala ito. Subalit, hindi maaaring ipakita niya sa dalaga na nagulat siya sa kaniyang presensiya kaya umakto siyang normal. “Sorry to keep you waiting,” agad na hinging paumanhin ni Yiesha na may isang nag-aaalalang tingin sa kaniyang mga mata. “No, it’s okay. Masyado lang talaga akong maaga,” Axriel casually said na siyang hindi naman inasahan ni Yiesha. Nasanay siya na sa tuwing nakikipag-usap ito sa kaniya ay may kung anong gap sa gitna nilang dalawa na kahit sino ay hindi tatangkain na lumagpas. Hindi ito sng unang pagkakataon na silang dalawa lamang ang magkasama na aalis, pero ito ang unang pagkakataon na susunduin siya nito rito mismo sa

