YIESHA was sitting in the wheelchair while Axriel and his mother was inside the doctor’s office. Tanging silang dalawa lamang ni Greige ang nasa loob at hinihintay ang dalawa. Walang ibang tao sa hallway kundi silang dalawa lamang. Nasa kabilang building sila kung saan malayo kung saan naka-confine ang mga pasyente kaya nakakasiguro sila na hindi sila mahahawaan ng kahit anumang sakit galing sa mga taong may sakit. “While you’re in the x-ray room, narinig ko na nandito raw ang kapatid ni Axriel,” usal ni Greige rito nang balingan niya ang kaibigan. Kumunot ang noo ni Yiesha, “Kapatid? I never heard that he has a brother. Baka, namali ka lang ng dinig? Hindi ko rin kasi narinig mula kina Mom na may kapatid si Axriel.” Gumuhit ang gulat na ekspresyon sa pagmumukha ni Greige. “Talaga? But

