Nakakain na’t lahat pero hindi parin lumalabas ang mga lalaki sa loob ng library. Naipon ang mga ito sa loob dahil pumasok din uli ang mga magpipinsang lalaki kanina at silang mga babae ay naiwan sa labas. Kinakabahan parin sya pero inaassure naman sya ng mga kasama nya na magiging okey din ang lahat. At iyon nga inulit na namang ipinakwento sa kanya kung papano sila nagkakilala ni Renzo or should we say na Abcde pala. Dapat pala sana magiging kuya nya ito. Kasi ang tawag nya talaga kay Abcde ay kuya. Palagi kasi itong kwenekwento ni mami ganda sa kanya noon at magpahanggang ngayon. Masaya sya dahil nakikita nya ang malaking pagbabago kay Mami Althea. Mas nagniningning na ang mga kislap ng mga mata nito. Wala na iyong lungkot na nakabalot doon. Tanda nga nya ang sinabi ni tita Ella kanina.

