DEWEI POV Pagkasundo samin ni Sir at pagkadating namin sa orphanage, ang daming batang sumalubong agad samin. Hindi naman maalis sa bibig ko ang mga ngiti habang pinamamahagi namin sa kanila yung mga stuff toys at iba’t ibang gamit na idinonate sa kanila. “Jeon, pwede pakikuha nung mga ibang kahon sa sasakyan?” pakiusap ni Sir “Okay sir” agad namang tugon ni Jeon “Samahan na kita” agad ding sabi ni Mark habang nasunod kay Jeon, hindi naman maalis ang tanaw ni Kaerel sa kanilang dalawa habang papalayo. “Baka gusto mo din sumunod?” pang aasar ko sa kanya, inirapan nya naman ako habang patuloy na nagbibigay ng ibang stuff toys. “Ano? Any good news na nangyari sa inyo ni Jeon kagabi sa kwarto?” asar ko ulit sa kanya. “Nag pa swap ka na naman ba ng utak sa aso?” sabi nya sakin kaya me

