Kinabukasan, pinatawag ni sir kaming apat nila Mark, Dewei at Jeon sa office tungkol dun sa gaganaping cooking contest. “Asan si Jeon?” Bungad na tanong sakin ni sir, hindi naman agad ako nakasagot sa kanya kasi nabigla ako dun sa tanong nya. “Bakit hindi nyo kasama si Jeon?” tanong ulit samin ni sir habang naupo kaming tatlo. “Sir hindi ko po alam kung asan si Jeon eh, kanina ko pa po sya tinatawagan, nag riring lang kaso hindi naman nasagot, tapos kanina sumaglit ako dun sa bahay nila wala naman tao nakalock yung gate” sagot naman ni Dewei, bigla naman ako kinabahan, kahapon pa sya mukhang may problemang dinadala, hindi na nga sya nagpahatid sa bahay nila eh. “Absent din sya kanina sa Special Test” sabi ni Sir “Huh? Luh? Eh matagal na nya hinihintay yung special test na yun sa

