Kab 10

2616 Words
Namumugto ang mga mata ko habang tinitingnan ko ang kabuuan ko sa squared mirror sa CR ng aking kwarto. Katapat lang nito ang bathtub na minsan ko pa lang nagagamit ngunit sa araw na ito napagdesisyon ko na gamitin ulit iyon. Nagtanggal ako ng damit at umapak na sa tub. Maligamgam ang tubig at nakakaliyo ang sabong nakahalo rito. Sa tagal kong nagdrama kagabi, para ako ngayong may hangover. I recall not having the strength to wipe my tears away, so I let my pillow catch them all. It was a tough night for us, considering the fact that I just went out with Hakim to continue our search for the father of Lianna Untalan's child. Tapos mangyayari pa 'yung ginawa ni Ate Dian. Nakatulugan ko nalang ang pag iyak. Nagpapasalamat nga ako't medyo magaan na rin ang pakiramdam ko pagkagising kahit na late akong nakabangon. At siguro rin, wala na akong maiiiyak pa. Lumusong ang isa kong paa sa bath tub kasunod ng isa pa. Ang init na dala ng maligamgam na tubig ang siyang nagpakislot sa aking dibdib. Hinilig ko ang aking likod sa haligi ng tub. Mula sa ibabang parte ng katawan ko paakyat sa aking leeg nanuot ang kaginhawaang sumukob sa akin. Hinayaan kong palayin ang kaisipan ko mula sa masalimuot na kaligiran nito. Bukas ang sliding window sa gilid at nang magmulat ako ng mata lumatag sa aking paningin ang struktura ng matatayog na puno at mga mabeberdeng dahon nito na siyang nagbibigay ng kapanatagan sa nakakatakot na anyo nito. Kasabay ng lag rumba ng mga dahon, umaawit din sa himpapawid ang mga ibong pipit. The tranquility of the azure sky was palpable. I'm curious how the sky feels as it stares down on people preparing for our evening engagement celebration in the mansion's garden. Natatakot akong sumilip ngunit nakakabagabag ang ingay ng mga kahoy, upuan, lamesa at tambutso ng mga sasakyan. Masasaya ang mga kasambahay, minsa'y halakhakan nila ang nagwawagi sa kilos ng mabining hangin. Manang Melba would raise her voice to remind them they're at work. Ate Maya would make a noise by tapping a piece of wood against another piece of wood. It reminded me of how much effort our housekeepers put in before the night of my birthday. Pakiramdam ko iyon ang kauna-unahang beses na nagkaroon ako ng identitidad sa publiko. A big night for me? I thought it will only remain to dwell in my dreams. Pagkatapos kong mag ayos at itext si Hakim, napagdesisyunan ko nang bumaba at dumiretso roon sa hardin. Kalat ang mga kasambahay tulad ng inaasahan ko. Senyor Manuel was also there, Manang Melba was beside him, keeping an eye on a group of young assistants who were erecting a tiny wooden platform in front of the garden. Lumapit ako at binati siya. Medyo nahihiya pa ako dahil mas nauna pa siyang pumarito kaysa sa akin. "Nag umagahan ka na ba, Ma'am Rio?" tanong ni Manang Melba matapos akong batiin pabalik ng senyor. "Hindi pa po. Siguro maya maya nalang po muna dahil gusto kong tumulong dito," Walang kaalam alam ang senyor sa nangyari kagabi. Mukhang hindi rin sinabi ni Manang Melba kaya laking pasalamat ko sakanya. Mahirap na rin kung may alam siya sa nangyari. Takot ako sa magiging reaksyon niya sa relasyon namin ni Ate Dian. Napasinghap ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Nakahanda na ang maliit na entablado at pinaliligiran ito ng mga bilugang mesa at upuan. May mga flower vase ding binababa mula sa isang pick up truck. Hindi ko alam kung bakit para akong nanlalamig habang pinapanood silang kumikilos. Maya't maya lang mapupuno na ang lugar na ito ng mga naglalakihang negosyante at mayayamang kakilala. At kaming dalawa ni Hakim ang sentro ng atensyon. Gusto ni Hakim na isapubliko ang lahat para matabunan ang mga artikulong kumalat tungkol sa kaniya. Hanggang ngayon wala pa rin kaming kaalam alam kung sino nga ba ang gumawa noon pero para sa amin ang mahalaga nalang ngayon ay ang totoong layunin namin. "Nabanggit nga ni Melba, hija, ang madalas mong pagtulong sa mansyon. Hindi ka ba inilalabas ni Hakim?" saad ng senyor. "Sanay na po kasi akong tumulong sa mga gawain sa bahay at marami naman po akong pinagkakaabalahan dito kaya hindi ako naiinip," Pinaglaruan ng matanda ang kaniyang kulay abong balbas. He's a tall old man with a dourly handsome, however when he's delighted by something he'll appear to be the friendliest guy you've encountered. Siguro noong kabataan niya'y mala Adonis din ang kaniyang tikas tulad ng kaniyang mga apo. "Mukhang kailangan niyo pa ni Hakim na lumabas labas lalo na't katuwang niyo na ang isa't isa ngayon," he snorted. For a brief moment, guilt consumed me like a wildfire. "Tingin ko rin po," "Dibale kapag tapos na siya sa pagligpit ng kaniyang kalat, mahaharap ka rin niya," "Sana nga po..." Hindi ko na pinahaba pa ang usapan namin. Naroon na ang takot kong baka kapag nautal ako, malalaman niya ang totoo. Mabuti nga't lumapit iyong mga lalaking helper doon para kausapin ang senyor tungkol sa mga gagamitin pang materyales doon ako nakahanap ng butas upang magpaalam sakanyang tutulong muna ako. Pinakawalan naman niya ako't hinayaan sa pagtulong. "Nasaan naman si Ate Maya, Jezel?" tanong ko kay Jezel noong sinamahaan ko siya sa isang kwarto sa mansyon na puno ng mga tela. Ako raw ang pipili ng tema. "Siya na ang nakatoka sa pagluluto ngayon, Miss," Beige at white na pili ang napili kong pagkokombinahing kulay para sa konsepto ng party. Mabuti na rin siguro iyon para hindi masakit sa mata. Wala talaga akong kaalam alam sa mga ganito at kung si Ate Dian ang nasa posisyon ko alam niya agad ang bagay at hindi bagay. Maganda siyang hingian ng tulong, ang problema lang galit siya sa akin. Siguro nga dahil busy ako, ni isang anino niya'y hindi ko pa nakikita. Kahit din si Juandro. Pero hindi ko naman inaasahan ang presensya nila rito ngayon. May kaniya kaniya silang buhay at pinagkakaabalahan. Napa face palm ako noong may biglang maalala. "Si Groot pala,' "Ay pinakain na ni Ian kanina, Miss. Ang alalahanin niyo na muna sa ngayon ay ang engagement party niyo," "Ganoon ba? Muntik ko nang makalimutan," "Si Sir Juandro pa nga po ang nag-utos eh," Bahagya akong natigilan at naalala ang galit na mukha ni Juandro. Pinanood naman niya ang reaksyon ko. "May problema po ba?" "W-Wala naman," ngumisi ako at sinabing bumalik na kami sa labas. Maraming magulong isipin ang namutawi sa akin ngunit sa huli inabala ko nalang ang sarili ko. We designed the tables with white fabric while the chairs were covered with beige fabric. Ang mga flower vase na may makukulay na rosas ay nilagay namin sangitna ng mga mesa. May space sa gitna para sa dancefloor. Ang entablado naman ay nilagyan ng kawayang haligi para pagsabitan ng mga baging at bulaklak. Mag aala una na noong matapos kami roon. Konting linis lang ng mga dumi handa na ang buong lugar para sa kaganapan mamayang gabi. Nananghalian akong mag isa. Nagpaalam ang senyor na may ichecheck sila sa lupain nila. Nasabi rin sa aking nasa kwarto si Ate Dian at ayaw magpa istorbo. Habang si Juandro ay hindi pa rin umuuwi. I was merely thankful for Jezel's presence, as it meant I wouldn't feel alone at all. Pagkatapos ko roon sinamahan niya rin akong magsukat ng mga evening gowns na galing pa yatang Maynila. Mga nasa sampu iyon. Iba't iba ang kulay at disenyo. Lima na ang nakalatag na sa kama ko habang ang iba'y ipapapasok palang sa kwarto ko. Jezel would assist me and make comments every time I walk out of the walk-in closet wearing a new gown. Lumipad sa kaniyang bibig ang dalawa niyang kamay nang lumabas ako suot suot ang panghuling gown. Mabilis na ang paghinga dahil sa pagod. Pero mukhang ayos naman na itong huling gown para suotin. "Bagay na bagay sa inyo, Miss! Tingnan niyo ang mestiza niyong tingnan! Perfect!" komento niya habang umiikot at tinitingnan ang kabuuan ko. Napalunok ako noong makita ko ang sarili ko sa salamin. "Hindi ba... masyadong revealing?" It was a glamorous fitted dress' corset-style top that is made with boning, deep V-neck, and a mixed sequin and beaded trim that outlines the off-shoulder straps and rest of the top. The skirt is made of the same sequin beaded fabric as the top, with an off-centric slit just below a perfectly placed plied hip detail. Nanlulumo ako dahil hindi ako sanay sa mga kasuotang ganito. Ang mahal mahal at hindi bagay sa akin. "Hindi naman masyado Miss, ah? Tamang tama nga lang sa inyo eh. At 'yan lang ata yung less revealing sa lahat ng gown. Naku, baka maglaway si Sir Hakim pag nakita kayo," biro niya. "Ano sa tingin mo? U... ito na ba ang isusuot ko para mamaya?" "Opinyon lang, Miss. Para sa akin 'yan nalang," Napabuntong hininga ako. "Wala kasi akong alam sa mga ganito," natatawa kong sabi. "Maganda 'yan, Miss! Litaw na litaw kulay ng balat niyo eh," Isa pang buntong-hininga ang ginawa ko bago sumang ayong iyon nalang ang isusuot ko. Inisip ko nalang na at least madadala ng ganda noon ang larawan ko sa media. Pangit naman kasi kapag chaka ang suot mo tapos kay Hakim Barrios ka tatabi. And honestly, I can take hate from my family but it it's from other people who don't know me, I can't. Siguro nasanay na rin ako sa pamilya ko sa mga nakaraang taon. Ang hate na 'yun laging pinapalitan ng pagmamahal sa akin ni Papa sa huli. At iniisip ko kung matanggap ko 'yun sa ibang tao, hindi naman nila iyon papalitan ng pagmamahal. Magdadapit hapon na noong makatanggap ako ng tawag galing kay Hakim. Nasa likod ako noon ng mansyon at pinapanood ang mga nagluluto ng mga kakainin para mamaya. Ate Maya was the one leading the cook. Sinamahan ko rin sila sa pagluluto at inako ang isang putaheng malapit nang maluto. Tinulak ko ang kahoy sa ilalim ng pugon para lumakas ang apoy no'n bago tanggapin ang tawag. "Hello, Hakim?" bati ko at medyo lumayo sa mga tao. "Hey, how are you? Is everything okay there?" "Uh oo naman. Kayo riyan? Musta yung plano niyo?" "How's your sister? Hindi ka na ba niya... inaway?" Nangunot ang noo ko nang may marinig na humalinghing sa background. Matagal bago ako nakasagot. Noong hindi ko na narinig pa uli iyon inisip kong baka guni guni ko lang. "Rio?" "Ah, nagkulong lang siya sa kwarto niya buong araw. Hindi ko siya nakita," He heaved a very very suspicious sigh. "Oh... buti naman kung ganun," "Ayos ka lang ba riyan, Hakim?" I asked, worried. "Oo naman!" he snorted. "Kasama mo si Mavy ngayon? Nasaan na kayo?" "Nasa kabilang kotse-" Akala ko ba yung Valkyrie lang gagamitin nila? "I mean nandito sa kotse. Natutulog," he chuckled. "Nasa... l-labas na kami noong... club..." Nagtataka nanaman ako dahil malakas naman ang signal tapos paputol putol boses niya. "Sige, kailangan na naming kumilos. See you later, love!" "Okay... mag iingat nalang kayo-" Mabilis na namatay ang linya kaya tiningnan ko pa ng dalawang beses ang cellphone ko. Ngumuso ako. Kikilos na raw sila. Sana magtagumpay yung plano. Pakiramdam ko kasi mapapahiya nanaman si Hakim ni Senyor Manuel. Hindi man sa harap ng publiko pero sa harap naman namin. Natanto kong mas sumisilakbo ang galit niya kapag tinatrato siyang ganon. I've noticed that he doesn't get along too much with his grandfather because he doesn't want to please him by doing what he says. Hakim clearly merely wants to live his life, but senyor has never thought it was the right thing for his grandson to do. Business-minded ang senyor kaya't hindi na siguro maaalis sa kanya ang isiping ang pagtatrabaho ang magtataguyod sa'yo pag ika'y nagkamuwang na. His prejudice had an impact on one of his grandchild, but not on the other. Doon ko nalaman ang pagkakaiba nina Juandro at Hakim sa isa't isa. Nanaig na ang kadiliman labas ngunit ang ingay ng mga nagsisidatingang tao ay hindi nagpatalo. Ipinanganak na akong nerbyosa pero sa pagkakataong ito mas triple triple pa yatang nerbyos ang nararamdaman ko. Both of my hands were sweaty. Tinitingnan ko ang mukha ko sa salamin ng aking tukador. Si Jezel ang nagmi-make up sa akin dahil may kasanayan na siya rito. Para nga lang siyang nagpipinta at alam niya ang kulay na susunod niyang ipapatong. She's very gentle too with the brushes. I'm kind of embarrassed that I don't have any ideas on this. Kung mag make up lang kasi ako, tuwing may event lang school. Partida pa't kaklase ko pa ang naglalagay. Wala rin akong sariling make up kit. Tatanda na ko't hindi ko pa rin alam mag make up. "Grabe! Ayan tapos na, Miss! Soft make up gaya ng sabi niyo. Ganda niyo tuloy!" Tumagal ang titig ko sa salamin, namamangha sa kung paano bumagay ang kolorete sa akin. Nakalugay ang itim at hanggang baywang kong buhok. Nahati iyon sa gitna at naka tuck sa likod ng aking mga tainga. My baby hairs were waxed and styled like waves on my forehead down to my temples. "Maraming salamat, Jezel!" I thanked her and stood up in front of the tall mirror to see a full view of me. Ilang sandali lang ay may humawak sa braso ko. It was Ate Maya. Mukhang kakaligo niya lang at handa ng magserve maya maya. "Uy! Ikaw talaga gumawa nito, Jezel?" My lips curled while watching her being mesmerized by my look for tonight. "Ako nga! Konting make up nga lang 'yan gandang ganda na ako kay Miss Rio. Paano pa kaya pag pumayag yan sa pang Miss Universe na make up?!" "Aba! Hindi mo sinabi sa akin na hanggang dyan pala aabot talent mo. 'Edi sana pala sa'yo ako nagpa make up noong prom namin dati. Wala tuloy akong date noon," I chuckled. "Ayos lang 'yan, Ate. Malay mo mamaya may magsayaw sa'yo," "Aasa nalang ako no? Dapat 'yung fafa na may Mercedes Benz!" "Baka naman uugod ugod na pala yung mahila mo, Te?" "'Edi noche malas!" Jezel and I cackled with laughter. All of the things that were waiting for me outside were overshadowed by our joy. Ngunit wala pa akong mas maisasaya pa nang makita ko ang magulang kong naghihintay sa pinto kasama si Manang Melba. "Papa!" Mabilis akong tumakbo palapit sakanya. He welcomed me with his arms wide open and I hugged him tightly while my eyes were closed. Papa laughed heartily. "My baby... my baby Rio..." "I miss you, Papa..." hindi mapigilan ng luha kong mangilid. No words can explain how happy I am right now in my father's arms. Kumalas kami sa yakap. His face brightened as his eyes softened. "I can't believe my baby's a grown woman now," Nahihiya akong natawa. Kahit ako'y hindi makapaniwalang nasa ganitong sitwasyon kami. Never in my wildest dreams did I see myself getting engaged so young. Hindi pa naman ako ikakasal pero sa tingin ng iba papunta na ako roon. Hindi ko lang mapigilang hindi isipin ang opinyon ko sa pagpapakasal. "Mabuti pala Pa at maaga kayong nakarating," Iniwan muna kami nina Manang Melba, Ate Maya at Jezel doon upang magkausap. Ilang minuto nalang yata at magsisimula na ang party. I wonder if Hakim's already here? "Hindi kami nagkaproblema sa daan. Mabuti na nga lang. I can't miss your special day, anak," Nahulog ang tingin ko sa mga kamay kong nasa ibabaw ng hita. When I looked up I noticed the worry in his eyes. "Rio, we can still-" Umiling ako at hinawakan ang kamay niya. "Pa, buo na po ang desisyon ko," "Pinal na ba talaga, hija?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD