Kab 11

2427 Words
Pikit mata akong tumango kay Papa dahil sa tanong niya. Besides, what would happen if I pulled back? Mas malala ang balik sa amin at nakakahiya pa sa mga Barrios. Senyor Manuel would surely focus his anger on us because we gave them such a bad show. Iniisip ko palang nanlalamig na ang tiyan ko. We have the power but Barrioses are more powerful. Sila ang kinakatakutan at hinahangaan. Babagsak ang sisira sakanila, mababaon ang dudungis sa apelyido nila. "Pinal na po, Papa," Nasa dulo na nang dila ko ang pagsasabi sakanga ng totoo na ginagawa lang namin ito ni Hakim dahil may benepisyo 'to sa aming pareho... na hanggang kaibigan o nakatatandang kapatid lang talaga ang turing ko kay Hakim at hindi pa rin nagbabago ang opinyon ko sa pagpapakasal. "Kung ganoon nga, masaya ako at natutunan mong magmahal kahit maikli palang ang panahong nagkakilala kayo," "Love at first sight..." I chuckled. Isa iyon sa sinabi ni Hakim sa akin na pwede kong irason kapag nakarinig ako ng kahit anong topic tungkol doon. Umismid si Papa. Mukhang nakornihan sa akin. "Come on give me a hug again," At nag usap lang kami buong minutong naroon kami sa kwarto. Marami nga siyang napuna roon. Pati mga gamit at maliliit na detalye ay nabibigyan niya ng komento. "Nasaan po pala si Mama?" tanong ko sa gitna ng pag tour ko sakanya sa kwarto ko. "She's with your Ate Dian," Tumango ako. Bahagyang nakaramdam ng kalungkutan. Papa immediately noticed. "I'm sorry," "Ayos lang po," hindi ko maitago ang pait sa boses kahit nakatatak na sa aking hindi ako kailanman magugustuhan ni Mama. Ramdam ko na 'yun mula noong magkamuwang ako. It's always different when it comes to Ate. Ang pangangalaga niya sakanya ay ibang iba sa pangangalaga niya sa akin. Minsan kong narinig ang kaniyang dahilan. But at that time, it seemed like a lie to me. I've never believed her reason. Noong tumatanda na ako, unti unti ko nang naiintindihang totoo nga iyon. I am the unwanted child of Davina dela Carcel. I feel bad for myself and for the people who don't really want me here. Kung may choice sana akong hindi mag exist gagawin ko para hindi na sila malagay sa sitwasyon na ito. Para hindi ko rin maramdamang wala akong lulugaran sa buhay nila. Minsan talaga dumadating ako sa puntong ito. Ngunit kahit ganoon nariyan parin si Papa. Hindi niya kailanman pinaramdam sa akin ang pagiging iba... ang pagiging unwanted child. He's always there and It's enough for me to go on. Ilang saglit pa kami roon bago kami pinatawag sa baba. Gadagat na tao ang sumalubong sa akin pababa palang kami ng grand staircase ni Papa. May naririnig akong malumanay na tugtog ng live instruments sa labas. Some people were in the living room, some were already in the garden. As a symbol of their riches and power, they're all dressed to the nines. Mama used to tell us that here is where we belong because we are different, that we had a better status, but as I watched them all walk by, they all seemed the same to me. Nakipagkamayan si Papa sa mga bumabati at nakakasalubong namin. Kahit sila'y tumatagal ang tingin sa akin. I am probably new to their eyes. Kadalasan kasing si Ate Dian ang sumasama sa mga business related ocassion. "Ito pala ang bunso mo, Ricardo?" pansin ng isang ginang. Nagpakilala siya bilang Lucia Joves. Sa tindig palang niya mahahalatang may kaya at maraming kaibigang naglalakihang negosyante rin. Ang kaniyang gown ay napupuno ng maliliit na perlas. Ganoon din ang mga suot niyang alahas, puro mga perlas. "This is Rionarra, Madame Lucia," "Magandang gabi po," bati ko pabalik noong makipagkamayan siya sa akin. "Aba, ngayon mo lang yata inexpose sa publiko," halakhak ng ginang. "Kamukhang kamukha niya si Davina. Dapat ang ganitong klaseng mukha ay hindi itinatago," My face boiled because of her compliments. "Tutok kasi sa pag aaral kaya ayaw kong maistorbo," "Beauty and brains pala ang bunso mo at magiging Barrios pa?" hindi siya makapaniwalang bumuntong hininga. "Nakuha ng anak mo ang pangarap ng bawat dalaga noon magpa hanggang ngayon," Ngumisi si Papa. "Ganoon pa rin naman ang tingin ko sa mga anak ko. Even the Barrioses would not be deserving of them," Hindi ko mapigilang mamangha at maantig sa sinabi ni Papa. He treasure us so much that he'd give everything just to protect us. Ganoon nga siguro ang tiwala ko sakanya kaya pumayag akong ipadala niya kami rito. Hindi iyon makita ni Ate Dian dahil nabulag siya ng galit at pagmamahal niya kay Vern Alejo. Dumiretso kami sa kinaroroonan ni Mama pagkatapos naming makawala sa ati ng ilang negosyante. Mataas ang impresyon nila ngayon kay Papa at kung hindi ako nagkakamali sa mga naririnig ko kanina, maraming nag aaya sakanyang makipag sosyo sa negosyo. He's beaming from ear to ear, and I get the impression that everything has already paid off. Kasama na ni Mama si Ate Dian at kakaalis lang noong dalawang babaeng kausap nila. Mama was in a lavishly embellished evening gown. The sleeveless bodice boasts a sheer low V-cut back with zipper closure, as well as a deep V-neckline and transparent panels. The gown flaunts into a trumpet shape skirt with a sweep train finale and is adorned with embellishments. "Magandang gabi po, Mama," aamba na sana ako ng yakap ngunit bumeso lang siya sa akin. Naka low bun siya at malayong malayo ang magandang mukha sa tunay na edad. She's glowing and Ate Dian was too. She's wearing a fascinating beaded dress with a mid-open back and a sleeveless, plunging halter V-neckline. The dress includes a full-length skirt with a high slit, sweep train finish, and fringes, as well as a back zipper closure. It was a perfect fit for her curves. Pinasadahan niya ng tingin ang damit ko pagkatapos ay tinaasan din ako ng kilay. Tipid akong ngumiti. "Ang ganda-" "Don't talk to me," she cut me off immediately while switching his attention to her nails. Inagaw ni Mama ang atensyon ko sa paghagod ng buhok ko. "Look at her, Ric. I've never been so wrong about her since the beginning," her bright face turned into a serious one. Hinawakan niya ang braso ko at bahagyang lumapit sa akin. Papa ordered her to stop, but I'd already heard what she said before he could even pull her away. "Pag napakawalan ka na, lalabas na ang tunay mong kulay," may diing bigkas niya dahilan kung bakit naglaho ang ngiti sa labi ko. Nilagay ako ni Papa sa likod niya at siyang kumausap ng masinsinan kay Mama. Her burning gaze remained on me but Papa blocked my sight of her. Hinawakan niya ang braso ni Mama. "Stop bringing your issues here, Davina. It's your daughter's engagement party. Can you at least give her your support as her mother?" Hindi kumibo si Mama ngunit ang intensidad sa mata nilang dalawa ay naglalaban. Mabuti nalang masyadong abala ang mga tao roon para mapansin ang nangyayari rito. Tinawag ko ang mga pangalan nila. Ate Dian was also whispering something to Mama. Kung hindi lang siguro sumulpot si Senyor Manuel, magbubulyawan na silang dalawa roon. "It's great to have the dela Carcels back in my mansion again. Complete and joyful!" Binitawan ni Papa ang braso ni Mama. His eyes softened when he realized what he did. But it's still obvious that Mama's still mad. "Senyor, magandang gabi," bati ni Papa at niyakap siya ng matanda. "Who would've thought, my boy," tinapik pa nito ang likod niya. Suot nanaman ng senyor ang pamilyar niyang kulay tsokolateng sombrero. Ang baton ay ang nag aalalay sa kaniyang paglalakad. Nakablack suit ito at ang itim rin ang pang ilalim na siyang turtle neck. He's certainly projecting a wealthy persona. "It's great to see you too. Looks like we all dressed up for this event," Maligaya ang pagbati nila sa isa't isa. Animong magkababata na kaytagal nahiwalay sa isa't isa at ngayon lang nagkita. "Gusto nga ni Hakim na ito ang magiging usap usapan sa publiko ngayong linggo," "Well, you provide them what they needed to talk about," Hindi ko alam na bubuksan din pala sa publiko ang bulwagan ng mansyon. Akala ko sa hardin lang ang main venue pero dinisenyuhan din pala ito para makita ng mga tao. Binati rin ni senyor si Mama at kinausap ito. Bumeso siya kay Ate Dian pagkatapos at pinuri ito. Noong sunod niya akong binati, nagbeso rin kami at pinuri ang hitsura ko ngayong gabi. "Who'd have guessed that the young and innocent-looking would dress in such a way?" maligaya ang tono ng senyor. "Talagang pasadong pasado ka sa apo ko," Ngumiti ako ngunit nangangalabit nanaman ang guilt sa kaibuturan ko. "Maraming salamat po, L-Lolo," gusto kong mapa face palm sa pagkaka utal ko ngunit wala naman siguro siyang napansin tungkol doon? Naglakad na kami patungong garden. Pero natatagalan lang kami dahil bawat tao yata ay kinakausap nila. I stretched my neck to look for Hakim's shadow. May hinahanap din akong mukha ngunit inisip kong baka hindi siya pupunta? Seems like partying is not his thing. Wala sa akin ang cellphone ko at hindi ko rin nacheck iyon dahil masyadong abala kanina. Nag alala na tuloy ako, baka hindi pa sila tapos doon ni Mavy at hindi siya makasipot. However, all my anxieties vanished when Hakim stood beside me. "Having a hard time conversing with all them proud-stomached?" tukoy niya sa lahat ng tao rito. He's sporting a Marcy Darcy herringbone three-piece suit that features opulent gold trims and a subtle heritage check. With a corresponding waistcoat and pocket square, attractive gold contrast lining, and the Marc Darcy seal of quality lapel pin, it creates a fashionable yet opulent slim-fit style. He also paired it with luxurious brown boots. Bagay na bagay iyon sakanya. Lalo na't maayos na nasuklay at nahati ang buhok niya sa anit. His fair skin complimented the dion blue color of his suit. "Anyway, love, you look so stunning tonight," Bahagyang lumagpas ang tingin ko sa likuran niya baka may kasama siya o ano, ngunit wala naman doon ang hinahanap ko. "Thank you. Ikaw rin, bagay sa'yo ang suit mo," "You think so? This one was chosen for me by someone," sumulyap siya sa harap ngunit binalik din ang tingin sa akin. "Oo, bagay mo nga," I assured him. "Musta pala ang plano niyo?" humina ang boses ko. "Well, the Alejo Prince is now with his new family," mayabang ang tono niya. Maluwag akong nakahinga sa narinig. Mabuti nalang. "Maya nalang natin pag usapan ang tungkol dito,"aniya at pasimpleng chineck ang paligid. "Alam mo na," I chuckled. "Oo nga naman..." May mga kinumusta rin si Hakim at pinakilala niya ako sa kanila isa isa. He told me that his friends were here too and that he'd introduce me again to them later. Noong makarating na kami nina Hakim at Senyor Manuel sa entablado hindi ko na mapigilan ang pamamamawis ng palad ko. Magkahawak kamay kami ni Hakim kaya napansin niya iyon. "Relax, love. No one will know..." mahina niyang sabi. Nakatayo kami sa harap ng maraming tao. Some of them were serious, happy, old, and young. Sina Mama at Papa at Ate Dian ay nakaupo sa pinakaharap. Nasa gilid sila Ate Maya, Jezel at iba pang katulong na nakauniporme at handa ng magserve. mamaya. Nalibot ko na yata ang bawat sulok ng venue ngunit hindi ko parin siya nakikita. Malalim akong bumuntong hininga at winasik ang nasa isip. Alam kong dapat akong magpokus sa imahe ko dahil iyon ang nakikita ng publiko. I grinned broadly, but I have no intention of ever having an eye to eye with one of them. Pakiramdam ko mababasa nila ako. "We're here in my place tonight, conversing, negotiating, and about to feast," si Senyor Manuel ang may hawak ng mikropono. "But I want you all to remember the main reason why I've invited you all to come over here... which is because my grandson, Emanhuel Hakim Barrios and the dela Carcel heiress, Rionarra dela Carcel, are announcing their engagement," Nagpalakpakan ang mga tao. My father's looking proud. Nagtawanan kami ni Hakim. Cameras flashed in front of us. This will be over by the end of the summer, I told myself. Marami pang sinabi ang senyor. Nagbalik tanaw siya sa nakaraan at inihalintulad ang pagpopo-prose niya noon sa kaniyang asawa sa kung anong nangyayari ngayon. He's good in narrating. Everyone's attention was with him. "And now, it's my grandson's turn to give this engagement ring to the love of his life..." May inabot si Manang Melba na maliit na box kay senyor at nang binuksan niya iyon, kuminang ang isang singsing na laman noon. Natigilan ako. Oo nga pala at kailangan ng engagement ring. 'Yun ba ang isusuot sa akin ni Hakim? Tinapik ng senyor ang braso ni Hakim at binigay iyon sakanya. "It's an heirloom engagement ring," Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko kahit pa maingay na ang mga tao dahil sa kilig at tuwa. Sumeryoso ang mukha ni Hakim noong makita niya ang reaksyon ko. Halos hindi ko maramdaman nang isuot niya sa akin iyon. Ngunit ang lamig ng metal ang siyang nagpagising sa akin. Napalunok ako. Guilt swept over me like a wave. Alam kong mali ito at hindi ko na yata matatanggap kung ang heirloom ring nila ay mapupunta sa akin dahil lang sa kasinungalingang ito. "Kiss! Kiss! Kiss!" biglang sigaw ng mga tao. Namilog ang mata ko at napatingin kay Hakim. Alam kong hindi niya gagawin iyon. Wala iyon sa usapan. "Kiss! Kiss! Kiss!" hindi paawa ang mga tao. Nakita ko si Papa na napabuntong-hininga nalang. Si Senyor Manuel ay nakikisali rin sa kantyawan at hinihintay ang gagawin ng apo. Nakakapressure ang lahat. Hakim's hand held mine. Nagkatinginan kami. Ang isang kamay niya ay iginaya ang pisngi ko palapit sa kaniyang mukha. "Just for the show," he whispered before putting his lips on mine. Umilaw ang mga kamera. Nagtilian ang mga tao. Hindi ako gumalaw. Animong naging mabilis ang lahat ng pangyayari. Kahit pa naramdaman ko ang pagbitaw ng labi ni Hakim sa akin ay hindi pa rin ako gumalaw. Nanatili ang mata ko kay Hakim. Hanggang sa lumagpas ang tingin ko sa kaniyang gilid. Sa medyo madilim na parte ng hardin, nakita ko ang mukha ni Juandro sa gilid, may bagsik sa kaniyang mata, nakaigting ang panga at mukhang handa ng manuntok. May lamang champagne glass ang isa niyang kamay habang ang isa'y nasa bulsa ng kaniyang slacks. Malayo siya sa entablado ngunit sigurado akong nakatingin siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD