Sapo sapo ng dalawang palad ko ang aking noo habang pasulong balik akong naglakad sa harap ni Hakim.
Nasa isang maliit at bakanteng hall kami sa kanilang mansyon. Kitang kita ko ang mga abalang tao sa bintana. They're too preoccupied with praising one another and flaunting their wealth in front of the cameras. Malayo ako roon kaya hindi nila ako makita mula sa labas.
"Pasensya na talaga, Hakim..." mabilis ang paghinga ko at sobrang nataranta pagkatapos ng maiksing pictorial namin kanina roon sa entablado.
Pagkatapos ng halik, wala na ako sa sarili. Papa got worried and almost dragged me out of there. Ngunit naunahan siya ni Hakim. Sobra akong nanginginig mabuti nalang naisipan niyang dalhin ako sa tahimik na hall na ito.
"H-Hindi ko kasi inaasahan na ganoon... na may... h-halik pala..."
Parang ang laki ng kasalanan ko. At dahil sa inasal ko kanina nag aalala ako baka may nakapansin... baka mapahamak pa kami at masiwalat ng maaga ang sikreto namin.
Mula sa pagkakasandal niya sa long table, nilapitan niya ako at hinawakan ang mga balikat ko. Natigilan ako sa paglalakad lakad at nag angat sakanya ng tingin.
"It's fine... I didn't expect that too," he scoffed, her brows were moving as if they're teasing me.
"Pasensya na talaga,"
"Come on, wala namang dapat pagpasensyahan,"
I clicked my tongue and cover my cheeks with my palms.
"Hindi ko kasi alam... at hindi rin ako marunong na ano... humalik,"
My face heated. Tumawa siya kaya mas lalo pang nag init ang pisngi ko.
"It's your first time, then."
"Uh oo,"
Kitang kita ko ang kaniyang pagkabalisa. "I'll be damned..."
Hindi ako makaramdam ng katuwaan. Pakiramdam ko talaga nagkasala ako at kailangan kong tubusin iyon. Pakiramdam ko may mga taong nagalit sa akin at hindi na ako mapapatawad pa. Dahil sa halik na iyon hindi ko na alam kung paano ako haharap mamaya ng parang walang nangyari o ng may ngiti sa labi.
It's really embarrassing to me though Hakim should be the one to feel this way because he kissed a girl like me. Ewan ko. Kung saan saan na ako nililipad ng utak ko.
"But it's just for the show, love!" natatawa niyang sabi. "Huwag kang mag alala kapag umalis na si Lolo, hindi na natin kailangang mag halikan,"
Kinagat ko ang labi ko.
"Atsaka smack lang naman 'yun. Para ngang hangin lang yung halik ko sa'yo eh. Did you feel it?"
Umiling ako. Sa sobrang kaba at gulat ko, parang naging mabilis lahat ng pangyayari.
"See? So stop worrying about it." pagpapakalma niya sa akin. "I knew I'm doomed the moment I kissed you pero hindi ko na muna iisipin 'yon sa ngayon," iling niya habang natatawa.
Tumango ako at hinawakan ang batok. Siguro nga dapat kong gayahin ang ginagawa niya. Ako pa yata magpapahiya sa sarili ko kapag ganito ako kakabado.
"Sa ngayon lumabas na muna tayo, mabuti pang puntahan natin ang mga kaibigan ko,"
"S-Sige,"
"Kalma lang,"
Tumikhim ako at halos manlamig pagkalabas na pagkalabas namin sa hall ni Hakim. Magka holding hands kami. Ang mga taong nakakasalubong ay binabati kami at kino-congratulate. May taga media ngang nakalusot sa security at nagtanong kung kailan ang date ng kasal namin.
Hakim was the one who answered them like a pro. Pro sa pagsisinungaling. Paniwalang paniwala 'yung taga media na ikakasal kami sa takdang panahon kahit pa walang spesipikong date na binanggit si Hakim. Marami pa siyang tanong ngunit kinaladkad na siya ng mga security.
Nag hire sila ng security para sa kapakanan din ng mga bisita. Alam kong malalaking tao ang mga darating, 'yung iba may mga natatanggap na death threat on daily basis at 'yung mga iba naman may inaalagaang privacy, kaya naiintindihan ko rin ang concern ni Senyor.
Sa garden, bawat mesang nadaraanan namin ay kino congratulate kami at minsa'y nagpapapicture pa. I tried my best to make my smile look natural. Tulad nga ng nasabi ko, pangit naman kung chaka ka at nasa tabi mo si Hakim Barrios. Tingnan ko lang kung hindi ako ma-bash ng mga nagkakandarapa sakanya.
Sa malayong tabi, nakita ko ang mga pamilyar na mukha ng mga kaibigan ni Hakim. May mga tall table para sa mga hindi nakakuha ng table na may upuan sa harap. Doon kami patungo ngayon. Pero habang papalapit kami lumikot ang mata ko at chineck ang buong paligid. Alam kong hindi dapat ako nagkakaganito. Alam kong hindi ko dapat siya hinahanap. Pero bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko?
"Congrats, bro!" agad nilapitan si Hakim ng mga kalalakihan at tinapik.
Pormadong pormado silang lahat. Akalain mong anak mayaman pala sila. They're way different when I first saw them. Para lang silang normal na taga probinsya. Inaasar pa nga nila si Hakim. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa ingay nila. Para lang silang magkakaklase at nataunang lunch time kaya ganoon kaingay.
Binati rin naman nila ako ngunit hindi lang ganoon kaingay sa kay Hakim. Siguro'y nahihiya rin sila sa akin tulad ko sakanila. Pero napansin kong kulang yata sila ngayon.
Nasaan 'yung si Agassi Bides?
"You took the 'whatever it takes' seriously, huh, H?"
Si Marietta iyon, naka long gown din siya at kurbang kurba ang katawan tulad ng kaniyang on fleek na kilay. She's wearing a champagne-colored gown that complimented her skin color. She looks so stunning and elegant.
Inabutan niya ako ng wine glass habang kausap si Hakim. Nag aalangan pa ako sa pagkuha ngunit ineexpect niyang tanggapin ko 'yun kaya sa huli kinuha ko rin.
"You know me, Marietta," ngisi ni Hakim at kinuha rin ang wine glass na inabot din ng isa sa mga barkada niyang lalaki.
Chineck ko sila isa isa. Hindi ko mapigilang punain ang pagiging absent ni Agassi Bides. Halata namang close na close sila ni Hakim noong pumunta kami sa Hilltop kasama nila. Kaya imposibleng hindi siya sisipot sa mahalagang araw na ito ng kaibigan niya? Kahit pa siguro kasinungalingan ang engagement party na ito, maiisip parin niyang mahalaga ito para kay Hakim, hindi ba?
"Ah, hindi sumama yung... si Agassi Bides?" naagaw ko ang atensyon nila.
Parang biglang sumama ang hangin at walang nakasagot sa akin. Binawi lang sa pagtawa ni Marietta ang namutawing katahimikan.
"You don't wanna mention bad words here, babe,"
Sinapawan agad siya ni Hakim. "Wala siyang alam. Anyway, do you drink, love?"
Bumaba ang tingin ko sa baso ng alak hindi ko pa natitikman. Hindi makapaniwalang natawa si Marietta at umirap sa kawalan tapos tinagay ang wine glass na hawak.
Nanuyo ang lalamunan ko. Mukhang may alam silang hindi ko dapat malaman kaya iniiwas ni Hakim ang usapan. Pero tanda ko ang sabi ni Marietta. Bad words daw? Si Agassi Bides ba ang tinutukoy niya roon? At bakit naman? Nagka away ba sila? Ngunit kung anuman ang dahilan, sa kanilang magkakaibigan lang nila 'yun gustong paikutin.
Nag aalinlangan ako sa pagsagot kay Hakim. Hindi ko pa kailanman nasusubukang uminom. Root beer lang yata ang pinakamalapit na natikman ko. Lasang toothbrush pa at hindi nakakalasing. Kaya nag aalangan ako rito. Hindi ko pa naman alam ang alcohol tolerance ko.
"Let her drink it, boy,"
"Hindi naman kailangan, Rio," ani Hakim na handa nang agawin ang baso ko.
Napepressure lang ako kay Marietta. Nanliliit ako sa mapanghusga niyang tingin. Parang alam niya lahat ng standards ng mga lalaki at hindi siya makapaniwalang pinatulan ni Hakim ang tulad kong hindi kailanman papasok sa standards na 'yon.
Tiim bagang kong ininom ang kulay dugong alak. Mariin akong napapikit nang gumuhit iyon sa lalamunan ko pababa sa aking tiyan.Naghiyawan ang mga kaibigan ni Hakim. Marietta just smirked and Hakim just shrugged. Umalis siya sa tabi ko at pumunta roon sa
"One more?" naghahamong alay ni Marietta sa isang shot glass na puno ng alak.
"You don't wanna take that, Rio," Hakim said teasingly at nagpaalam na may pupuntahan muna.
Tinutulak din ng mga iba pa niyang kaibigan ang lakas ng loob ko para kunin iyon. Sa huli, nilaklak ko iyon ng buong tapang. Hindi ko na naisip ang mga nakakakita sa akin. Or maybe it's one of the impact of alcohol to me? Muli silang nag hiyawan. Laglag ang panga ni Hakim nang makita ako.
Muntik na akong ma out of balance pagkapatong ko noong shot glass sa mesa. Mabuti nalang at inalalayan ako nina Marietta at Hakim. Wala ako sa sariling natawa.
"Pinainom mo!?" sa sobrang gulat ni Hakim parang nasa harap na niya ang kamatayan.
"Malayo naman sa bituka. She's a big girl,"
"s**t! Nasobrahan yata!"
Nilingon ko sila at bahagyang dumoble ang mga imahe nila sa mata ko pero nag adjust din naman iyon noong inalog ko ang ulo ko.
"You didn't inform me she's a first-timer,"
"Hindi ba halata sa mukha niya!" tumanggap muli si Hakim ng shot.
Nagkibit-balikat si Marietta. "She's dressed like a slut tonight, anong alam ko? Besides she's Dianarra's sister,"
"They're not the same at all, believe me,"
Ang kaninang instrumental music na pinapatugtog ng live orchestra ay napalitan ng romantikong kanta na sinimulan ng isang babaeng bokalista. Nag dim din ang ilaw kaya hindi ko na halos marecognize ang mga taong nagsitayuan.
"Isayaw ko muna siya," paalam ni Hakim sa mga kaibigan. "Come on, we gotta do this for the show,"
Hinila niya ako palayo roon. Nagpatianod nalang kahit pa natatamaan na ako noong alak. Siguro kung hindi niya ako inaalalayan, masusupalpal na ako sa sahig nang hindi ko namamalayan.
Magsasayaw kami sa dancefloor. 'Yun ang nasa isip ko. Ngunit dumiretso muna kami sa pinakaharap or should I say sa table nina Papa.
Halos manlamig ang katauhan ko noong makita ko lung sino sino ang mga nandoon. Papa's talking to Senyor Manuel. Mama's also conversing with them. Si Ate Dian ay magcecellphone habang ang katabi niyang si Juandro ay nakadungaw roon. Para bang may pinapanood sila.
I gulped and tried to stand straight even when the alcohol's spreading in my system uncontrollably.
"Good evening, Tito... Tita... " pagbati ni Hakim kina Papa at Mama.
Nagmano siya sa mga ito. Tipid akong ngumiti at sinulyapan sina Ate. Mukhang abala sila roon at himala yatang close sila ngayon? O siguro talagang close sila kaso hindi ko 'yun nakikita araw araw?
Nanatili kaming nakatayo ni Hakim sa gilid. Nakikipagtawanan siya sa mga magulang ko. He does that effortlessly. Marami siyang dalang kwento at kahit siguro yung mga hindi siya kilala, matutuwa parin sakanya.
Nahuli ako ni Juandro nang sumulyap ako sakanila. Maayos na maayos ang buhok niya ngayon. It's brushed backward so his bright forehead was showing.
Ngumiti ako sakanya ngunit hindi niya iyon sinuklian. May sinasabi si Ate Dian sakanya habang abala sa cellphone pero nanatili parin ang seryosong tingin niya sa akin. Dahan dahan niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Naglaho bigla ang mga ngiti ko.
"Is my Rio already drunk?" naagaw ni Papa ang atensyon ko.
Kaswal lang ang ngiti niya. Hindi naman ako pinagbabawalan ni Papa na uminom. Isa pa hindi naman talaga ako umiinom kaya siguro panatag siyang huwag akong pagsabihan, hindi tulad kay Ate Dian na suki lagi ng mga clubs kaya napapadalas ang uwi ng lasing.
"She just took two shots, Tito. Maayos pa naman!"
Kinagat ko ang labi ko. Minsan minsan nanlalabo ang paningin at minsan naman parang nawawala wala na sa sarili. Ang init init na rin ng pakiramdam ko.
"Just take care of her, Hakim,"
"Yes po, Tito. Actually, I'll dance with her on the dancefloor. Sama kayo ni Tita,"
Hinawakan ni Hakim ang baywang ko at aamba na sa pagpunta sa dancefloor. Inaya ni Papa si Mama. Mama just sighed and accepted Papa's hand.
Nakita kong nagtagal ang tingin ni Juandro sa kamay ni Hakim sa baywang ko. He looked away and played his tongue behind his cheeks. Pasimple niyang inakbayan si Ate Dian. Ngumisi siya noong may sinabi ito sakanya. And they looked really happy together.
Malalim akong napabuntong hininga at ako na mismo ang humila kay Hakim papunta sa dancefloor. Naroon na rin sina Mama at Papa. Naiwan sa table nila sina Senyor Manuel, Ate Dian at si Juandro. Mukha namang may sariling mundo sila roon at mukha namang enjoy na enjoy sila sa isa't isa.
Hindi ko alam kung bakit biglang umakyat ang init sa ulo ko. It seemed like my emotions were heightened. I don't know, maybe it's the alcohol. Maging si Hakim ay naweirduhan sa akin.
But I thanked the heavens he didn't ask any more questions. He just danced with me while my hands were on his shoulders and his' were on my waist. Ang mga kamera ay patuloy sa pag flash.
Pero nanatili ang mata ko sa table nina Papa. Para bang may magnet doon at ang mga mata ko ang metal na hinihigop noon. I can't take my eyes off them. I am sure they're faking it too. Hindi naman sila ganyan kaclose. At lalong hindi siya aakbayan ni Juandro dahil magaspang ang ugali niya. Mas gusto niya pa yatang si Garbo ang hinahawakan kaysa sa ibang tao.
Mariin akong napapikit. Ano ba 'tong nangyayari sa akin!? Nababaliw na ba ako. Leche 'yung alak, sana pala hindi ko na tinanggap 'yung shots.
Kahit pa labag sa loob ko, pinilit ko paring abalahin ang sarili ko sa ibang bagay. Nakikipag usap si Hakim sa isa sa mga barkada niyang my sinasayaw ring babae. Ngayon ko lang napansin. Marami na palang tao ang nasa dancefloor. Even Papa waved at me when my eyes found him. Kumaway rin ako sakanya. Hindi ko makita ang reaksyon ni Mama dahil nakatalikod siya sa akin pero sigurado akong naiinis na 'yun.
Nakita ko rin sa malayong parte ng mga tables ang mga mukha nina Jezel at Ate Maya. Abala sila sa pagseserve ng mga pagkain at inumin. Senyor Manuel found his people near the stage too. Ano nalang ang galak sa mukha ng matanda.
Sa huli bumalik nanaman ang tingin ko sa table na pinanggalingan ng senyor. Nakita ko ang pagtayo noong dalawa at agad na nagflash ang mga camera sa gilid.
I sighed when Juandro wrapped his arms around Ate Dian's waist. Ngumisi si Ate Dian at pinulupot ang mga kamay sa batok ni Juandro. May kaonting hiyawan kong narinig. Pakiramdam ko sa sobrang init na ng katawan ko sasabog na ako.
"We could leave the Christmas lights up 'til January,
And this is our place, we make the rules..."
Habang nagsasayaw kami ni Hakim doon at pinapanood ko silang dalawa, lumilipad nanaman ang utak ko sa ibang lugar.
Nakita ko ang paglapit sakanila ng nag aassist dahil sa sobrang uhaw ng mga photographers sa momento nilang dalawa, umabante at halos kanin na sina Ate Dian at Juandro ng mga flash ng camera. Lumapit
tuloy sila sa gitna ng dancefloor kung nasaan kami at doon nagsayaw.
"And there's a dazzling haze, a mysterious way about you, dear.
Have I known you twenty seconds or twenty years?"
Ang hawak ko sa balikat ni Hakim ay dumiin. Wala sa sarili ko siyang nilapit sa akin. Alam kong matangkad siya ngunit sa sobrang abala niya sa pakikipag usap sa kaibigan hindi na siya nakaangal.
"Woah!" gulat niyang singhal.
Kahit na medyo madilim, kitang kita ko kung paano naagaw ang atensyon ni Juandro.
Mabilis akong nag iwas ng tingin.
"Sorry," ngisi ko.
"You drunk already, love?"
I shook my head and pulled him closer to me again. Kanina pa amoy na amoy ang panglalaking perfume niya pero ngayon ko lang naappreciate nang bumulusok iyon sa ilong ko dahil sa pagkakahila sakanya.
Pasimple siyang lumayo at dinungaw ako.
"Mukha ngang hindi ka pa lasing," sarkastikong aniya. "May problema ba?"
"Wala naman," the corner of my upper lip rose. "Ang bango mo lang,"
"Ano?"
Maingay ang tugtog kaya kailangan kong ulitin at lakasan.
"Ang bango mo Hakim, sabi ko!"
"Ah..." malakas siyang humalakhak at lumapit din sa akin.
Suminghot singhot siya animong inaamoy rin ako.
"Ikaw rin naman ah. You smell like a flower,"
"Thank you,"
Bumaling ako sa banda nina Ate Dian. Nakita ko ang pamimilog ng mata niya nang mahuli ko silang nakatingin pareho rito. Umakto lang siyang parang walang nangyari at mas diniin ang kaniyang katawan sa katawan ni Juandro. Nilipat niya ang kamay nito mula sa kaniyang baywang papunta sa may kaniyang pwetan.
Nanlamig ako. Juandro didn't seem to notice it. Ang kaniyang madilim na mukha ay mas madilim pa sa gabing sinisilaban ng buwan at mga bituin. Ang kaso lang, walang liwanag na nananaig sakanya. Tanging dilim...tanging galit.
When he noticed what Ate did, his eyebrows furrowed as if it angered him more.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Hakim kaya nawala sakanila ang atensyon ko.
"Pwede mo ba akong iikot?" I requested while grinning from ear to ear.
Nakita ko ang pagsulyap niya kina Ate Dian bago ibalik sa akin ang tingin.
"Sure," he licked his lower lip and freed me.
Inikot niya ako ng dalawamg beses at noong makabalik ako sakanya nagtawanan kami pareho.
"Never thought you'd be like this when you're crazily drunk,"
Sumimangot ako. "Hindi nga ako lasing,"
"Sabihin mo 'yan sa unggoy baka maniwala,"
Lumampas muli ang tingin ko sa kaniyang likod. Juandro was looking at me. Wala yata siyang pakialam sa kung anong iisipin ko? At bakit ba tingin siya nang tingin sa akin? Wala naman akong ginagawang masama. Kung makatingin siya para akong nakapatay ng tao.
May waiter na mag alok sa amin ng inumin. I'd go for juice if I didn't see a reason to pick the hard liquor but when I saw how Juandro traced the uncovered hips of Ate Dian with his long fingers I picked the hard liquor as fast as I could.
"Can I go where you go?
Can we always be this close?
Forever and ever, and
Take me out, and take me home..."
Hindi ko alam. Sa sobrang lasing ko na hindi ko na napapansin ang kinukuha ko. Basta ko nalang nilagok iyon kahit hindi ako sigurado sa desisyon ko.
Laglag ang panga ni Hakim habang pinpanood akong ubusin iyon ng isang inuman lang. Halos hindi pa nga niya nakakalahati 'yung sakanya pero namumula na ang mukha niya. Kung hindi ako nagkakamali may tama na siya pero mas malala 'yung akin.
"Alak 'yun, Rio!" saway niya.
Ngumisi lang ako sakanya at kumuha ulit ng isang shot no'n bago umalis ang waiter.
Biglang nag iba ang tempo ng tugtog at napalitan ng isang nakakabaliw na upbeat sound. Tanda na simula na talaga ng totoong kasiyahan.
Inabot ko ang punong shot glass kay Hakim. Taka niya iyong tiningnan bago bumaling sa akin.
Iinomin niya na sana iyon ngunit iniwas ko.
"Ibuhos mo sa bibig ko!" natatawa kong sabi.
Maingay na ang mga tao kaya kailangan ko pa ulit ulitin iyon para marinig niya.
"N-No! No way, Rio! I won't do that!" halatado ang pagkakataranta sa mukha niya.
"Sige na! Ibubuhos lang naman!"
Maybe I'm so drunk that I'm no longer aware of my actions. Buong oras kong nirereplay sa utak ko na bukas ko na poproblemahin ang mga pinaggagagawa ko ngayon. Ngayon ang kasiyahan at ipagpapabukas ko nalang ang kahihiyan.
"Do you wanna witness a m******e here!?"
"m******e? Sige na ibubuhos mo lang naman! Walang mamamatay!"
"Ako ang mamamatay! Ngayon! Dito! Naiintindihan mo!?"
"Wala akong naiintindihan!"
Halos magsigawan na kami dahil hindi namin halos marinig ang isa't isa. The people have gone wild and so does the music.
Hinawakan ko ang palad niya at pinilit siyang kunin ang baso. Sa huli, nagwagi ako.
"Oh damn! Oh God! I'll be seeing you soon! s**t!"
I opened my mouth when he puts the glass above me. Pikit mata niya itong binuhos at hindi ko mapigilang isipin ang mga nakikita kong video sa social media na ganito rin ang ginagawa kapag nagkakasiyahan sa party. For once, I thought I wanted to do it too and I did.
Sa kalagitnaan naman ng pagbuhos may biglang bumunggo sa akin dahilan kung bakit tumama ako sa dibdib ni Hakim. Akala ko pareho kami matutumba sa sahig pero dahil malakas siya, nabalanse niya ang kaniyang tayo.
"s**t!" malulutong ang mura niya.
Natatawa ako habang inaayos ang buhok kong nakakakapit na sa mukha ko. Basang basa kami pareho dahil sa nabuhos na alak. Tumutulo iyon pababa sa leeg at dibdib ko ngunit hinayaan ko nalang.
"Woah!" narinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan ni Hakim.
Sila pala ang gumulo sa amin. Pinalibutan nila kami at nagsasayaw sa beat ng kanta. Even the lights were dancing like crazy. Parang nakikisalo rin sa kasiyahan.
"Woah!" sigaw ko rin at sumayaw ng konti.
"What did you say about her earlier, boy?" si Marietta na lumapit kay Hakim at pinapanood ang ginagawa ko.
Mukha na silang lasing lahat. Pero hindi ba ganoon naman sa party? Malalasing ka at magsasaya upang makalimot na muna sa reyalidad.
Hinayaan ako ni Hakim doon, kalaunan ay sumayaw na rin siya. Masaya palang kasama ang mga kaibigan niya. Even Marietta tried to shake her butt infront of us. 'Yung mga boys nga nagsshowdown pa. Sobrang ingay ng grupo namin sa dancefloor. 'Yung ibang nagsasayaw roon ay pinapanood na kami.
Tumatawa ako ng wala sa sarili nang aksidente akong napatingin sa lugar kung saan naroon sila Ate Dian at Juandro kanina. Ngunit si Ate nalang ang nakita ko ngayon doon. Nagsasayaw kasama ang ibang dalaga.
Doon ko lang nahanap sa table ng mga magulang ko ang anino ni Juandro. Naroon ang mga magulang ko at nakikipagkwentuhan sakanya. Tumayo si Juandro at may sinabi sa magulang ko, ilang saglit lang ay umalis na siya roon.
Natigilan ako sa pagsasayaw. Pinanood ko siya hanggang sa mawala na siya sa crowd. Saan kaya 'yun pupunta? Babalik din naman siguro siya?
Gumiling si Hakim sa harap ko kaya hindi ko muna inisip ang pag alis ni Juandro. We just danced the night away with a smile on our faces. May mga ilang grupo rin ang nakilahok sa amin. Mostly na mga sumasayaw ay kaedaran nina Hakim. May mga matatanda rin naman pero bilang na bilang sila.
Ilang minuto pa ang dumaan medyo napagod ako sa pakikipag interaksyon doon. Dama ko na rin ang pagkirot ng paa ko at ng puson ko sa dami ng alak na pinainom sa amin. Sumilip ako para tingnan ang table nina Papa. Nakaramdam ako ng dismaya noong makitang hindi si Juandro ngunit mga ilang negosyante ang nakaupo roon at kausap ang mga magulang ko.
Hindi siya bumalik?
Pero nagsasayaw pa rin si Ate Dian doon at halos mabaliw na.
Magpapaalam sana ako kay Hakim na magsi CR break muna pero ayun at halos mabaliw na rin siya sa pagsayaw. Kaya umalis na ako roon.
Pahewang gewang akong naglakad. Doon ako dumaan sa bulwagan ng mansyon na pinagsisihan ko ng sobra. Halos hindi na ako makarating sa CR dahil hinaharangan ako ng mga bisita. Ang iba'y tinatanguan ko nalang at hindi na nagtatagal ang tingin sakanila.
I sighed heavily when I finally reached my destination.
Para akong natauhan noong mailabas ang lahat ng alak sa loob ko. I checked myself on the wide mirror. Sobrang gulo ng buhok ko kaya pinasadahan ko 'yun ng daliri ko. Namantsahan din ng kulay dugong alak ang top ng gown ko. I shook my head at laughed at myself.
Nabaliw na yata ako dahil sa alak. Kaya noong lumabas ako roon nakangiti ako sa sarili. Noong maalala kong baka dumugin nanaman ako pag sa bulwagan ako dumaan agad akong umiwas at mas piniling tumungo roon sa gilid.
Mukhang tama naman ang desisyon ko at walang katao tao roon. The garden is the heart of the party kaya natural lang na naroon silang lahat.
Sa silungan ng mga kabayo sa rancho, may nakaagaw ng pansin ko. Isang malaking pigyura ng tao ang naroon. Hindi naman naka switch ang ilaw roon pero dahil sa lamp post napansin ko iyon. It was a tall dark figure. Noong matanto kong si Juandro iyon, nanatili ako sa kinatatayuan ko.
Naghugas siya ng kamay sa gripo roon, pagkatapos umalis din para pumunta sa kamalig.
Ngumuso ako nang maalalang hindi ko pa pala nakikita si Groot sa araw na 'yon. Kaya kahit wala na sa sarili, nagpasya akong pumunta rin sa kamalig.
Paika ika akong naglakad, medyo nahirapan pa dahil naka heels. Dapat pala nag sandals ako. Sobra tuloy sumakit 'yung paa ko. I removed them off me and brought them while walking towards the barn house. Mabuti nalang at nakailaw ang mga lamp post sa haligi nito, dahilan kung bakit hindi iyon nakakatakot tingnan.
Nakasara ang metal gate nang makarating ko roon. Dahan dahan ko iyon tinulak at sinilip ang ulo sa loob. There I saw Juandro standing in front of Garbo's stable while gripping the metal railings with his hands.
Napakatahimik doon kaya mas lalo akong ngumuso. Noong tuluyan akong pumasok, doon lang niya ako binalingan kahit pa halatang napansin niya na ako kanina.
Patay malisya akong naglakad papunta sa kulungan ni Groot. Wala naman akong balak kausapin si Juandro at wala rin akong balak na pansinin siya.
Kaya lang noong malapit ko na siyang malampasan bigla naman niya akong hinarang.
"Bakit ka nandito?" puno ng galit at hinanakit ang kaniyang boses.
"Titingnan ko lang si Groot,"
"Pinakain ko na kanina pa. Bumalik ka na roon,"
"Titingnan ko lang naman-"
Bolta boltaheng kuryente ang gumapang sa katawan ko noong hinigit niya ang braso ko at dinarag ako pabalik sa tarangkahan.
"T-Teka lang-"
Marahas niyang binitawan ang kamay ko at galit na galit akong pinukulan ng tingin.
"I said go back to the party! I don't wanna see you here!" singhal niya.
Namilog ang mata ko at napaatras. Galit na galit siya. Dahil ba sa akin? Bakit? Anong ginawa ko?
"Hindi mo ako narinig!?"
Parang nanuyo ang utak ko at nakalimutan ang lahat ng sasabihin. Hindi ko na rin maalalang lasing ako. Bakit ba ganito?
Nag iwas siya ng tingin at inis na pinasadahan ng mga daliri niya ang kaniyang buhok. Dinilaan niya ang pang ibabang labi at hindi makapaniwalang natawa.
"B-Bakit naman nagagalit ka," It was almost a whisper.
"Are you seriously asking me that?"
"Galit ka ba sa akin?"
"I can't believe you!"
Kinagat ko ang labi ko at natantong galit nga siya sa akin.
"P-Pero bakit?"
"I don't know! Just get out of here!" patuloy ang pagtataboy niya sa aking pero hindi ako gumagalaw.
Gusto kong malaman ang dahilan niya. Imposibleng hindi niya alam? May tao bang nagagalit sa isang tao ng walang rason?
"Pero titingnan ko lang naman-"
"Damn it! Bulag ka ba? O nagbubulag bulagan?"
"Ano bang problema mo, Juandro?" dahil siguro sa alak at pagiging mulat nagkaroon ako ng lakas ng loob para itanong iyon.
"You are freaking engaged! And now, you're alone here with me!? Ano? Tingin mo papatulan kita dahil nakuha mo na ang gusto mo?"
Napalunok ako nang matanto ang pinupunto niya.
"Ngayon sabihin mo sa akin kung bakit ka magpapakasal sa kapatid ko?"
"Kasi..." hindi ako makahanap ng idadahilan.
Hindi ko naman pwedeng sabihin ang sikreto namin. 'Yun nga lang nakakaintimidate lalo siya kapag galit. Hindi ko alam kung mamamangha ako o matatakot o tatakbo nalang. Hindi ko maevaluate ang nararamdaman ko ngayon.
"You're protecting your father, right? But you still lied to my face when you said you'll not be marrying Hakim!"
Halos magkukumahog na sa pagtibok ang puso ko. 'Yun ba ang ikinagagalit niya? Dahil magpapakasal ako kay... Hakim?
Parang buti ng ulan, sunod sunod na pumatak sa memorya ko ang usapan namin noong huli kaming narito sa kamalig. I told him I won't marry Hakim whatever happens.
Kaya siguro guilty na guilty ako... kaya siguro parang mali ang desisyon ko. Dahil alam ko sa sarili kong nangako ako sa iba. At ngayon, ako mismo ang sumira noon.
"Now tell me, if you just made this up for the show or you're just a desperate slut trying to get to my brother!?"
Hindi ako makakibo. Kung 'yung una ang isasagot ko mabubuking kami at kung 'yung pangalawa naman, kahihiyan ko na 'yun bilang isang babae.
"The answer is both? Hmm, Rio? Is that it?" natatawa ngunit halata ang inis sa kaniyang boses.
Umiling ako. Tanging 'yun lang ang nagawa ko.
"Nagsinungaling ka sa akin! f**k, I should've known. Damn it!" paulit ulit siyang nagmura. "Huwag mong sabihing hindi mo naalala ang sinabi mo sa akin noong pumayag ka sa engagement na 'to!?"
"S-Sorry..." 'yun lang ang naiwika ko, nagbabakasakaling mapakalma siya pero hindi.
Mariin niya akong tinitigan habang binubuksan ang gate.
"Get the f**k out of here. I don't want to see your face again, damn liar!"
Parang nahulog ang puso ko sa lupa. Sa lahat ng masasakit na salitang binato niya sa akin, dahil doon namanhid lahat ng parte ng katawan ko maliban lang sa puso ko. Iyon siguro ang kwenta noon. Kaya't sa bawat pintig kahit ayokong makaramdam ni katiting na sakit, damang dama ko pa rin.
Hindi ko namalayang sinunod ko ang sinabi niya. Pagkalabas na pagkalabas ko, malakas niyang sinarado ang tarangkahan at napapikit ako dahil doon. My cheeks were flushed as the hot liquid ran down my face unexpectedly.
That was the first time I considered that not having a heart would be ideal just now... so that I wouldn't feel anything, and wouldn't be as hurt as I am right now.