Kab 13

2957 Words
Paulit ulit na nag replay sa utak ko ang mga huling salitang binitawan ni Juandro sa akin. Naglalakad na ako pabalik sa party pero dahil sa kawalan ng gana, mas pipiliin ko nalang dumiretso sa kwarto ko. Nagatagal muna ako roon para patahanin ang sarili. Hindi ko alam kung bakit bukod sa pagpapatahan, naisip ko na baka pagbuksan niya ulit ako. Pero nababaliw na nga siguro talaga ako! Napaka imposible namang gawin niya iyon. He's mad because I lied to him. 'Yun ang sinabi niya. Alam kong masamang magsinungaling pero hindi ko inaasahang magiging big deal sakanya ang lahat ng ito. Akala ko nga makakalimutan niya agad ang mga sinabi ko noon pero iyon pala ang kinasasama ng loob niya. Inaamin kong hindi ako sanay na mayroong taong may galit o sama ng loob sa akin. Nag iinit ang katauhan ko sa hiya, iniisip ko palang na may galit sa aking ibang tao. Tapos ngayon napatunayan ko na may galit si Juandro sa akin. Si Juandro na hindi lang basta basta ibang tao. Pinilig ko ang ulo ko, nagbabakasakaling makalimutan siya. Pero ganoon nga siguro kahit anong tulak mo palayo, parang bolang bumabalik. Umakyat ako sa taas ng mansyon ng wala sa sarili. Halos makahiga na ako sa sahig. Sobrang lasing na lasing na ako at wala na akong maisip kung 'di ang mahiga nalang sa kama ko. Nag struggle pa ako sa pagbukas ng pinto bago ako makapasok. Hindi ko na sinwitch ang ilaw at hinayaan nalang bumagsak ang katawan sa malambot na kama. Nagising lang ako kinabukasan dahil nahulog ako sa kama. Hindi ko tuloy alam ang iindahin ko, yung sakit ng ulo ko ba o yung pang upo kong napuruhan. Nagkamot ako ng sentido at sinubukang tumayo. Ilang sandali pa bago ko mapagtanto na hindi pamilyar sa akin ang paligid. Namilog ang mga mata ko at wala sa sariling napatayo. Umikot ako para tingnan ang hitsura ng kwarto. Malawak ito at napakalinis. Kulay kremang pintura ang bumanalot sa mga pader, may maliit na chandelier sa ceiling at lamp shade na nakapatong sa side table ng pang isang taong kama. Ang sliding door papunta sa terrace ay katulad nung akin. May ilang landscape painting na nakasabit dingding at may sarili ring walk in closet at bathroom, base sa dalawang pintuang napansin ko. Naningkit ang mata ko sa naisip. Nasa mansyon pa rin naman ako pero ibang kwarto nga lang ang napasukan ko. Tumikhim ako at patay malisyang naglakad sa pintuan para makalabas na. Pero noong pipihitin ko na ang door knob may nahagip na larawan ang mata ko. It was Garbo's picture, Juandro's horse. Naka frame at nakapatong sa isang may istilong display-an. 'Yun lang at ang mag iisang picture doon kaya hindi ko agad nalaman kung sinong may ari. Nasapo ko bigla ang bibig ko. Natulog ako sa kwarto ni Juandro! I checked on myself and saw that I'm still wearing my gown. Wala namang ibang masakit sa akin bukod sa ulo ko. I knocked my skull because of frustration. As if Juandro would do something to me! Nataranta ako. Memories of what happened last night came crashing down on me like a ton of bricks. Naalala ko ang pagiging wild ko sa dancefloor... ang lahat ng kahihiyan ko pati na rin 'yung pag aaway namin ni Juandro sa kamalig. Oo nga't nag away kami kaya bakit naman siya lalapit sa akin, hindi ba galit nga siya? Kaya bakit ba ako nag iisip ng kung ano ano. Luka luka ka ba, Rio? I knocked my forehead against the door. I felt very stupid. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi na dapat ako naakit sa tukso. Hindi ko na dapat tinanggap 'yung alak para lang may mapatunayan. Edi sana may mukha akong maihaharap ngayon sa mga Barrios. Pagkabukas ko ng pinto habang nagkakamot ng sentido, may nagbukas din ng pinto sa kabilang hallway. Natigilan kami pareho ni Ate Dian. Parehong nagulat. Naningkit ang mga mata ko. Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. Kalalabas lang niya ng kwarto ni Hakim! Alam ko! Minsan na akong nakapasok doon! Naningkit din ang mata niya sa akin at pinilig pa ang ulo, parang nang uusisa rin. Nag init tuloy ang mukha ko. Hindi pa man siya nagsasalita pero naririnig ko na kung anong iniisip niya. Syempre, ano pa ba ang iisipin niya!? I was thinking the same thing too. Pero imposible naman? Hindi ba magkagalit din sila ni Hakim? Halos patayin na nga niya ito tuwing nakikita kong nakatingin siya kay Hakim. O baka pareho lang ang nangyari sa amin dahil sa kalasingan? Baka naligaw din siya kagabi pagka akyat sa taas? Noong naglakad siya, naglakad na rin ako. It's amusing how confident she walks compared to how scared and almost shivering I am. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi pa ako nakakapagpalit mula kagabi pero siya mukhang kakatapos lang maligo. "Kakain na raw," patay malisya niyang sabi bago siya umalis sa harap ko. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko sigurado kung matutuwa ba ako dahil hindi niya ako tinanong tanong ng kung ano ano o matatakot kasi hindi ko nalaman ang iniisip niya. Usually kasi nalalaman ko ang mga saloobin niya sa tuwing inaapi niya ako o pinapagalitan. Hindi ko alam kung bakit parang hindi man lang siya naging kuryuso kung bakit kakalabas ko lang sa kwarto ni Juandro, kasi kung ako ang tatanungin, nagtataka ako kung bakit naroon siya sa kwarto ni Hakim. May namamagitan ba sakanila? Pero hindi ko maisip. Nasaksihan ko kung paano sila maging sarkastiko sa isa't isa. Ang pang iinsulto ng isa ay nilelebel-an din ng pang iinsulto nung isa. Kaya napaka imposible. Atsaka alam kong patay na patay si Ate kay Vern Alejo. Hindi iyon makaka move on agad. At kung si Hakim naman... siya 'yung malalapit sa babae. Siya 'yung tipong may mga ibang motibo pa. Pero may tiwala naman akong hindi niya gagawin mga gimik niya para paglaruan si Ate. Isa pa, kakatapos niya lang madawit sa eskandalo. Hindi niya naman siguro ipapahamak ang sarili niya. "Maliligo muna ako!" paalam ko. Mabilis akong bumalik sa kwarto ko at kumilos na agad. Nagsuot lang ako ng pang kasuwal na damit at nag pulbos lang. Aligaga ako sa pagbaba. Pero kahit ganoon ay binabati ko parin pabalik ang mga katulong na bumabati sa akin sa baba. "Miss Rio," biglang sulpot ni Jezel. "Kain na po kayo," "Oo. Salamat!" I smiled awkwardly. May kutob akong alam na niya ang nangyari sa akin. Hindi naman ako araw araw na tinatawag ni Jezel sa kwarto tuwing umaga dahil maaga naman akong nagigising, kapag late lang akong nagising, doon niya ako tatawagin. At ngayong late akong nagising, sigurado akong inakyat niya ang kwarto ko kanina at nalamang wala ako roon. At kung hindi niya ako nahanap, malamang ipinagbigay alam na niya 'yun sa mga nakakataas dito. Mas lalo lang tuloy akong nahiya nang maisip na baka 'yun nga ang ginawa niya at alam na ng lahat na aksidente akong nakatulog sa kwarto ni Juandro. Kaso hindi sila mag iisip na aksidente lang iyon. Humugot ako ng malalim na hininga bago pumasok sa dining area. Halos kumislot ang bituka ko sa kaba. Hakim was the first one to greet me but Juandro was the first one to notice my presence. Nag iwas agad ako ng tingin. "G-Good morning, din," uutal utal ko pang bati. Humalik ako kay Papa at Mama bago tumabi kay Hakim. Nasabi nga pala nila na rito sila magpapalipas ng gabi, tuwang tuwa naman si Senyor Manuel dahil doon. Umayos ako ng upo. Mukhang nasa pang himagas na sila habang ako ay mag sisimula palang sa first course. Nagkatingin kami ni Ate Dian. Hindi pa pala siya tapos sa first course pero kumakain na siya. Nagsikap talaga akong iwasan ang banda ni Juandro, kahit pa katabi niya lang ito. "That's a great idea though," ani Senyor Manuel. May pinag uusapan sila pero hindi ko masyadong napakinggan. "Well, as long as Rio is okay with that I'm in," Napatingin ako kay Hakim. "A-Ang ano?" Senyor Manuel made a sneering gesture. "We're talking about the theme of your wedding, apo. Suggest ng Papa at Mama mo, beach wedding. Are you fine with that?" "Ah..." nagkatinginan kami ni Hakim. "O-Oo naman po!" "Perfect, then!" And they were pleased with my response. I laughed awkwardly. Dapat masanay na ako na ganito talaga ang sasalubong sa umaga ko. Mukhang susubukin talaga ng kasinungalingan 'tong kabaitan ko, ah. Sumandok ng kanin si Hakim at nilagay sa plato ko. Sa sobrang lapit niya'y hindi ko na makita ang mga kasama namin doon. "Bakit bigla ka nalang nawala kagabi?" "Ano... nag CR lang ako sa kwarto t-tas... sobrang lasing na yata ako n-nun kaya natulog na ako," "You sure? Ba't hinahanap ka sa akin kanina si Jezel kasi wala ka raw sa kwarto mo?" "B-Baka naliligo pa ako nun," Sinulyapan niya ang buhok ko at hindi na nagsalita. Pero ang pagtataka sa mata niya ay naroon pa rin. Nagpatuloy ako sa pagkain. Minsan nahuli ko siyang nakangisi sa direksyon ni Juandro. Hindi ko naubos ang pagkain ko. Paano ba kasi sa sobrang dami kong iniisip parang 'yun na mismo ang dumidiretso sa sikmura ko. 'Yun tuloy, doon ako nabusog. Buong oras ko talagang sinikap na hindi balingan si Juandro, pero ang matatalim niyang tingin ay napapansin ko sa gilid ng aking mata. Para bang ginawa ko ng last chance ko para mabuhay 'yung hindi titingin sakanya at kapag tiningnan ko siya matik diretso na ko sa kabilang buhay. These were the thoughts that ran through my head the entire time I was with them. Kahit pa noong nasa teresa na kami at pinagmamasdan ang malayong bukirin at anino ng mga bundok. Nakayakap ako kay Papa habang nag uusap usap sila roon. Nasa gilid ko rin si Hakim pero nakinisali rin siya sa usapan. Ngunit sa buong oras na 'yon si Juandro lagi ang tinatanong tungkol sa negosyo. His tone remained constant. His voice is always baritone, which makes him more intimidating. You can tell it's his just by listening to it. "Are you alright?" tanong ni Papa sa akin. "Opo, Papa," I grinned. "I'm happy that you are. Talagang wala nang atrasan ito anak?" "Wala na po, Papa," "Then you'll be in good hands. And if you're not, even if you want this wedding to go forward, I'll be the one to stop it in any way I can," "Thank you po, Papa. Pero hindi niyo na dapat ako masyadong alalahanin. Alalahanin niyo rin po ang pag aalaga sa sarili niyo kahit minsan," "I'm a healthy man, hija. Matagal tagal pa tayong magkakasama, pangako ko 'yan. At napapasaya naman ako ng trabaho ko," "Mabuti naman po kung ganoon. Si Mama po kumusta?" He sighed but I know it's a joke. "Magastos pa rin," natatawa niyang iling. "Kaya nga umaapaw ang motibasyon ko sa pagtatrabaho, anak," Natawa kami pareho. Niyakap ko siya ng mahigpit habang mariing napapikit. Hindi ako sigurado kung kailan ko nga ba ulit siya makikita at mayayakap ng ganito pero alam kong mamimiss ko siya. Hindi sapat ang tawag pero pagtitiyagaan ko nalang dahil alam ko namang busy sila ni Mama sa negosyo. Nagtagal pa kami roon hanggang sa kinailangan na nilang umalis. Pupunta yata silang Bulacan sa araw na 'yun. Nalaman ko ring maraming natanggap na offers si Papa kaya kung hindi man siya makakatawag agad, maiintindihan ko kung bakit. "Ingat po, Mama," pagkatapos kong niyakap si Mama. Tumikhim lang siya at halos hindi ako tingnan. "Mag enjoy ka sa ginawa mo," Pumunta ako kay Papa at niyakap din siya. "Mamimiss ko po kayo. Lagi kayong mag ingat, ah?" "Ikaw rin, hija..." tinapik niya rin si Hakim. "Take care of my daughter, son," "No problem, Tito," lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Sinserong ngumiti si Papa sa aming dalawa. Pagkatapos ay binilin niya rin si Ate Dian kay Juandro. He just responded politely. Aksidente akong nabaling sa banda nila pero mabilis lang iyon. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang mga kahihiyan ko kagabi. Pinasalamatan pa ni Papa si Senyor Manuel. Sa sobrang lapit nila sa isa't isa animong para na silang mag-ama. "I love you!" I mouthed at Papa. "I love you too!" ganon din ang ginawa niya at kinawayan kami bago pumasok sa sasakyan namin. Malungkot akong ngumiti habang pinapanood namin silang lumayo. Alam kong sa huli, worth it lahat ang ginawa namin ni Hakim pero hindi ko parin mapigilan makadama ng ibang emosyon. Nalulungkot ako dahil malalayo nanaman ang pamilya ko sa akin pero alam kong may iba pang dahilan. Nagtagal pa ng dalawang araw si Senyor Manuel sa mansyon na hindi namin inasahan ni Hakim. Kaya halos hindi kami mapaghiwalay sa mga araw na 'yun. Naghihiwalay lang yata kami kapag maliligo't matutulog lang. Senyor Manuel suggested that we should sleep together already tutal mapupunta rin naman daw sa ganoon kapag kinasal na kami. Kaya ginawa nga namin, pero kunwari lang. Pinag mukha lang naming ganoon. Naghintay ako hanggang sa alas nuebe sa kwarto ni Hakim at bumalik din ulit sa kwarto ko. Mabuti nga lang at paniwalang paniwala sila sa mansyon na natulog kami sa iisang kwarto. Sa magkasunod na araw din iyon, naging usap usapan sa publiko ang engagement party namin dito sa mansyon ng mga Barrios. Pasok na pasok iyon sa plano ni Hakim at ganoon na rin sa akin. Kahit pa medyo may mga kritisismo kaming natanggap na panakip isyu lang daw ako, marami namang naniwala na engaged kami at may katotohanan ito. Hindi naman na naglabas ng kung anu-ano si Lianna Untalan, hula ko kontrol na siya ng pamilya niya ngayon. Pero nang dahil nga sa engagement namin dawit pa rin ang isyu nila ni Hakim. Kaya lumabas na rin ang katotohanang si Vern Alejo talaga ang ama ng dinadala ni Lianna Untalan. Wala pang nilalabas na statement ang mga Alejo pero nagkakainitan yata sila ng mga Untalan dahil dito. Labas na raw kami sa isyu nila sabi ni Hakim kaya huwag na raw naming masyadong isipin. "Matatagalan siguro ako bago makabalik," buntong hininga ng senyor noong ihatid na namin siya. Nandoon kaming apat pero parang hindi namin kilala ang isa't isa. It feels like there's a big wall between us and we're all afraid to break it. "We will really miss you, Lo," Hindi ko alam kung sarkastiko ba 'yung sinabi ni Hakim o sinsero siya roon. Pero kitang kita ko ang kaginhawaang dumaan sa mukha niya o sa mukha naming pareho. We have more freedom to move around, now that Senyor Manuel isn't gonna be here for a long while, but there are still constraints, especially because Manang Melba keeps Senyor up to date on what's going on here. Niyakap namin siya isa isa at binaonan ng pag iingat. "Take care of the ladies, Hakim... Juandro... " habilin ng niya. Pinagbuksan ni Juandro ng pinto ang kaniyang Lolo. Sumaludo lang si Hakim at tinapik si Juandro. "We'll be fine here. Just take care," ani Juandro at sinara na ang pinto ng sasakyan. Ginawa ko lang ang lagi kong ginagawa sa araw na iyon. Magdilig, tumulong sa mga gawain a mansyon, maglinis ng kwarto, sinubukan ko rin magbasa basa ng libro sa library. Pero dahil nga galit si Juandro sa akin, pumupunta lang ako sa kamalig para bisitahin si Groot tuwing wala na siya roon. Hindi niya naman ako pinapansin kahit na minsan magkakasabay kami sa hapag. Aaminin kong sinusulyapan ko siya paminsan minsan pero parang wala na siyang ibang nakikita. Minsan lang yata niya akong tinapunan ng tingin noong naglilipat ako ng mga paso sa kwarto ko at aksidente ko siyang nabunggo. Nag sorry naman ako agad pero nilagpasan niya lang ako at parang hindi ako narinig. Ilang araw na mula nung engagment party pero galit parin siya hanggang ngayon? Alam ko namang mailap siya sa tao, hindi gaanong nagsasalita pag hindi kinakausap. Ewan ko ba sa sarili kung bakit nagtataka pa ako eh ganoon naman niya tratuhin ang halos lahat. Siguro naaliw lang ako sa mga araw na kinakausap niya ako o sa mga araw na nagkasama kami at nalaman kong hindi naman pala ganoon ka-boring ang buhay niya 'di tulad ng akin. Kung sana lang kaya kong magbulagbulagan na may taong galit sa akin hindi ko na pinoproblema pa 'to. Kaya buong gabi akong nag isip ng pwede kong gawin para hindi na siya magalit. Sa sumunod na araw, busy ako sa paggugupit ng mga bulok na parte ng mga halaman sa hardin nang may narinig akong makina ng sasakyang kakarating lang. Sumilip ako mula sa gilid ng mansyon para makita kung sino 'yung dumating. Sobra sobra ang tahip ng puso ko sa pag aakalang si Senyor Manuel iyon pero hindi naman pala. Bumaba sa sasakyan ang isang matipunong lalaki, maganda at mestizang babae at ang pamilyar na mukha ni Edisan. Maganda 'yung mestiza at matangkad, mukhang sopistikada at mayaman. Pero may kung anong kakaiba sa kanya. Sumulpot si Juandro mula sa silungan ng mga kabayo at nilapitan sila. Nagyakapan sila noong lalaki na katangkaran niya rin atsaka sumunod si Edisan na yumakap sakanya. Si Edisan lang ang pamilyar at narinig ko na noon na kaibigan niya ito. Mukhang mga kaibigan niya rin itong dalawang kasama niya. Naningkit ang mga mata ko noong imbes na yumakap ay may inabot na paper bag 'yung mestizang babae. Matamis ang ngiti niya kay Juandro habang pinapanood ang reaksyon nito. Tinanggap iyon ni Juandro. Narinig ko ang pang aasar bigla ni Edisan sakanila. Ang isang lalaki ay nakangisi sakanila habang si Juandro naman ay may multo ng ngiti sa labi. Naantala lang ang kasiyahan nila roon noong niyaya na sila ni Manang Melba na pumasok sa mansyon Tinapik noong lalaki si Juandro habang siya namin ay umiiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD