Kab 14

2602 Words
Ngumuso ako at bumalik sa ginagawa. Wala si Hakim ngayon dahil may pupuntahan daw siya pero hindi ko naman alam kung saang eksaktong lugar siya pumunta. Kaya sobra sobra ang kaba ko kanina nang inakala kong si Senyor Manuel ang dumating. Nagpahinga muna ako roon sa swing sa may Mahogany pagkatapos ko sa hardin. Hinatidan ako ng apple juice ni Jezel atsaka croissant. Nanatili siya roon kaya hindi ko mapigilang magtanong tungkol sa dalawang bisita ni Juandro. "'Yung poging lalaki, Miss? 'Yun si Sir Mauri. Pinsan 'yon nina Sir Juandro, minsan lang 'yang bumibisita rito kahit noon. Tas ngayon halos hindi na dahil abala na yata sa pag aasikaso sa negosyo nila sa Maynila kaya minsan minsan lang makabisita pag umuwi ng Balungao," "Hmm. Kapatid siya ni Mavy?" "Oo, Miss. Kaso 'yan 'yung panganay," Tumango tango ako. May kapatid pala si Mavy. Sa sobrang independent niya kasi hindi ko kailanman naisip na may kuya siya. "'Yung babae naman? 'Yung maputi?" "Ah! Si Ma'am Gwyneth! Anak 'yan ng Mayora rito sa Balungao. Ganda 'no, Miss? Mabait din 'yun. Ganoon mga tipo ni Sir Juandro," Masayang nagkikwento si Jezel ngunit seryoso lang akong nakikinig habang kumakain. "Girlfriend ba siya ni Juandro?" "'Yan ang hindi ko sigurado, Miss. Pero parang may namamagitan nga sakanila, eh. Madalas din 'yan bumisita rito pero naging abala na sa eskwelahan. Nag aaral yata 'yan sa La Salle," Napalunok ako. Hindi nga malabong magustuhan siya ni Juandro at hindi rin malabong girlfriend nga niya ito. Habang pinagmamasdan ko sila roon sa bulwagan, magkatabi at taimtim na nag uusap, hindi ko maiwasang hindi mamangha. Bagay na bagay nga sila. Nandoon silang apat, nakaaupo sa sofa at kumakain ng mga pagkain sa center table. Pinilig ko ang ulo ko at patay malisyang dumiretso sa grand staircase para makaakyat na sana kwarto ko. Mukhang hindi naman nila ako mapapansin dahil abala sila. Pero akala ko lang pala 'yun. Paapak na ako sa unang baitang ng hagdan nang tinawag ako ni Edisan. "You're Rio, right?" "Is she Hakim's fiancé?" Tumango ako, medyo naguguluhan sa kung kanino titingin. Kay Edisan ba o roon sa babaeng mestiza na katabi lang ni Juandro. "Come here!" Sinunod ko si Edisan kahit pa manginig nginig na ang tuhod ko sa paglapit palang. "Nakita ko ang mga pictures mo sa engagement party. You appeared to have transformed into a whole different character, huh?" "Uh... inayusan lang naman ako ng kaonti," I said awkwardly. "You're beautiful though," Uminit bigla ang pisngi ko. "Thank you..." "I told you Gwy..." biglang baling niya roon kay Gwyneth. "How old are you girl? I'm just curious," "Eighteen p-po," sagot ko. At dahil magkatabi lang sila ni Juandro, nahahagip ng mata ko ang ginagawa niya. Medyo nakayuko siya at pinaglalaruan 'yong lamang inumin ng baso niya. Hindi siya nakatingin sa akin. "Oh! Drop the 'po', hindi naman gaanong magkalayo ang edad natin," Gwyneth chuckled sexily. Hindi ko alam pero mukha na nga siyang anghel, boses anghel pa siya. Mahaba ang buhok niyang kulot kulot at maganda ang pangangatawan. Nakasuot siya ng flora na halter top at mini skirt. Dahil sa suot niyang top hubog na hubog ang dibdib niya. "Ah! Sorry," I chuckled nervously. Nagpakilala sila sa akin maliban lang kay Edisan. Mabait naman si Gwyneth, may mala anghel at mapang akit na boses. "But seriously, at a young age pinili mo nang ma engage?" Nawala ang kunwaring saya sa mukha ko ngunit ang labi ko'y nakangiti pa rin. Sumagot ako. "Oo..." Nahagip ko ang pagkatigil ni Juandro sa ginagawa but he remained his eyes on his glass. "Grabe ah... I just remember when I was still your age, I used to turn down boys who show interest in me, kahit maliit na interes 'yan. Sobrang tutok ako sa pag aaral atsaka bothered sa judgements ng ibang tao kesyo uhaw sa lalaki pag ganon," Para akong natamaan sa sinabi niya. Bawat salita niya'y sumasaksak sa akin ng paulit ulit. Parang ang dating noon sa akin ay... ako ang uhaw sa lalaki. Pero alam ko naman sa sarili kong hindi ako ganoon. Malinaw sa akin una palang na wala akong balak magpakasal sa ganitong edad. Pinangako ko 'yun sa sarili ko. It's just I had the reason to do such thing. I had to change my perspective temporarily because I had to help my father. "But I guess nobody could ever resist the charm of a Barrios," aniya. Pero naiwan pa rin sa akin ang kahihiyang naramdaman ko. Kung pwede lang sanang bumuka ang lupa at kainin ako para mawala na ako sa harapan nila papayag ako. "Hindi ba, Al?" Dumiin ang tingin ko sa kamay niyang gumapang sa hita ni Juandro. Matagal bago sumagot si Juandro pero noong narinig ko siyang sumang ayon para akong nabingi. "Hmm," I remained still. It seemed as if something inside me had shattered and lingered for a little while, yet it still ached. "Anyway, would you like to join us, Miss?" Nagtagal ang tingin ko kay Juandro. Nanunuot pa rin sa mga tainga ko ang pag sang ayon niya sa sinabi ni Gwyneth. He seems really unbothered. Kahit pa malikot ang kamay ni Gwyneth sa hita niya at pataas ito nang pataas. Tumikhim ako. Sa wakas, nagtama ang mga mata namin. Matalim ang tingin na pinukol sa akin. Nagtiim bagang bago nag iwas at ininom ang natitirang nakalagay sa baso niya. "Miss?" "Ah!" I chuckled when Mauri Ruamero had to call me three times. "Kakatapos ko lang kanina. Uh... sige maiwan ko na kayo," "Alright, then. See you around," I bowed before leaving them finally. Ngunit habang naglalakad pabalik sa kwarto para akong sinasaksak ng karayom sa buong katawan. Sobrang init din ng mukha ko pero buong oras akong tulala habang nag aayos ng kwarto. Ilang oras yata akong nagmukmok doon. Grabe 'yung kahihiyang naramdaman ko kanina. Para akong kakainin ng hiya at mahihimatay. Totoo ngang sopistikada at matalino 'yung si Gwyneth, matalino pa at siguradong campus chick. Pero noong sumang ayon si Juandro kanin sakanya, hindi ko mapigilan ng pagkapuno ng nararamdaman ko. Para akong nairita. Pero ano bang karapatan ko? Tinawag ako ni Jezel para mananghalian. Late na rin yata noon. Hindi kasi ako nakisabay sakanila Juandro dahil nahihiya pa rin ako. Parang wala akong maihaharao sakanila. Hindi pa sila umaalis hanggang ngayon dahil dinig ko pa rin sila sa bulwagan. Kumain akong mag isa habang pasimpleng nakikinig sa malalayo nilang mga boses. Noong matapos ako sa pagkain, nadaanan ko silang naroon sa tapat ng mga paintings sa dingding. Nakapa maywang si Juandro habang nakapokus sa nagsasalitang si Gwyneth. Matangkad si Gwyneth at kahit pag nakatayo lang siya nagsusumigaw pa rin siya ng kagalantehan. Siya 'yung tipong ng mga babaeng ine-expect mong tumabi sa mga Barrios. Naisip ko na baka siya ang dahilan kung bakit nabanggit sa akin ni Juandro noon na hindi niya pakakasalan si Ate Dian. Napalunok ako noong bigla siyang sumulyap sa akin. Sinubukan ko siyang ngitian pero nagtiim bagang lang siya at binalik ang tingin sa kausap. Doon ko napagtanto na galit pa rin siya. Tumungo ako sa library habang hawak hawak ang isiping iyon. Imbes na magpatuloy ako sa binabasa kong libro noong nakaraang araw, nakapangalumbaba lang ako sa desk at nag iisip ng pwedeng gawin para hindi na magalit si Juandro. Alam kong hindi talaga ako papatulugin ng galit niya sa akin. Galit na nga si Ate Dian sa akin, dadagdag pa siya. Hindi naman maganda pag ganoon. Bumalik ako sa kusina nang naisipang hindi naman pagbabasa ang inatupag ko sa library. I was too preoccupied to comprehend what I was reading. Nabaliw na ba talaga ako nang tuluyan. Nakita kong wala nang katao tao sa bulwagan pati na rin doon sa tapat ng mga paintings. Malalim akong napabuntong hininga. Si Ate Maya ang naabutan ko nang makarating ako sa kusina kaya tinanong ko siya. "Nasa teresa sila ngayon. Heto nga't pinag hahandaan ko sila ng meryenda nila," Humilig ako sa counter top at naagaw ng isang overn ang paningin ko. Parang may umilaw na light bulb sa gilid ng ulo ko. "Ate Maya, pwede ko po ba silang ipag bake ng brownies?" "Aba, alam mo bang gawin?" "Oo naman, Ate!" Ate Maya went out of her way to get me everything I need to make brownies. Mabuti nalang talaga at pinapayagan niya ako. May alam naman ako sa pagbi-bake. Pinag aralan ko sa amin mismo. Nakita ko lang kasi sa isang reality cooking show sa telebisyon tas nagka-interes ako kaya sinubukan ko. Ako lahat ang gumawa lahat at hinayaan lang ako ni Ate Maya. Manonood daw siya sa gagawin ko dahil hindi niya pa alam ito. I had fun making them though. Mabilis lang naman iyong mabake kaya sinabay na sa snacks na ginawa ni Ate Maya para iserve sa kanila Juandro. Nagpadala rin ako kay Ate Dian dahil alam kong gustong gusto niya 'yon. Nangiti ako sa sarili. Sana talaga hindi na sila magalit sa akin. 'Yun lang naman ang gusto ko. Ilang saglit pa matapos kong kunin ang last batch ng brownies sa oven, lumapit sa akin si Jezel. Pinapatawag daw ako roon sa teresa kung nasaan sila Juandro. "Sigurado ka ba? Uh, bakit daw?" "Pinatawag ka sa akin nina Ma'am Edisan eh, nagustuhan yata ang brownies mo, Miss," "S-Sinabi niyo bang ako ang gumawa?" "Syempre naman, Miss!" "Talaga?" Paulit ulit na tumango si Jezel nang may ngiti sa labi. Hindi ko rin mapigilang mapangiti. Buti nalang at na appreciate nila ang gawa ko. Nagpunas muna ako ng pawis at hinabilin kay Jezel ang last batch ng brownies. Kahit pa nagdadalawang isip akong tumuloy, wala na akong magagawa. Halos mangatog nga ang mga binti ko papunta palang. They welcomed me with their bright aura. Except that there's a black spot in Juandro's place. He's always serious and looking grumpy. Kaya lagi siyang nananaig kahit pa napakaaliwalas ng paligid. "You're the one who made this, huh?" ngisi ni Edisan sa akin. "Oo... ako nga..." "Nagco-cooking class ka pa?" "Hindi eh. Napag aralan ko lang sa bahay namin... kakanood ng cooking show," "Oh..." Halos mamangha silang tatlo sa sinabi ko. Sinipat ko si Juandro pero nakahalukipkip lang ito at nakatingin sa kawalan. I bit my lip. "So magka college ka palang?" "Oo... pagkatapos ng bakasyon," "Oh? Edi tamang tama, pagkabalik mo galing sa Europe graduate na 'to," si Gwyneth ang kinausap niya. "I'd like that to happen!" "May balak si Gwyneth magpatayo ng bakeshop... so we were thinking if you could help us... you know kahit sa starter menu lang," "Don't worry, babayaran kita ng doble," Because of their plans and ambitions, my heart flutters and my lips rise in laughter. "H-Hindi naman na kailangan pero-" "So pumapayag ka na?" si Gwyneth. Kahit pa may medyo doubt ako sa sarili alam kong matutulungan naman ako nito sa future. Atsaka oportunidad na rin ito! Hindi ko na dapat sayangin! "Walang problema sa akin... gusto kong makatulong," I smiled at them. Nagtanguan ang dalawang babae. Habang si Juandro ay parang wala pa ring pakialam sa paligid. Hindi naman sa inaasahan kong kakausapin niya ako ngayon, pero kahit lang sana mag bigay siya ng kahit katiting na atensyon kaso wala. "We really loved the brownies! Sunod ko nga 'to sa to-do-list ko this weekend," si Gwyneth. Nakita kong paubos na nga iyon doon sa lalagyanan. "I don't think Al really loved it, though," ani Mauri Ruamero. Kinagat ko ang labi ko. Lahat kami ay napatingin sakanya. He looked like he's never listening but he sat down properly as if he finally got the attention. He shrugged. "I'm allergic to chocolates, sorry," Napaawang ang labi ko. "Aw! Sorry girl, kami lang pala ang nakatikim," si Gwyneth. Malalim akong humugot ng hininga at tumango, alam agad ang gagawin. Nakauwi na si Hakim sa hapon na 'yon at naabutan niya pa sila. Siya na tuloy 'yung umubos noong natirang brownies. Umalis lang ako roon noong hindi na nila napapansin ang presensya ko. I massaged my temples. Why do I feel so devastated? Nagustuhan naman nila hindi ba? Bakit ako nagkakaganito? Ano bang karapatan kong kwestyunin ang kakayahan ko dahil lang sakanya? Pinilit ko nalang huwag mawalan ng ana sa mga sumunod na oras. Kompleto ulit kaming apat sa hapunan. Kakaalis lang kanina ng mga kaibigan ni Juandro kaya tahimik na ulit sa mansyon. Ganoon lang ulit ang siklo sa hapag. Kakausapin ni Hakim si Juandro na nananahimik lang sa tabi, mag aaway sila ni Ate Dian at ichi-cheer niya akong kumain pa ng marami. I wonder if Hakim's ever not here. Paano nalang kaming tatlo? Baka akala pa ng mga makakakita sa amin may pinaglalamayan kami. Juandro was always the first one to finish eating. Ganoon naman na siya noong makilala ko siya. Pero nang malaman kong galit nga siya sa akin, lumakas ang kutob ko na baka iniiwasan niya ako. Nahaluan tuloy ng malisya kahit iyon. Iniisip ko kung paano ba niya ako mapapatawad. Kahit nawawalan ako ng pag-asa, okay lang naman sigurong sumubok ng mga paraan. Kaya kahit hating-gabi na nasa may kusina pa rin ako. Naka on ang oven at nag aayos ng mga ginamit sa pagbi-bake ng cookies. Sinigurado kong wala na 'yung chocolate. Pinalitan ko lang ng peanuts para hindi plain ang cookies. Nilagay ko 'yon sa magandang plato at tumungo na sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Kumatok ako ng tatlong beses ngunit nagbilang ako ng ilang minuto, hindi pa rin binubuksan. I couldn't breathe because my heart was pounding inside my ribcage. Kumatok pa ako ng tatlomg beses ngunit sa pangatlong katok ko biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang half-naked na katawan ni Juandro. Napakurapkurap ako at nataranta kung saan titingin. His collar bones were carved all the way down to his abdomen. His hair was a little bit disheveled probably because he's already sleeping and I disturbed him. Although it was dark inside his room, I could still see how his upper body was shaped like a god in the war, thanks to the lamp that had been lit in the hallway where I was. "What do you want?" aniya sa naiiritang tono. Doon ko lang narealize na dapat pala ipinagpabukas ko nalang ito. "Sorry pala kung... ginising pa kita," Ngayon pinagsisisihan ko nang hindi nalang ito ipinagpabukas. "Ano 'yan?" "Cookies. W-Wala 'tong chocolates," "Bakit? Para saan?" My face boiled because of the embarassment. Parang wala siyang balak tanggapin 'tong hawak ko. Nakatayo siya harap ko, hubo tapos inisturbo ko pa tulog niya! "H-Hindi ka kasi nakatikim kanina n-nung binake ko kaya... naisip kong... uh, gawan ka pero 'yung walang chocolates..." pahina nang pahina ang boses ko. "Tapos... uh bilang sorry na rin dahil... g-ginalit kita noong nakaraang gabi..." "Kakagawa mo lang?" "Oo! Mainit pa 'to!" ngiti ko. Tumaas ang dalawang kilay niya at humalukipkip habang sinisipat ang kabuuan ko. "Saan ka matutulog?" Nabigla ako sa pag iiba ng topic. "N-Ngayon? Sa kwarto ko," "You really slept with Hakim the other night?" Halos hindi na magkahumahog ang puso ko sa kaba. Hindi naman ako ganito kakaba kanina, pero ngayon... "O-Oo," No one should know about our secret. I kept on repeating that line in my head. "Did you..." Nag hintay ako ng sasabihin niya ngunit frustrated lang niyang pinasadahan ng daliri ang kaniyang buhok. "You better get back to your room," "Uh, itong binake ko-" puno ng takot ang boses ko, halos ipagtulakan ko na 'yon sa harap niya. "Hindi na. Dinalhan din ako ng brownies ni Gwyneth kaya sa'yo nalang 'yan," "Pero-" "Sabi ko sa'yo nalang." Nahulog ang paningin ko sa hawak ko hanggang sa maramdaman kong sarado na ang pinto sa pagitan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD