Hindi ko alam kung paano ako dinala ng mga paa ko sa tapat ng kwarto ni Hakim. Kumatok lang ako ng tatlong beses, binuksan niya naman agad. He looked so shocked and nervous. Hindi ko man lamg naisip na baka tulog na siya, pero hindi ko inaasahan na pagbubuksan niya pa rin ako.
I just gave him the cookies and left without saying anything.
Wrong move talaga siguro ang ginawa ko kay Juandro. Baka mas dumoble pa nga ang galit niya sa akin dahil doon. Noong hindi niya kinuha ang cookies, ibigsabihin ba no'n hindi niya rin tinatanggap ang 'sorry' ko? Pero kahit na anong mga dahilan ang isipin ko, mukhang hindi nga.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko bago ako matulog. Kung saan saan na ako dinala ng kasinungalingang ginagawa namin ni Hakim. But maybe I'll just try something else for him to forgive me. Pag iisipan ko pa pero kung paano. Nagpapatawad naman siya siguro 'diba? Ang hirap naman nito. Hindi ko yata kakayanin kung malalaman ng lahat na nagsinungaling kami tungkol sa engagement. Hindi lang isa kung 'di triple pa ang galit na matatanggap ko.
I visited Groot the next day. Maaliwalas ang kalangitan sa araw na iyon, para bang hindi dadaanan ng itim na ulap sa susunod na dalawang buwan. That day was just bright and light. Narito sa mansyon si Hakim pero mukhang abala yata sa kung ano. Hindi ko naman siya maalok na samahan ako sa pag gagarden dahil mukhang hindi naman niya ito hilig at mas sanay rin ako na mag isa ako kung maaari.
Sa mga nakaraang araw na hindi ko nabibisita si Groot, si Mang Pastor o si Ian ang nangangalaga sakanya. Siguro kasama na rin si Juandro. Pero masyado siyang abala sa ibang bagay bagay.
Lumabas lang ako noong tapos ko nang mapakain at kausapin si Groot. Tumawag din ako sa Maynila para mangamusta kina Ate Letty. Natuloy nga sa Bulacan ang mga magulang ko kaya sila sila raw muna ang mga tao sa mansyon. Kinumusta ko rin sina Thor at Heimdall. Nagsend pa nga si Ate Letty ng mga pictures nilang magkasama. Napangiti ako at hindi maiwasang hindi sila mamiss.
Oo at maganda naman ang unang tatlong linggo ko rito sa mansyon ng mga Barrios. Lahat ng mga helpers ay mababait at marespeto pero iba pa rin talaga kapag nasa Maynila ako. There are just some things about this province that don't make it seem like home. They seemed to be too far to reach and feel. They're so close to my world, but they're afraid of touching it.
Pinilig ko ang ulo ko noong may pumasok nanamang ibang isipin sa utak ko.
Miss ko lang talaga ang mga Maynila, 'yun lang 'yon.
Dumating ang hapon kaya nagtanggal ako ng mga tuyot na dahon sa landscape garden sa harap ng mansyon. Naka gloves ako pero hindi ko pa rin maiwasang hindi madumihan.
Hindi ko lang inaasahan ang biglang pagdating ng isang bisita sa gitna ng paglilinis ko.
Ako ang nauna niyang nakita noong nag park siya sa harap kaya binati niya ako.
"Good afternoon din, Gwyneth,"
Naka fitted jeans siya at brown boots. Kurbang kurba ang pang upo niya pababa sa legs niyang mahahaba dahil doon. Naka black spaghetti strap siya na pinatungan ng striped blazer. At ang mahaba niyang buhok ay madramang nakatirintas.
"Have you seen Juandro?"
I swallowed when I realized a stared too much.
"Nandoon ata sa kamalig," tinuro ko ang direksiyon.
"Oh, thank you!" pinasadahan niya ang kabuuan ko. "Didiretso na ako roon kung ganoon,"
Pinanood ko siya hanggang sa makarating siya sa kamalig. Nandoon si Juandro kaya nandito ako dahil nga galit pa siya sa akin. Pero ano kayang gagawin nila? I rephared my question immediately.
Ano kayang ginagawa ni Gwyneth dito?
Ngumuso ako at nagpatuloy nalang sa pagsungkit ng mga tuyot na dahon. Alam ko namang marumi ako dahil sa mga lupang tumatalsik sa akin pero kung makatingin si Gwyneth parang dapat malinis pa rin ako kahit na nasa maruming lokasyon ang trabaho ko.
At bakit siya lang ang nandito? Nasaan sina Edisan at Mauri Ruamero?
Napalunok ako noong maisip na ganoon siguro ang ginagawa kapag magkasintahan na. Baka para sakanilang dalawa lang ang araw na ito. Hindi na kailangang isama ang kaibigan para magkaroon sila ng privacy. Siya talaga ang hinala kong rason kaya ayaw magpakasal ni Juandro kay Ate Dian.
Inalok ako ng meryenda ni Jezel, nasa portiko iyon pero pinili ko munang manatili sa kinaroroonan ko. Madalas ang pagsipat ko sa kamalig. Sampung minuto na yata ang nakalipas hindi pa rin lumalabas sina Juandro at Gwyneth kaya medyo nababahala ako.
Halos manlamig ang kaibuturan ko sa naiisip.
Siguro nga magkasintahan talaga sila. Hindi naman na iyon kailangang kumpirmahin pa ni Juandro pero bakit ganito ang nararamdaman ko? I was so confused with my feelings. And why do I have to feel this way anyway when I am not in the right position in the first place?
Para akong muling nabuhay noong mahagip ko silang palabas na ng kamalig. Nagtatawanan sila at napansin kong nakasuot na ang pamilyar na cowboy hat ni Juandro sa ulo ni Gwyneth. Ngunit hindi lang ang mga iyon ang nakapagpatigil sa akin.
May nilabas na kabayo si Juandro pero hindi iyon si Garbo. It's as if my heart was made of glass, but I carelessly dropped it when I realized that the horse was Loki.
Tinulungan niyang sumampa si Gwyneth doon at inalalayan habang naglalakad ang kabayo. Para bang tinuturuan niya itong mangabayo.
Napaawang ang bibig ko at napayuko. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay kong marumi at nakakuyom. Umiling ako sa sarili at naghugas sa may gripo. Tumigil muna ako sa ginagawa para sana makapag meryenda sa portiko pero ni pagkagat sa biscuit ay hindi ko maituloy tuloy kakanood sa kanila.
Ganoon din ang eksena sa sumunod na araw. Naroon ako sa portiko, kunwaring nagmemeryenda pero pinapanood sila. Juandro was teaching Gwyneth how to ride a horse, I was right. 'Yun nga lang bakit niya naisip na ipagamit si Loki? Sa dami ng kabayo sa kamalig, si Loki pa talaga na pag mamay ari ko?
I studied every steps he's teaching her. Mukha namang hindi nakikinig ng maayos si Gwyneth dahil nakatingin lang siya sa mukha ni Juandro at nagpipigil ng kilig. Kaya ang ending, nagkakamali siya at minsan nahuhulog pa sa damuhan. Hindi ko mapigilang mapangiwi tuwing mangyayari iyon sakanya. Para bang sinasadya niya iyon para mahawakan siya ni Juandro.
Nadatnan ako roon ni Hakim. Mukhang kakagising niya lang. Inakbayan niya ako na parang barkada niya lang. He asked what I was doing before eating meryenda and I told him I was plucking dead leaves. Sinawsaw niya 'yung nachos sa melted cheese at uminom ng juice sa mismong baso ko.
Sa gilid ng mata ko, nahagip ko ang pagbaling sa amin ni Juandro. Nagtagal ang matalim niyang tingin sa amin. Umismid lang ako at ngitian si Hakim.
"Juandro!"
Sabay kaming napatingin ni Hakim kina Juandro. Kitang kita ko ang pagkasubsob ni Gwyneth sa damuhan kaya ang ibang trabahador ay lumapit. Si Juandro pa ang huling dumalo dahil abala sa kung anong bagay.
I heard Hakim chuckled. "Weird,"
Dahil sa nangyari, narinig kong nasugatan daw si Gwyneth kaya ginamot siya mismo ni Juandro, at dinala pa niya ito sa kwarto niya. Walang nang ibang nakakaalam sa nangyari roon dahil hindi na nagpatulong si Juandro.
I just heaved a deep sigh and walk past the hallway where Juandro's room was.
Sa sumunod na araw, pinagpatuloy ko ang pagbabasa noong librong hindi ko natapos noon. Doon ako nag stay sa library pero dahil wala akong masyadong makitang tanawin dahil masyado itong closed space, bumalik nanaman ako sa portiko at doon nagbasa. Hinatidan ulit ako ni Jezel ng makakain.
I looked out at the ranch, where Juandro and Gwyneth were once again running around with Loki.
Kapag nagpapahinga sila, doon sila uupo sa pina request ni Ate na tambayan sa ilalim ng puno ng Acacia. Doon ko siya madalas makita pero ngayon, wala siya kaya sila Juandro at Gwyneth ang umookyupa noon. Kompleto ang metal na upuan at lamesa. Sa sanga ng puno ay may nakasabit ding duyan. Minsan lang akong nakatambay, pero maganda roong magpahinga.
Sinipat ko sila ng tingin. They were chatting there intimately. At sa tuwing nakikita ko sila roon para na rin akong nanonood ng isang romantikong date na nakikita ko lang sa mga pelikula.
Hindi ko lang inaasahan na magrerequest si Gwyneth na ipagbake ko sila. Wala siyang sinabing brownies, at kung brownies naman hindi makakakain si Juandro kaya naisip kong cookies nalang.
Kahit na sa loob loob ko'y may hinanakit na namumuo, tinanguan ko pa rin si Jezel at inutos ang mga kailangan kong gamitin sa paggawa ng cookies.
"Okay ka lang ba, Miss?" nag aalalang tanong ni Jezel sa akin.
Natapon ko kasi ang kalahati ng harina sa counter top.
"Sorry! Sorry!" paulit ulit kong sabi at nilalagay ang natapong harina sa isang bowl.
"Ako na 'yan, Miss!"
Hinayaan ko si Jezel at pinakalma muna ang sarili. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ko at the same time medyo naiinis. Pero bahala na. Kailangan kong maperpekto ito kahit pa hindi ko inaasahan ang komento ng mga kakain. Hindi ko nga alam kung paano ako natapos nang hindi na pumapalpak pa.
"Ay, naku! Ako na ang magsserve niyan, Miss Rio!"
Aagawin na sana ni Jezel ang serving plate ng mga na-bake ng cookies nang pigilan ko siya.
"Ako na, ayos lang Jezel," I gave her an assuring smile.
"Sure kayo ah?"
I just chuckled at her. Namamawis ang mga kamay ko habang naglalakad palapit sakanila. May serbidora sa malayong distansya nila. Lalapit na sana siya sa akin pero sumenyas ako na ako na. Nakatalikod si Gwyneth mula sa akin at kaharap niya si Juandro, kaya si Juandro ang unang nakakita sa akin.
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko pero tumigil din ang kaniyang mata sa hawak ko. His left brow shot up.
I cleared my throat and tried to maintain my composure.
Sinundan ni Gwyneth kung saan naka pokus si Juandro, at noong makita niya ako ay malawak siyang ngumiti.
"Aw! That's so sweet of you, Rio! Thank you!"
Binaba ko sa bilugang mesa ang serving plate na puno ng cookies na may halong peanuts. Katulad ng binake ko para sana kay Juandro noong nakaraang araw. Hindi ko alam kung tiktikman niya ba pero kabado ako.
"Walang anuman," ngiti ko sakanya.
"Why don't you join us nalang? Nag meryenda ka na ba?"
Hindi ko tiningnan si Hakim pero alam kong nakatingin siya sa akin, pinapanood ako. Nag init tuloy ang pisngi ko.
"Ayos lang! Uh, kakatapos ko lang naman..."
"Sorry if naabala ka namin ah? Nagbibiro lang naman ako pero hindi ko inasahang sasabihin nila sa'yong ipagbake kami," malakas na tawa ni Gwyneth.
"Uh, w-wala 'yon sakin..."
"Halika umupo ka muna! This is the first time you'll join us. Lagi ka nalang nandoon sa garden, akala ko tuloy katulong ka noong isang araw!"
"Masaya naman ako sa ginagawa ko,"
Namilog ang mata niya. "Talaga? It doesn't
make you feel old? I mean," she chuckled. "Don't get me wrong pero pang matanda 'yang mga hobbies mo. Anyway, do you have an ex-boyfriend?"
Umiling ako. Napapalakpak siya sa ere.
"Maybe because of that! Hindi ba Al? Pang matanda kasi ang hobbies niya. Kinda boring,"
"Yeah," Juandro answered and he looked away.
"Oh, I told you!"
Ngumiti lang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Parang may bukol na biglang namuo sa lalamunan ko. Nanliliit tuloy ako. She's most likely the sort of girl that understands how to correctly apply makeup, ponytail her hair, dress beautifully, smells good, and is liked by everybody. She'd probably breeze through the requirements of all the males she likes.
"Sit down, girl! Let's try the cookies you baked,"
Wala akong ibang nagawa kung 'di ang makiupo roon. Nag request na siya ng extra juice kata wala na rin akong nagawa.
Kahit na mukhang kalmado ako at hindi apektado sa sinabi niya nararamdaman ko pa rin ang lakas ng t***k ng puso ko. Parang may namumuo sa kaibuturan kong tingin ko hindi magandang pakiramdam. Natatakot lang ako na baka kapag napuno, hindi ko magustuhan ang gagawin ko.
"Masarap naman," si Gwyneth noong makatikim ng tatlong cookies. "But I don't wanna lie to you because I want you to improve,"
Tumango ako at hinanda ang sarili sa husga niya.
"It's just that it's not sweet enough. Parang tinipid mo sa sugar,"
Sa loob ko, agad akong magprotesta. Tama lang 'yung sukat na ginamit ko ah? Kapag hindi ko iyon sinunod at sinobrahan pa, baka ma-diabetes pa 'yung kakain.
"Parang kulang 'diba Al?"
"No. It tastes good for me,"
"What? How about mine, sabi mo masyadong matamis?"
"I liked them too,"
Sumimangot si Gwyneth, parang hindi nasatisfy sa sagot ni Juandro. I sighed then just looked away. Nag aabang lang ako ng tiyempo para tuluyang makaalis dito. Hindi naman ako makasabay sakanila at halatang nakiki third wheel lang ako rito. Kung hindi lang ako inubusan ng choice kanina ni Gwyneth para makaalis, 'edi wala ako rito ngayon.
"Which is better, then, 'yung matamis o matabang?"
"Why would you ask me that kind of question, Gwy?"
"Why not? I just want to know!"
I cleared my throat, hoping I'd get their attention but I felt the tension that's building between them instead.
Tumayo ako para sana magpa alam pero hindi ko inaasahang nasa gilid ko na pala ang serbidorang may dala ng tray ng aking inumin. Napahiyaw si Gwyneth nang matapon 'yung juice lahat sakanya.
Agad na humingi ng tawad 'yung serbidora samantalang ako ay nakatayo lang at mukhang pinoproseso pa ang nangyari pero ang totoo nakaramdam ako ng kaonting pagka wagi nang makita ko kung gaano kasama ang reaksyon niya at ng nangyari sakanya.
"Ouch! 'Yung sugat ko!" she cried out.
Doon ko lang napagtanto kung anong nagawa ko. Napalunok ako at nakita kung paano marahang tinaggal ni Juandro 'yung band aid na nakasabit na sa sugat niya sa braso dahil nabasa ng juice at natamaan din yata ng baso.
Pinagsisihan ko agad ang naramdaman ko kanina. Maybe I was just affected but I don't feel anything bad towards Gwyneth. Siguro ganoon lang talaga siya. Ate Dian's way worse than her but I do understand.
Tumulong ako sa pagpupunas sakanya kahit pa medyo galit na siya at kung makatingin sa akin, ako ang sinisisi sa nangyari.
Dinala namin siya sa bulwagan at pinaupo sa sofa. Naalarma rin ang mga kasambahay pati si Manang Melba.
"S-Sorry," I said when we laid her on the sofa.
But Gwyneth acted as if she didn't hear me. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at lumayo roon sa sofa. Juandro gazed at me but I was too preoccupied to feel guilty because of what happened to Gwyneth. Hindi ko mapigilang hindi sisisihin ang sarili.
Jezel asked me if I was fine, I just nodded at her. Nakita kong nagdurugo na 'yung sugat ni Gwyneth kaya mas lalo akong kinabahan at sinisi ang sarili.
Hindi ko inaasahang ang pagiging careless ko kanina ay magdudulot ng ganito.
Juandro asked for the first aid kit and extra clothes. Mabilis siyang sinunod ng mga kasambahay. Noong naibigay na ang hininga niya, umalis na rin sila kalaunan kaya ang natira nalang na nanonood sa kanila Juandro ay kami ni Erica, 'yung serbidora kanina.
Noong napagtantong wala naman akong ginagawa roon umalis ako at dumiretso sa kusina.
Walang katao tao roon kaya nagpasalamat ako. Tumungo agad ako sa ref at kumuha ng tubig. Nagsalin ako sa baso at uminom. Para akong nakahinga nang maluwag ngunit natulala pa rin ako pagkatapos, nirereplay ang mga nangyari kanina sa utak ko.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang pumasok din doon si Juandro. Pinanood ko siyang kumuha ng baso tapos dumiretso siya sa tabi ko at kinuha 'yung pitsel na nilabas ko kanina para magsalin naman ng tubig sa baso niya.
Isang beses niya lang 'yon nilagok. Kaya noong tapos na niya, doon ko naisip na humingi rin ng tawad.
"S-Sorry... hindi ko sinasadya na... masagi si Erica..." my lips trembled.
"Alam ko," his voice was low. "Are you okay?"
Tumango lang ako nang hindi tumitingin sakanya. Malalim akong napahugot ng hininga at binalik na ang basong ginamit sa lalagyanan nito.
"Do you know what my answer was to Gwyneth's question earlier?"
Hinarap ko siya, muntik nang hindi mahinuha ang tinutukoy pero nakuha ko rin sa huli. Yumuko ako at napa buntonghininga. Syempre mas pipiliin niya ang gawa ng girlfriend niya.
I shivered when I realized that he's already standing in front of me. Sinisipat ako ng madilim niyang mga mata. Para akong matutunaw dahil doon. There's just too much intensity in his eyes. Ano kayang nararamdaman ng mga taong nakasalubong na ang kaniyang mga mata? Hindi ko alam ngunit lagi ako noong pinakakaba. And I am not even sure if that's still normal.
Umatras ako ngunit tumama na ang pwet ko sa counter top kaya nawalan ako ng pag asang makatakas. Tinukod niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko, kinukulong ako sa maliit na espasyo upang mas lalong mapalapit sakanya.
He crouched a little to level my gaze with his.
"I liked your... cookies more, Rio..." he hoarsely said.