Kab 16

2991 Words
Tinulak ko ng buong lakas ang dibdib ni Juandro noong makita kong papasok na si Hakim sa kusina. Hindi ko na naisip kung masasaktan ba siya sa gagawin ko, ang sa akin lang basta hindi kami madatnang nasa ganoong posisyon ni Hakim o ng kahit sinong tao. Umangat ang gilid ng labi ni Hakim, nang uusisa. Madrama siyang naglakad palapit sa counter top habang naniningkit ang mga mata sa aming dalawa. "While your lady is crying out there, you're right here, Juandro?" he said mockingly. "That's not very Barrios behavior, hermano mayor!" "So you're telling me that a Barrios behavior includes acting like a jealous kid? Just having a little chit-chat with her, donkey. Stop being so territorial," "Teka? Ako ba talaga ang nagseselos dito?" "Dami mong sinasabi, tumahimik ka nalang," "Ikaw 'yung madaming sinasabi riyan," Lumayo ako ng konti noong ibabalik na ni Juandro 'yong baso niya sa lalagyanan din noon. Napansin niya ang ginawa ko kaya bahagyang nagtiim ang bagang niya. Sinubukan kong magsalita, baka kung saan saan na papatungo 'tong usapan nila. "Wala naman kaming ginagawa, Hakim. Uh..." sinulyapan ko si Juandro, his eyes were already flaming with iritation. "Umiinom lang siya," Naningkit pa ang mata ni Hakim. Mayroong namumuo sa isip niya pero pero hindi niya iyon isinatinig "What? But I'm not saying anything though. I don't know about you two, you looked like you've seen a ghost," he shrugged. Naglakad si Juandro papunta sa b****a ng kusina hindi pa man din natatapos sa sinasabi si Hakim. Tumigil lang siya sa gilid niya. Amba na sana akong lalapit sakanila, akala ko susuntukin na siya ni Juandro. "It's okay, Rio. Don't worry about us. Wala talaga lagi sa mood ang bayaw mo kaya pagpasensyahan mo na," ngisi pa ni Hakim. Nakita ko kung paano kumuyom ang mga kamay ni Juandro. Hakim was very clam opposite from what Juandro was showing. Pero malakas ang hula kong magsusuntukan na sila. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako sa labas para tawagin sina Manang Melba o papagitna nalang sakanilang dalawa. Pero sa huli, 'yung pangalaw sa pagpipilian ang sinunod ko. "Hakim, Juandro, tama na please?" Tinaas ni Hakim pareho ang kamay niya sa ere, senyales ng pagsuko. Ngunit ang matalim at halos nakakamatay na tingin ni Juandro at nanatili paring nakatarak diretso sa kaluluwa ni Hakim. Ayaw magpa awat. "Juandro," Labis ang pasasalamat ko noong nakuha ko ang atensyon niya. Gusto kong sabihin na kumalma muna siya pero walang lumabas na salita sa labi ko. Nakatitig lang ako sa mukha niyang iritado ngunit hindi na ganoon kagalit. Umalis siya roon nang halos hindi na mahintay ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin. Malalim akong huminga. Parang nagkakarera sa bilis ang t***k ng puso ko. Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nagpipigil ng paghinga. Noong umalis si Juandro, hindi ko alam bakit parang nawala ang tensyon sa paligid. His dark aura does a magic everytime, I guess. "You didn't have to do that, Rio. We just love to play around like that sometimes," Sumimangot ako. "Ganoon ba talaga kayong dalawa? Kapag nagbiruan parang magpapatayan na," Humalakhak siya at umakbay sa akin. "I guess we learnedthat  from our parents," Naging palaisipan sa akin ang huli niyang sinabi. May problema ba sila sa magulang nila? At kung mayroon, anong dahilan? Kaya ba nandito sila ngayon sa puder ni Senyor Manuel? Gusto ko mang tanungin iyon kay Hakim pero ayaw ko namang isipin niya na masyado akong nakikialam sa pamilya nila. At malay ko baka sensitibo pala 'yung topic na 'yun para i-open up sakanya. Hanggang sa maghapunan, nakakaramdam pa rin ako ng tensyon sa paligid. Hindi naman ganito kapag kumakain kami. Medyo nasanay na ako na palatawa si Hakim, si Juandro ay laging nakabusangot at si Ate Dian, nangbabara lang sa aming tatlo. Ako naman 'yung minsan minsan lang nagsasalita. "Afritada nga 'to!" si Ate Dian kay Hakim. "Kalderata 'yan baliw!" Nakahanap nanaman sila ng pagtatalunan na dalawa. Kagabi nagdedebate sila sa kung sino ang unang presidente ng Pilipinas, ngayon ulam naman ang pinag-dedebatehan nila. Ngumuso ako at nadapo ang mga mata kay Juandro. Kunot ang noo at mukhang bagot na bagot sa usapan ng dalawa naming kasama. Hindi ko inaasahan na mag aangat siya ng tingin sa akin. Mukhang alam naming dalawa ang sagot. "There's patatas! There's carrots!" si Ate. "Meron din naman ang kaldereta ah! There's no cheese on Afritada!" "May cheese ba 'to!? Wala! Hello? This is Afritada!" "Merong cheese! Wala ka bang panlasa?" Pinandilatan siya ng mga mata ni Ate Dian, para bang babatuhin na siya ng hawak na kubyertos any time. "Menudo talaga 'to," singit ko. "May atay oh," sabay tusok ko sa atay at pinakita. Nanahimik silang dalawa. Pinigilan ko ang pagtawa ngunit nangingiti ako. Juandro heaved a sigh of relief. "There you are. A little peace while eating," "Shut up!" halos sabay pang sabi noong dalawa. "At least walang cheese ang menudo," Ate Dian said cockily. Mabuti at hindi na siya pinatulan ni Hakim pero ako naman ngayon ang kinakausap niya. "I enjoyed what we did in the library, Rio," sabi niya, tama lang para marinig noong dalawa. Napansin ko agad ang pagkunot ng noo nila. Ano nang meron dito kay Hakim at parang ikakamatay yata kapag hindi nakapagsalita ng sampung segundo. Kahit nga kanina sa library ang dami niyang sinasabi. He dragged me out of the kitchen earlier, right after Juandro left. May itatanong daw siya since kilala ko naman si Vern Alejo. He asked how did I know him. Who are his and Ate Dian's mutual friends or close friends? Syempre nasagot ko naman kasi lahat konektado kay Ate Dian. Hindi ko lang alam kung bakit bigla niyang binabalik si Vern Alejo sa buhay namin. I awkwardly chuckled. "'Yun ba..." "Parang dapat mas madalas natin 'yung gawin. Nakakawala ng stress." Nangunot ang noo ko at hininaan ang boses. "Akala ko ba okay-" "No. I really liked it, Rio. Siguro sa susunod sa terrace na tayo-" Pareho kaming nagulat noong akala namin may nabasag nang plato. Si Ate Dian lang pala na magsasalin ng tubig mula sa babasaging pitsel. "Don't you guys at least have a trigger warning or something when you talk about things like that in public?" "No?" "You're disgusting, then," "We both know who's more disgusting here," "Stop it, you two," Juandro was already pissed, but he managed not to lose his cool. "Bakit naman? Kinakausap ko lang naman ang fiancé ko rito?" patay malisyang untag ni Hakim. "Wanna sleep in my room tonight, love?" Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya ng pasinungaling o ng patotoo. Pakiramdam ko, ang dalawang pares ng mga matang nakaabang sa sasabihin ko ay mag aalab sa galit kapag sinagot ko 'yun ng may kasinungalingan. Pero kami ang mapapahamak kapag tinotoo ko naman. "Sige..." napakahina ng boses ko pero pakiramdam ko narinig nila iyon lahat. Halos hindi ako pinatulog ng mga nangyari. Nagising lang ako noong masinagan na ng sikat ng araw ang loob ng kwarto ko. I did my usual morning routine and to my surprise Gwyneth didn't appear that day. Pero inisip ko na baka medyo hindi pa ayos ang pakiramdam niya. Malaki 'yumg sugat niyang nakita ko at iba pa 'yung mga gasgas na nakuha niya noong mga unang araw niya palang. Doon na ako sa library nag stay para tapusin 'yung librong binabasa konat tutal kukunin nanaman ni Hakim ang oras ko para roon kay Vern Alejo kuno. Inisip ko kung ano pa bang hinahanap niya, para ngang nasagot ko na lahat noong isang araw. Nagulat nga lang ako noong naging tungkol kay Ate Dian na mismo ang mga tanong niya. "Hindi ko alam, Hakim. Pero marami na siyang naging boyfriend, 'yun nga lang hindi ni-legal," "Since high school?" "Hmm. Fresh men year siya. Nasa elememtary pa ako pero may nalalaman na ako," Kumakain kami ng chocolate truffle at lemon juice na may honey. Imbes na roon sa desk nag uusap, nilipat namin sa tapat verticial fiber glass window ang mga upuan namin at doon nag meryenda. Mula roon, kitang kita ang rancho. Bakante at walang bakas ni Gwyneth at Juandro. Nakita ko na si Juandro na lumabas ng kamalig pero kay Garbo na ngayon umangkas, dumiretso sila sa hilaga, mukhang magchi-check nanaman siguro siya ng mga niyog. Takang taka tuloy ako. Kahit siguro may sugat si Gwyneth, pupunta at pupunta pa rin siya rito. She fancies Juandro a lot, it's very obvious with the way she acts whenever he's around. Parang wala namang makakapigil na kahit ano sakanya, masilayan lang siya. Maliban nalang kung sinabihan siya ni Juandro na huwag nang pumunta pa rito. Pero imposible naman iyon. Gusto siya ni Juandro. Matiyaga siya sakanya at bagay na bagay sila sa isa't isa. Kaya imposible namang ipagtabuyan siya ni Juandro. At kung ipagtatabuyan niya ito, ano ang kaniyang dahilan? Napaka komplikado naman. Walang anino ni Gwyneth sa araw na 'yon. Kaya medyo payapa ang damdamin ko. Hindi naman sa sinasabi kong ayaw ko sa presensya niya rito. Pakiramdam ko lang kung may mangyayari ulit sakanya ako ulit ang may kasalanan. Ayaw ko lang ng gano'n. Ayaw ko lang ulit maramdaman 'yung naramdaman ko habang pinapanood ko siyang nahihirapan. I felt really guilty. Naglipat ako ng mga halamang patubo palang sa mga extrang paso mula sa bodega. Nagkulang pa nga eh, kaya naisip kong baka pumunta nalang ako sa Rosales para bumili ng mga paso sa ibang araw. Kakatapos ko lang sa ginagawa ko kaya naisip kong bisitahin muna si Groot. Nagulat lang ako noong hindi ko na siya nadatnan doon sa kulungan. Nag alala ako, inisip kong baka nakawala siya o ninakaw o kinain ng mabangis na hayop. Chineck ko isa isa ang bawat kuwadra pero hindi ko rin siya mahanap doon. Umakyat din ako sa attic kahit na imposibleng mapunta siya roon. Hinalughog ko bawat sulok ng kamalig pero wala. Sinubukan ko sa labas. Inikot ko ang haligi ng kamalig, sa damuhan, pati sa malalapit na puno roon. Ayaw ko munang magtawag ng tulong baka sakaling naririto lang siya pero naikot ko na at nahalughog ang lugar, wala pa ring bakas ni Groot ang nahanap ko. Babalik na sana ako sa loob noong mahagip ng mata ko si Juandro sa silingan ng kabayo, naghuhugas sa gripo. Naka black T-shirt ito, faded jeans at birkenstock. Ang krus na kwintas ay umiilaw dahil sa sinag ng araw. Umalis na siya roon at mukhang papunta na rin dito pero hindi ko na siya hinintay makarating dito. Mabilis kong tinakbo ang distansya upang makalapit sakanya. "Juandro, nakita mo ba si Groot?" Hindi siya tumigil sa paglalakad at dahil nga malalaki ang hakbang niya, para ko siyang hinahabol habang kinakausap. "Wala kasi siya sa kulungan at kanina ko pa siya hinahanap. Tiningnan ko na rin lahat ng pwede niyang puntahan pero wala talaga eh..." Nakapasok na kami sa kamalig pero hindi pa siya nagsasalita. Imbes ay dumiretso siya sa kaliwang hilera ng mga kuwadra at naglagay ng dayami sa mga iyon. "Juandro... nawawala si Groot... " halos mag makaawa ang boses ko. Tumigil siya sandali sa paglalagay ng dayami sa isang kuwadra para sagutin ako. "Talagang hindi mo na siya mahahanap," Natigilan ako at kinabahan. "B-Bakit? May nangyari bang masama?" "No," "Ha? A-Anong nangyari kung ganoon. Bakit wala siya rito?" His jaw clenched when he looked at me. It's as if I pissed him off because of my questions. "Binalik ko na siya kay Aguire," Namilog ang mata ko at parang may mabigat na dumagan sa puso ko. Bigla akong nakaramdam ng galit at kalungkutan. I swallowed hard, trying hard not to make my voice crack. "Binalik mo na sa may ari?" ulit ko sa sabi niya. "Yes," and then he looked away and continued putting tons of dry grass on the next stable. Lumapit ako, gusto kong harapin niya ako. Bakit ba siya ganito? I could feel my anger rushing through my veins. Kung sasabog ako sa galit, alam kong maiiyak lang din ako sa huli. "Pero bakit? Akala ko ba..." All the things he said to me, I remember it all too well. Hindi ba, gusto niyang alagaan ko si Groot pati na rin si Loki? Pero bakit hindi siya tumutupad sa usapan namin? "You're a busy person now so I thought it's better if I return him back. Besides, you're not the real owner," "Hindi naman ako busy ah... kaya nga ako nandito ngayon para sana pakainin siya kanina pero wala siya. At kung abala man ako, hinahabilin ko naman siya kina Ian o Mang Pastor o kahit kay Jezel... Hindi ko naman siya hinahayaan na mapabayaan..." "You're wasting our helpers' time here every time you ask them to take care of Groot when in fact, it's really your job. Now that you're engaged, I know you'd spend more of your time with your fiancé so I did the best decision. I did you a favor," Tears streamed down my cheeks, and I felt as though every element of my exploding rage had become pain. Suminghap ako at kinagat ang labi, pinipigilang ang sariling humikbi. Mukhang alam ko na kung bakit niya talaga 'to ginawa. I know he's ruthless, but I never expected to see him the way I do right now. Lumapit siya sa akin pero hindi ako lumayo, pinunasan ko lang ng paulit ulit ang luha ko. I want him to see that I'm angry too. "Why are you crying now, huh? You're mad?" "Nagsinungaling ka..." "Then we're now even, baby. We're both liars and we're both mad..." Amba na sana niyang pupunasan ang pisngi ko ngunit iniwas ko ang mukha ko. He chuckled sexily, but it was only for a brief moment. When I gazed at him, his face became serious. "Now tell me the truth. Why did you agree to the engagement?' Umiling ako at tatakas na sana roon pero naramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa mga braso ko. "Bitiwan mo 'ko," garalgal kong sabi. "I won't. So tell me the truth. Now." he softly said. "Is it only because you want to save your father, hmm?" "Hindi kasi... bawal sabihin. Hindi mo maiintindihan," "I promise, I will try to understand..." Umiling ako at mas lalo lang nahulog ang mga luha ko. I made a promise with Hakim. Yes, I made a promise with Juandro too, but it doesn't involve my family. Alam ko sa sarili kong mas importante ang kapakanan ng pamilya ko kaysa sa ibang bagay. Kaya hindi ko masabi sabi kay Juandro ang totoo. "Then, at least tell me if it's real or not. If you're just pretending... because heaven knows how I'm so tired of watching him look at you," Kung alam mo lang din kung gaano kalaki ang guilt na dinadala ko para lang mapagtakpan ang lahat ng ito. Para lang mapigilan ang tunay na nararamdaman ko. Mariin akong pumikit at pilit na pinanghawakan ang pangako kong walang sinuman ang makakaalam ng kasinungalingan ko. I admit that if it's not Juandro who's in front of me, I could fake it easily. Pero hindi, siya 'yung nandito, nakikinig, nag aabang ng sagot na hindi ko kailanman sasabihin. He nodded when he realized I will not answer him. Kahit ganoon, kitang kita ko pa rin ang pagdaan ng sakit sa mata niya. Lumapit pa siya sa akin kaya napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa tarangkahan ng isang kuwadra. Gumapang ang dalawang kamay niya sa pisngi ko, ang mga daliri niya'y pinupunasan ang mga luha ko. "Please stop crying..." Nagtagal ang tingin ko sa mukha niya. Ngayon lang yata kami nagkalapit ng ganito. I can see his perfectly sculpted face closely. Ang mga mata niyang animong poot at galit lang ang dinadala, ang tamang tangos ng kaniyang ilong, ang mamula mula niyang labi, ang kilay niyang hindi masyadong makapal at manipis. May mga maliliit siyang nunal sa mukha. Isa sa sentido at sa ilalim ng kaniyang mata meron. Hindi talaga mapagkakaila ang kagwapuhang dala niya. At bakit ba 'yun ang pinapansin ko imbes na 'yung galit ko sakanya? Ilang beses naman na akong humingi ng tawad sakanya pero hindi niya tinanggap tapos kung makabawi siya sa akin, ganito kalala. "Bitiwan mo na 'ko," nanghihina kong sabi ngunit mas malakas siya sa akin kaya hindi ako makawala nang tuluyan "No," aniya at bumaba ang tingin niya sa labi ko. Nagliyab agad ang kaba ko. Hinaplos niya ang pisngi ko at nilapit niya ang mukha niya sa akin. Para akong kinukuryente dahil sa ginawa niya. It was my instinct that told me he's going to kiss me so I closed my eyes. All of my thoughts and anger flew away by just thinking that he'd kiss me. Here. Right now. Ngunit ilang minuto pa ang nagdaan, wala pa rin akong nararamdamang lumapat sa labi ko. When I opened my eyes, I saw the ghost of a smile on his face while watching me closely. "I guess it's my turn to play the game my own way," he said cockily. Nagtiim bagang ako at inipon ang lahat ng natitira ko pang lakas upang itulak siya. Noong nagwagi ako umalis agad ako roon. Nakakainis! Nakakahiya! Akala ko hahalikan niya ako pero hindi nangyari! At hindi kailanman 'yun mangyayari! Kahit sa panaginip ko, hindi! Nababaliw na siguro ako at bakit masa akong hahalikan niya ako! Hindi pa man din ako nakakalayo, may humablot nang mainit na palad sa palapulsuhan ko. Hinila ako ni Juandro palapit sakaniya at binagsak sa kaniyang dibdib. Ang init ng kaniyang katawan ay yumakap din sa balat ko. His hand was caressing the small of my back while the other was near my butt. Gulat na gulat ako sa bilis ng nangyari. Kahit pa nakakahalina ang amoy niya hindi ko parin mapigilan ang pagkagulat. "Hindi kita hahalikan hangga't suot suot mo ang singsing na 'yan, Rio," mahina niyang sabi at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin. "It really f*****g annoys me so much,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD