Kab 17

3237 Words
If something happened between you and other people, it's quite difficult to maintain a normal demeanor especially when they're around. Para akong naglalakad sa kawalan sa araw na iyon. Lagi ko ring napapansin ang mga mata ni Juandro sa akin, parang bawat kilos ko pinapanood niya. Ano bang gusto niyang mangyari? Gusto ko siyang prangkahin dahil galit pa rin ako sa ginawa niya pero galit din siya sa akin kaya baka maulit pa 'yung nangyari kanina. Iniisip ko palang, nag iinit na ako sa kahihiyan. Kaya ginagawa ko nalang panakip butas ang galit ko sa hiyang nararamdaman ko. "Are you still mad?" Bungad niya sa akin, kalalabas ko palang sa gilid ng mansyon, hindi ko namalayan na nag aabang na pala siya sa garden. He looks so fresh with his blue jersey top and black jogger pants. Amoy na amoy din ang sabon niyang panligo mula sa kinaroroonan ko. He's breathtakingly beautiful just like the morning. Tiningnan ko lang siya pero dumiretso ako sa may gripo. Nakadikit na roon ang hose kaya iikutin ko lang tapos pwede na akong mag dilig. Dumiretso na ako roon sa mga pasong hindi ko diniligan kahapon. Hindi naman araw araw ang dilig ko sa mga halaman. Syempre mag lalaktaw din ako ng ilang araw tapos didiligan ko ulit sila. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Juandro sa tabi ko. Sinundan niya pa pala ako. "Please, Rio. Talk to me..." his voice was almost begging but something's holding him back. "Ano pa bang pag uusapan natin, Juandro?" pagod kong tugon. Ilang segundo pa bago siya magsalita. Noong nilingon ko siya, nangingiti siya na parang mangha at offended sa sinabi ko. "Bakit umaasta ka na ngayon na parang hindi ka naghintay sa halik ko kahapon?" "Pwede ba, Juandro? Huwag mo muna akong guluhin... Ang aga aga pa..." "And now you're pushing me away..." Nagkamot ako ng sentido at nagpasyang sa malayong parte nalang ng garden magdilig. Hindi ko alam na ganito pala siya kakulit. Akala ko hindi na siya susunod pero hinabol niya pa ako. "I'm sorry, okay?" his hand caressed my elbow, mabilis akong umiwas. "It's obvious you're still mad and I'm such an annoying peasant here right now but I don't want you ignoring me, Rio," "Ayos lang. Hindi naman kita iniiwasan. Sige na pwede mo na akong iwan," "Talaga? Bakit mo ako pinagtatabuyan kung ganoon?" Nagtiim bagang ako, hinahanap ang manipis na manipis nang pasensya ko na kailangan kong habaan para lang hindi ko siya mabulyawan. Ang kulit niya talaga at hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko! "Wala ka bang gagawin ngayon?" I hid my iritation. "Meron naman, pero gusto ko lang na... makausap ka. At makatulong din sana... kung merong gawain na nahihirapan ka," "Salamat sa pagmamagandang-loob pero okay na ako rito," He sighed heavily. He shook his head then looked away. "Why are you so cruel to me?" Siya pa talaga ang nagtanong nyan? Kung wala lang siya sa tabi ko, iisipin kong guni guni ko lang 'yun. "Bawiin ko na ba si Groot?" Natigilan ako pero hindi pa rin nagpatinag sa sinabi niya "Huwag na, malaki pang abala sa may ari. At nabigay mo na, kapag kukunin mo ulit nakakahiya naman," "No, really, I can-" Tiningnan ko siya ng may banta sa mga mata. "Huwag na, Juandro. Ayos lang," Tumango siya at ngumuso. Hindi ko lang inaasahan ang pag walk out niya roon. Pinigilan ko ang sarili na huwag na siyang tingnan pa. Anong meron at mukhang napaka big deal sakanya na may isang taong galit siya ngayon. Last time I checked mas malamig pa siya sa yelo at mas matigas pa sa bato kung makaasta. He's out of everyone's reach except for his family... No... It really doesn't look like it. Payapa ang unang tatlong minuto ko noong wala siya. Dinig na dinig ang pagaspas ng mga dahon sa paligid dahil sa pag ihip ng hangin. Humuhuni rin ang mga ibong namamalagi sa mga puno. Nag hahari ang araw na akala mo'y hindi siya mawawala sa takdang panahon. Maganda ang araw na 'yun kaso nga lang si Juandro... siya 'yung nag iba sa madalas kong nakasanayang makita sa umaga, dito sa probinsiyang ito. I don't know why his appearance that came out of nowhere shook everything up a bit. It was a heavier impact, so unexpected. Hindi pa nga nakakaabot sa limang minuto, bumalik na siya. Napaawang ang labi ko noong may dala dala siyang watering can. "Juandro!" pagpigil ko sakanya pero balak niya na yata talagang tulungan ako ngayon. Alam kong hindi naman siya papasuway kaya sa huli, hinayaan ko nalang din. Panay nga lang ang lingon niya sa akin habang nagdidilig kami roon. At kung mahuhuli ko siya, magkakatitigan lang kami. Akala ko may sasabihin pero sa huli iiwas lang din ng tingin. Pinatay ko ang hose at nilingon niya ako. Namilog ang mata ko noong nakita ko na na maling parte ng halaman ang dinidiligan niya. "Juandro, mali 'yang dinidiligan mo!" Bahagya rin siyang nagulat dahil sa reaksyon ko. Nilayo niya agad ang water can sa mga halaman. I drew closer to him to show him which plant he should water. "Sorry," he licked his lower lip and followed what I said. It's really entertaining to see an adult man holding a watering can while watering plants. At sa gitna pa talaga ng mga halaman at mga bulaklak. Para siyang out of place doon pero hindi ko makitang negatibo iyon. Sa gitna ng hardin, siya ang namumukod-tangi. Hindi niya ako matingnan at napansin ko rin ang pamumula ng pisngi niya. "Namumula ka," puna ko. "Dahil lang sa araw," "'Di nga?" Tumaas ang gilid ng labi niya at sinulyapan ako. His eyes that's full of amusement trailed every part of my face down to my neck, and he had a playful grin on his face when he looked up to meet my gaze. Naalala ko bigla 'yung nangyari sa kamalig. He was like this and I immediately assumed he's going to kiss me, but who am I joking? "Are you always like this every morning?" Kumunot ang noo ko, naguguluhan sa tanong. "H-Huh? Bakit?" "It's just... you're really breath-taking," aniya at mahinang humalakhak. Pupusta ako, ako na ngayon 'yung namumula ang pisngi dahil sa sinabi niya. Pero hindi ko rin mapigilang mangiti. Ngumuso ako para itago iyon, kailangan kong alalahanin na galit ako sakanya. "Tapusin mo na 'yan, uh... babalik na ako sa loob," "Bakit?" "Maglilinis ng kwarto," "Hindi ba nililinisan ni Jezel?" "Kaya ko naman," He smiled sexily. And I didn't even notice that I stared at his lips shamelessly. "See you around then," "Okay," Pagkatalikod na pagkatalikod ko, kinurot ko agad ang sarili. Parang may nangingiliti sa tiyan ko, hindi ko mawari kung ano. Pero alam kong hindi dapat iyon nangyayari sa akin. Para nga lang akong baliw na nangingiti sa kwarto habang naglilinis. Sinamahan ako ni Jezel doon pero pakiramdam ko nawi-weirduhan siya sa asal ko. "Mukhang nasa pinaka the best mood kayo ngayon ah," puna niya. "H-Huh? Ganito naman ako palagi," "Hmm... Oo nga pala..." parang may meaning 'yung sinabi niya pero inilingan ko nalang siya. Pagkatapos namin doon nagpasya akong maliligo muna bago mananghalian. I also told Jezel that I was going to town to buy plant pots. Tamang tama raw at mag g-grocery raw siya ngayon. Si Ate Maya ang nakatoka sa trabahong iyon pero may pupuntahan yata siya kaya pinasa kay Jezel. Tatawagin lang daw niya si Ian upang ipahanda ang sasakyang gagamitin kaya unalis na siya kalaunan at naligo na ako. Wala si Hakim sa araw na iyon, hindi ko na alam kung saan siya nagpupunta. Sinabihan ko nga siyang huwag masyadong lumalayo dahil baka biglang umuwi rito si Senyor Manuel at hindi ko alam kung nasaan siya. Sinabihan niya lang akong huwag mag alala dahil darating naman siya agad kapag kailangan. Ate Dian was also out too. Hindi ko napansin ang mga nakaraan niyang paglabas labas pero pinapayagan na siya ngayon, hindi ko lang sigurado kung utos ba ni Papa. Pero kung galing sakanya, magandang senyales iyon na kampante na siya sa lagay ni Ate. Siguro hindi na niya talaga malalapitan si Vern Alejo. 'Yung lalaki lang naman na 'yun ang kinamumuhian ni Papa para sakanya. "What are your plans this afternoon?" tanong ni Hakim. Wala nga 'yung dalawa kaya kami lang ang nagsasalo sa hapag. "Bibili ako ng mga paso at mag g-grocery kasama si Jezel..." "Okay. Where?" "Sa Rosales daw meron, kaya doon nalang, bakit?" Umiling siya at nagpatuloy sa pagkain. "I was just asking," Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa kinakain. Tinola ang ipinagluto sa amin at para naman sa dessert, mayroong leche flan at sweet mango. Naging mapayapa naman ang tanghaliang iyon, hindi na rin nagsalita si Juandro pagkatapos, mabilis lang siyang kumain at nagpaalam agad. Medyo nanibago pa ako noong nagpaalam siyang magt-trabaho na hindi naman siya ganoon dati. Pero ipinagsa walang bahala ko nalang. Mabuti nga 'yun kesa lagi nalang siyang nakabusangot na akala mo pati sa pagkain may galit. Nagsuot lang ako ng fitted jeans at fitted na top. Hinayaan ko lang na nakalagay ang buhok ko pero nilagyan ko parin ng dalawang cute na hair clip ang kaliwang side tapos nagdala lang ako ng maliit na handbag. Noong bumaba na ako, naaninag ko na ang nakaparadang kotse sa tapat ng fountain. Sinalubong ako ni Jezel na nakaayos na rin. Nagpaalam siyang tatawagin na si Ian dahil siya raw ang magd-drive ng sasakyan, kinuha ko naman ang listahan ng mga bilihin at binasa iyon habang naglalakad na papunta sa sasakyan. Marami ang nakasulat sa listahan kaya siguro dahil doon magagabihan kami. Tinago ko na 'yon sa handbag ko at humalukipkip sa gilid ng kotse. Hinintay ko sina Jezel at Ian doon. Ilang minuto rin bago sila dumating pero naningkit ang mga mata ko noong si Juandro ang kasama ni Jezel. "Let's go, I'll drive," bungad ni Juandro at dumiretso sa kotse. Gusto ko siyang tanungin kung bakit biglang siya ang magd-drive. Akala ko ba may gagawin siya? "Kayo nalang daw tutuloy, Miss. May pupuntahan din daw si Sir sa Rosales, eh," kamot ni Jezel sa buhok niya. I sighed. Pagod kong nilingon si Juandro, naroon siya sa gilid ng kotse at pinagbuksan na ako ng pinto sa tabi ng driver's seat. "Sige, sorry sa abala," "'Yung listahan pala ng grocery, Miss-" "Ayos lang! Ako nalang..." "Naku, baka magalit sina Manang Melba," "Ayos lang, Jezel. Ako bahala sa'yo," I assured her. "Sige, kung ganoon, ingat po kayo ni Sir Juandro," Tumango lang ako at tumungo na sa kotse. Juandro was sporting a bad boy look with his white T-shirt combined with black pants and topped with a black leather jacket. His boots were black as well. Hindi rin mawawala ang kaniyang kwintas na laging suot. Maayos na nasuklay ang kaniyang buhok ngunit ang ilan ay nakadantay sa kaniyang noo. Humugot ako ng malalim na hininga. Parang bigla akong pinagpiwasan. Lalo pa noong umikot na siya at sumakay na sa driver's seat, pakiramdam ko sumikit ang loob ng kotse at hindi ako makahinga. Binuksan ko nalang ang tapat kong bintana. "Akala ko ba may gagawin ka ngayon?" Pinanood ko kung paano niya binuhay ang makina. I can't believe how handsome he looked just by doing that. I was even more amused by the fact that I had never seen him drive a car. "Yes, but this is more important," he smirked. Napalunok ako at nag iwas ng tingin. That's when he started driving. Ang kaliwang kamay ang nagkokontrol sa manibela habang ang isa naman ay pinaglalaruan ang labi. Naalala ko tuloy bigla si Gwyneth. Hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko tuloy mapigilang hindi siya banggitin kay Juandro. "Bakit pala hindi na uh... bumalik si Gwyneth? Maayos na ba ang pakiramdam niya?" "I have... really no idea," "Bakit hindi mo alam?" Hindi ba girlfriend mo siya? "Bakit ko aalamin?" Nilipat ko sa daan ang atensyon ko. "Ang lupit mo talaga," bulong ko. Ganyan ba siya sa girlfriend niya? Kung gaano kagaspang ang trato niya sa ibang tao, ganoon din sa minamahal niya? Wala na talaga akong masabi. Noong una ayaw ko pa siyang lebelan nito pero ngayon kaya ko na. Gwapo nga masungit naman. I heard him clicked his tongue. May hinugot siya mula sa bulsa. Iyong cellphone niya. May tiningnan siya roon pero palipat lipat ang mata niya mula roon at sa daan. Nakalabas na kami sa highway kaya sunod sunod na ang sasakyan. "Can you check it for me please? Nasa messages..." I sighed and took his phone. Mahal yung brand ng cellphone niya pero hindi iyon latest. Naka default ang wallpaper. Akala ko naman si Garbo ang nakalagay, hindi pala. Pinindot ko ang messages. Nanlumo ako sa dami ng nakita kong message mula sa iba't ibang numero. 'Yung iba unknown numbers, 'yung iba naman may pangalan. Doon lang sa mga registered number siya nagre-reply. Kinailangan ko pang mag scroll para mahanap ang pangalan ni Gwyneth. "Nahanap mo na?" "Wait lang," sabi ko at binilisan ang pag scroll. Noong mahanap ko na, chineck ko agad ang text niya. Mukha namang past convo na nila ang nandito. Pero dahil na-kuryuso ako, binasa ko nalang din. Juandro: How are you feeling? Kinagat ko ang labi ko noong mabasa ang text niya. Simple lang. Tamang punctuation mark ang gamit. Naka-capital ang unang letra. Walang halong emojis. Gabi 'yun noong araw ng aksidente. Gwyneth: I'm fine now, Juandro. How about you? Sayang ang ikli lang ng naging time natin sa isa't isa kanina. Did you enjoy though? Juandro: Can I call? Gwyneth: Sure. 'Yun lang 'yung nandoon sa convo nila. Hindi na ulit siya nag text at ganoon din si Gwyneth. So nag usap sila noong gabing iyon? "May sinabi ba?" he asked. "Wala naman na siyang tinext," sabay abot ko sakanya ng cellphone. "Binasa mo 'yung usapan namin?" "Hindi naman... oh," I shook the phone with my hand. "Can you put it on your bag instead? It really annoys my ass," Wala na akong sinabi pa at sinunod nalang ang gusto niyang mangyari. Tahimik lang ako habang siya'y tama lang ang patakbo ng sasakyan. Paminsan minsan niya akong sinusulyapan pero hindi ko 'yun ginagawa sakanya. I was too busy to appreciate the sight outside the car's window. "Why are you so quiet today?" tanong niya sa gitna ng mahabang katahimikang lumukod sa amin. "I'm always quiet," "When you're in front of our families... not with me," may bahid ng kayabangan ang boses niya. I sighed. "Ganoon ako sa maraming tao... kasama ka na roon," "I don't think so, Rio. Are you still mad at me?" 'Yan nanaman kami sa tanong na 'yan. Manhid ba siya? Hindi ba siya marunong mag distinguish ng emosyon? Una, pinagamit niya si Loki sa girlfriend niya tapos ibinalik niya si Groot sa may ari. Maliwanag na hindi siya tumupad sa mga sinabi niya sa akin. "Hindi naman," tumikhim ako. "Sa Lexson Garden muna pala tayo pupunta," "Alright, Miss Cruel," Binalingan ko siya dahil sa tinawag niya sa akin pero nagpatay malisya lang ito. Ano nalang ang pasasalamat ko sa langit noong nakarating na kami sa pupuntahan. Pagbubuksan niya sana ako ng pinto pero naunahan ko na siya. "Okay na ako rito, uh... hintayin nalang kita rito hanggang sa makabalik ka. Hindi ba may... pupuntahan ka?" "Sasamahan muna kita," Nagtama ang kilay ko sa narinig. He didn't meet my gaze. Nagpameywang at sabay tunghay sa shop na nasa harap namin. "Hindi na. Salamat pero okay na ako rito. Hintayin nalang kita, unahin mo muna yung pupuntahan mo..." "It can wait," Pinaningkitan ko pa siya ng mata. Medyo nagdududa sa ginagawa niya. He sighed heavily and lazily went beside me. Hinawakan niya ang siko ko at mahinang ginalaw galaw iyon. "Come on, just let me accompany you for today..." he softly said. Parang may humaplos sa puso ko nang marinig ang malambot niyang boses. Given his snobbishness and his grumpiness, I never expected him to sound like this. Para akong sinusuyo... pero guni guni mo lang 'yon Rio! "O-Okay," Hinayaan ko siyang bumuntot sa akin hanggang sa makarating kami sa loob. May babaeng nag assist sa amin, mga nasa mukhang late twenties na, habang pumipili ako ng paso. "Ilan po ba ang kukunin niyo ngayon, Ma'am?" tanong niya sabay sulyap kay Juandro sa likuran ko. "Mga fifteen po. Pero tatlong designs ang pipiliin ko," "Sige po, Ma'am. Tara po rito para makapili kayo ng designs na gusto niyo," "Sige..." Bago ako sumunod, binalingan ko si Juandro na nasa likod ko lang at nagtitingin tingin ng mga pasong naka display sa isang shelf. Seryosong seryoso siya roon, akala mo may sinosolve na Mathematical equation. Pusta ko nga hindi niya napapansin 'yung mga sulyap noong babae kanina. May mga tao pa roon, mga may katandaan na madalas, ngunit 'yung ibang taong may ibubuga pa, grabe kung makatingin kay Juandro. It really bothers me for him. "Juandro, doon daw tayo," tawag ko at sinundan 'yung babae. Naramdaman ko agad ang init ng katawan niya sa gilid ko. "Are you planning to make our garden look like this?" "Kung ayaw mo pala sa ganitong lugar sana hindi ka nalang nagkunwa-" Mahina siyang napahalakhak. "Wala akong sinasabing ayaw ko, Rio. You have my full support in anything you want to do," "Oo nga pero kung hindi mo naman talaga gusto sa pag aalaga ng halaman, hindi mo naman kailangang magkunwaring gusto mo, kahit hindi naman talaga," "But I like it. I couldn't stand it at first but you made me like it," Hindi mapigilang magduda. What's with the sweet words? What's he planning? Alam niyang mapapahamak siya kapag pinagpatuloy niya ito. "Good afternoon, hija at hijo... Bago lang kayo rito sa shop ano?" Isang babaeng tingin ko'y nasa mid 60s na ang nagwelcome sa amin doon. Nasa likod niya 'yung babae na pasulyap sulyap pa rin kay Juandro. "Ay! Opo!" I laughed awkwardly. "Medyo tanda ko na kasi ang mga suki ko... pero si Sir syempre napaka pamilyar," tukoy niya sa kasama ko. "Aljuandro Barrios, ang tagapagmana ni Senyor Manuel," "Good afternoon," pormal na nakipagkamayan si Juandro sakanya. "Lola Eliza nalang..." pakilala ng matanda sa sarili. Nagpakilala rin siya sa akin at nakipagkamay. I also told her my name. "Naku! Napakaganda namang dilag nito. Ngayon lang ulit may naka apak na maganda at makisig dito," masayang sambit ng matanda. She's as welcoming as the plants at her garden shop. "O siya at mamili na kayo sa mga ito, iba ibang disenyo ang mga iyan, talagang pawis ang oras ang sinakripisyo sa mga pasong iyan," I smiled and checked out the pots. Iba iba ang mga disenyo nila at namumukod tangi ang mga detalye. Nanatili sa Juandro sa tabi ko. Kung makadikit, akala mo nawawalang bata. "Mabuti nalang pala at supportive boyfriend itong si hijo," Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa gulat sa sinabi ni Lola Eliza. "Magkasintahan ba kayo?" "Yes-" "Ay, naku, hindi po!" pinagbantaan ko ng tingin si Juandro. Lutang ba siya? Ba't parang sinapian siya ng ibang kaluluwa dahil sa inaakto niya? Kanina ko pa siya napapansing ganito. "Bayaw ko po siya," I said without hesitation. "Si Ma'am Rio 'yung fiancé ni Hakim Barrios, Lola," dagdag pa nung babae. "Ah!" malakas na tumawa ang matanda at napagtama pa ang mga palad sa ere. "Bayaw at hipag naman pala!" I laughed to hide the awkwardness I'm feeling. Sinasabi ko na nga ba, dapat hindi na ako sinamahan ni Juandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD