May lumabas nang mga katulong mula sa mansyon kaya nagpasya na kaming lumabas na rin sa sasakyan. Siguro kung hindi lang sila dumating, nandoon pa rin kami ni Juandro sa loob. Hindi ko rin maintindihan kung bakit mas pinili kong nanatili roon. kasama siya.
Maling mali ko 'yun.
Mabuti nga lang at tinted yung bintana ng sasakyan. Kaya hindi na ako nag alala pa na may nakakita sa paghalik niya sa noo ko.
Saktong nagkatinginan kaming dalawa nang maalala ko 'yung nangyari.
"Let's go inside? Sila na ang bahala rito," aniya.
Tumango ako. "Sige,"
Sabay kaming nagtungo papasok sa mansyon. Nakakailang nga lang dahil hindi ko mapigilang maisip ang mga nangyari kanina. Ngayong tapos na ang lahat, para na lang iyong nangyari sa panaginip ko. It's as if our hands have never met. And his lips never touched my skin.
Sinalubong kami ni Jezel at binati. We greeted her back. Tumango lang si Juandro sa akin bago umakyat sa grand staircase.
"Miss, nag grocery talaga kayo?"
"Oo... binababa na nila Jing, nasa kotse pa kasi,"
"Kasama niyo si Sir Juandro na namili, Miss?"
Sinulyapan ko kung saan naglaho si Juandro. Siguro magpapalit muna 'yun ng damit. Ganoon din ang gagawin ko.
"Hindi, uh pinuntahan niya si Gwyneth," pagsisinungaling ko.
Ayaw ko nang may kung ano anong malisya pang isipin itong si Jezel. Minsan kasi madaldal din siya at walang filter ang bibig. At sa tuwing may napapansin siyang kakaiba, bibigyan niya agad ng malisya.
"Akalain mo 'yun, ang sweet naman pala ni Sir Juandro. Kung aayusin lang nila ni Miss Dian, baka mag click pa sila," tawa niya.
Para akong tinamaan ng kaonti sa sinabi niya. The humor on my face faded but I'm still wearing my smile.
"Sa tingin ko rin..."
Biglang sumulpot si Hakim galing sa library at inakbayan ako. He looked very natural with it I know he was hiding something. Naiwan ang tingin ko mula sa library at nakita ang paglabas ni Ate Dian. Sinulyapan niya kami at patay malisyang umakyat sa engrandeng hagdan.
"How's my fiancé?"
Tuwang tuwa si Jezel habang pinapanood kaming magkalapit ni Hakim.
"Okay lang naman," my lips trembled. "Mag aayos lang muna ako tsaka baba na rin agad,"
"Okay, love. No problem,"
Tensyunadong tensyunado ako buong oras na nasa hapag kami. Alam kong napansin din iyon ni Juandro dahil panay ang tingin niya sa akin. Pero hindi ko talaga mapigilang hindi mailang lalo na't alam kong may nangyari sa amin, kahit hindi naman ganoon kalalim 'yun.
Alam ko naman kung gaano kalambot ang puso ko at napakababaw ng emosyon ko. Minsan nga naiisip ko kung may kwenta ba ang mga 'yun. Napakababaw lang naman. Hindi naman ganito 'yung ibang tao. People can't possibly live like this, but here I am, acclimated to it.
Ilang beses akong natanong ni Hakim kung okay lang ba ako. Hindi ko alam na pati siya'y napapansin din ako. Uminit bigla ang pisngi ko, pakiramdam ko kasi pinagtaksilan ko siya kahit hindi naman totoong may gusto kami sa isa't isa.
"Okay lang ako," I laughed to hide anything suspicious from me.
"Really? Halos hindi mo nakalahati ang pagkain mo,"
"Nag... nag meryenda kasi ako kanina habang uh hinihintay si Juandro,"
Kinagat ko ang labi ko, damang dama ko ang matatalim na tingin ni Juandro sa amin. Nagsisinungaling nanaman ako. Pero ngayon sa ibang dahilan naman.
"Talaga, Shrek? Pinaghintay mo pa talaga ang fiancé ko?"
Nanlaki ang mata ko kay Hakim. Agad na nagsisi. Mas pinalala ko pa yata ang namumuong tensyon.
"Hindi naman sa ganoon, Hakim!"
"No, love. Dapat pala ako talaga ang sumama sa'yo kanina,"
Umayos ng upo si Juandro. Nakita kong patay malisyang uminom ng tubig si Ate Dian at tumaas ang isang kilay.
"Hakim, ayos lang, hindi niya naman ako pinag hintay,"
"Did he tell you to lie so we won't know what he really did to you?"
Kumalabog ang puso ko sa kaba. Alam kong hindi iyong nangyari sa amin ni Juandro ang tinutukoy niya pero kinabahan pa rin ako.
Paulit ulit akong umilong ngunit ang takot ay sumakop na sa puso ko.
"Kung pwede mo pala siyang samahan, bakit hindi mo ginawa?" Juandro's brows shot up.
Mas lalo lang akong kinabahan. Natatakot na baka mamaya sabihin niya 'yung totoong nangyari. I looked at him, almost shaking my head to make him stop.
Kitang kita ko ang unti unting pag ngisi ni Hakim hanggang sa mahina siyang natawa.
"Nevermind, let's just enjoy our food,"
Napabuga ako ng hangin, unti unting kumakalma ang damdamin pero medyo nagtaka sa biglang paglilihis ni Hakim sa usapan.
Ilang subo pa ng sa kutsara ang ginawa ko bago magpaalam na sasalinan 'yung pitsel ng tubig sa kusina kahit na nasa kalahati pa ang laman no'n.
Napansin ako ni Jezel at ambang pipigilansa gagawin pero pinabalik ko nalang siya sa ginagawa niya, mukhang may pinapagawa kasi sakanya si Ate Maya.
Noong mapag isa ako sa kusina para akong nakatakas sa isang krimen. I opened the small sliding window because I needed some air.
Pero wala pa man ding ilang minuto ang tinagal ko roon, nakita ko na agad ang malaking pigyura ni Juandro na naglalakad papuntang kusina ng may awtoridad. Noong mahanap ng mga mata niya ang mata ko agad akong nag iwas at ginawa na ang dapat gawin.
Nagsasalin ako ng tubig mula sa water dispenser noong maramdaman ko ang init katawan niya sa gilid ko.
"You looked so tense, are you alright?"
Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung bakit kinakausap niya parin ako, hindi ba tapos na ang lahat? Aaminin kong nagi-guilty ako ngayon pero bakit pakiramdam ko hindi ko pingsisihan na sumang ayon ako sa gusto niyang mangyari kanina.
Maaari bang ma-guilty ng walang halong pagsisisi?
Litong lito na ako sa nararamdaman ko. I've never felt this way even before. Siya lang nagpadama sa akin nito. And I don't have any idea how to deal with it.
"Rio, please say something. I'm worried..."
Gusto ko nang tapikin ang water dispenser dahil napakatagal mapuno no'ng pitsel. Pasensyoso akong tao pero dapat ko nang iwasan si Juandro. 'Yun ang dapat kong gawin.
"Rio," halos magmaka awa na ang kaniyang boses. "Is there a problem?"
I sighed heavily. "Wala naman, Juandro,"
Nakita kong hindi pa puno ang pitsel pero nilayo ko na 'yun sa water dispenser at ambang aalis na sana. Kung hindi lang pinigilan ni Juandro ang braso ko, nakabalik na sana ako ng hapag. Bigla tuloy akong nataranta.
"Juandro, bitiwan mo ako," pagpiglas ko.
Imbes na bitawan ako, kinuha niya sa kamay ko ang pitsel at inilapag sa counter top. Napaatras ako hanggang sa tymama ang pang upo ko sa pader. Kinulong niya ako roon nang inilagay niya sa magkabilang kamay niya sa gilid ko habang sinisipat ako ng tingin.
"Tell me what's wrong?"
Umiling ako at sinubukang itulak ang dibdib niya ngunit hindi man lang siya natinag. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Juandro, ano bang ginagawa mo? Baka magtaka na sila bakit napakatagal ko na rito,"
"Hayaan mo lang silang magtaka," may paghahamon sa kaniyang boses.
"Baka may makakita sa atin!"
"So let them see us,"
"H-Huh? Baliw ka ba? Hindi pwedeng makita nila tayong ganito..."
Sa sobrang lapit na namin sa isa't isa para may kung anong kababalaghan na kaming ginagawa rito. Hindi ko maaatim kapag may nakakita sa akin at ganoon ang iisipin.
"I don't care about them, I only care about you, Rio..."
Sobrang lakas na ng t***k ng puso ko, parang may karera roon ako iyon ang nangunguna.
"Hindi p-pwede," uutal utal kong sambit habang tinitingnan ang paligid.
"Why? Do you feel guilty about us that's why you're acting like this?"
Natigilan ako at sakanya naman nadako ang mata ko.
"Fiancé ako ng kapatid mo, Juandro. Hindi pwedeng ganoon... At pakiusap, pakawalan mo na ako baka may makakita pa sa atin..." I begged.
Pinanood ko ang pagtigas ng mga malalambot na detalye sa mukha niya. Halatang ayaw na ayaw niya sa mga salitang narinig mula sa akin.
"But you liked our time together-"
"Hindi 'yun totoo! Kalimutan mo na 'yon. Uh isipin mo nalang walang nangyaring ganon..."
"May nangyaring ganon, Rio. Gusto mo bang iparamdam ko ulit sa iyo?"
I bit my lip when his big hand crawled to my hand. Nagkatinginan kaming dalawa. His eyes have a bright gleam in them that makes my stomach churn upside down.
Malalim akong humugot ng hininga upang magpakatatag sa sasabihin.
"Fiancé ako ng kapatid mo, Juandro,"
"So what?"
Hindi ako nakapagsalita. Sa tono ng boses niya parang handa niyang kalabanin ang lahat ng magsasabing fiancé ako ni Hakim.
"If I remove this f*****g annoying ring, are you still his fiancé, hmm?"
Pinasadahan niya ng daliri niya ang ring finger ko kung saan nakasuot ang heirloom ring ng kanilang pamilya.
"No," nilebel niya ang aming tingin. "Because as soon as it slips down your finger... You. Are. Mine."
Parang tinataga ng paulit ulit ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan pero aaminin kong... nagustuhan ko ang sinabi niya. Alam kong mali pero gustong gusto ko 'yon. Natatakot nga lang ako na sa pagkahulog ko, hindi na ako maka ahon.
Nagsikap akong mag iwas ng tingin. Hindi ito pwede. Alam ko na noon pa man kung anong mangyayari kapag nasira namin ni Hakim ang tiwala ni Senyor Manuel. Involve kaming dalawa rito. Kung kaya niyang parusahan ang sarili niyang apo, paano pa kaya ang pamilya namin? Independent ang mga magulang ko, parehong wala nang inaasahang pamilya, kaya saan kami hihingi ng tulong? May tiwala naman ako sa kanila Papa pero hindi ko kayang makita na naghihirap sila. Kaya sa kahit anong anggulo ko tingnan, mali itong ginagawa namin ni Juandro.
"Please, pakawalan mo nalang ako," inulit kong tinulak ang dibdib niya pero hindi pa rin siya nagpapatinag. "Juandro!"
"What will you do, huh? Run to your fiancé? Sleep with him so you could forget about me?" ngisi niya ngunit may pait parin sakanyang boses.
Mabilis na ang paghinga ko. Alam kong mapapahamak ako sa gagawin ko pero kung ganito kalakas ang loob niya kaya ko rin naman iyong pantayan.
"Oo,"
He chuckled but it looked as though he didn't find it funny.
"Damn, that alone makes me really want to kiss you right now..."
Pumako ang mata niya sa labi ko. I felt his thumb stroked my lips slowly.
Nangilabot ako. Abot abot ang tahip ng puso ko sa ginagawa niya. Kung hindi lang nangyari dati 'yung sa kamalig, iisipin kong hahalikan niya na ako. At paano kung gagawin niya nga iyon? Anong gagawin ko? Hindi ako handa. Pakirandam ko aatakehin ako sa puso.
"Ugh! Ang tagal tagal naman ng tubig!?" I heard Ate Dian groaned.
Nanlaki ang mata ko at tarantang tinulak ng malakas si Juandro. Mabuti nalang at lumayo siya. Pero sigurado akong nakita ni Ate Dian ang ginagawa niya kanina. Nakatayo siya at nakahalukipkip sa gilid ng b****a ng kusina, mukhang kanina pa siya nandoon. Hindi ko rin siya napansin dahil masyadong kinonsumo ni Juandro ang atensyon ko.
"Ah, p-papunta na," naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko noong kinuha ko ang pitsel.
Tumikhin ako at umaktong parang walang nangyari kahit pa napalakas ng kabog ng puso ko.
Hanggang sa oras na ng pagtulog iniisip ko pa rin ang nangyari. Ang lahat ng sinabi ni Juandro, alalang alala ko pa. Ngunit mas natakot ako sa biglaang pagsulpot ni Ate Dian.
I got up and went outside my room. Napatitig ako sa pinto ni Ate Dian bago iyon kinatok. Hindi pa naman siguro siya tulog sa ganitong oras kaya nagpapasalamat naman ako at binuksan niya iyon agad.
Hindi na ako nagpatumpit tumpit pa at nagsalita agad. Halatang kanina ko pa iniisip ang sasabihin ko at namemorize na.
"Ate, tungkol ito roon sa nangyari kanina..."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago humalukipkip.
"Gusto ko lang na uh iklaro na... wala lang 'yun..." nautal pa ako. "W-Walang namamagitan o ano sa... sa aming dalawa ni J-Juandro,"
"Then why are you still explaining this to me?"
"Uh... gusto ko lang iklaro-"
"You're afraid you might f**k some 'things' up if I speak up?"
"Uh..." kinagat ko ang labi ko, wala nang masabi.
"Tanga ka pala eh. Pakialam ko sa buhay mo. Alam ko namang malandi ka, nasa loob lang ang kulo mo kaya landiin mo lang 'yang Juandro na 'yan kahit kailan mo gusto! As if I care?" unti unti siyang ngumisi. "Let me handle the other 'things'"
"Huh? W-Wala akong kahit anong nararamdaman sakanya..."
"Whatever! Umalis ka na nga! Inaabala mo pagb-beauty rest ko!" aniya bago malakas na isara ang pinto sa gitna namin.
I took a deep breath and let out a long sigh. Napapikit ako ng mariin. At inisip ang mga pupwedeng mangyari.
Kung ganoon na ang tingin ni Ate Dian sa akin, paano pa kaya ang ibang tao?
Kaya sa gabing iyon, buo na ang pasya ko na iiwasan ko si Juandro.
Hindi lang dahil ayaw kong masira ang plano namin ni Hakim, kung 'di ayaw kong mahulog sakanya ng tuluyan.
Aaminin kong medyo nakakalabit na niya ang damdamin ko. Pero dahil mali iyon, gagawin ko ang dapat gawin. 'Yun ay ang pag iwas sakanya.
Nakatulugan ko na ang pag iisip hanggang sa may narinig akong nagvibrate. Nakadilat ang isa kong mata ngunit ang isa'y napapikit.
Inabot ko ang handbag ko at kinuha ang cellphone ko. Sobrang inaantok pa ako kaya hindi ko na nagawang icheck kung sino 'yon. Pero sigurado naman akong si Papa 'yun.
Nangunot lang ang nood ko noong ibang boses ang narinig ko.
"Who is this? Where is Juandro?"
Nagising ang dugo ko sa pagkabigla. Boses ni Gwyneth iyon! Noong pinakatitigan ko ang hawak kong cellphone, hindi pala iyon sa akin!
Sa sobrang taranta ko, napatay ko ang tawag.
Nakalimutan ko palang ibalik 'tong cellphone niya kagabi! At kung may pagkukusa siya, edi sana siya nalang mismo ang kumuha nito sa akin.
Binaba ko muna iyon sa side table at ginawa ang morning routine ko. Wala naman na akong narinig na tawag mula roon. Hindi ko rin inaasahan na tatawag si Gwyneth ng ganoon kaaga kay Juandro.
Pero palaisipan sa akin kung bakit siya tumawag.
Nagpaalam si Hakim na may pupuntahan daw. At si Ate Dian naman may pinuntahan din daw. Si Juandro siguradong nasa kamalig na kaya ako lang ang mag isang nag agahan. Nasa bulsa ko ang cellphone niya. At noong matapos ako roon, dumiretso na ako sa kung nasaan siya.
Napahilot ako sa sentido. Parang kakasabi ko lang kagabi na iiwasan ko siya tapos ngayon pupuntahan ko naman siya. Pero ibabalik ko lang naman, hindi na ako gaanong magsasalita pa. Ibabalik mo lang ang cellphone niya, Rio. Ibabalik lang.
Tumikhim ako noong makitang abala siya sa pagpapakain sa mga kabayong nasa kuwadra. Naroon si Mang Pastor at mukhang may seryoso silang pinag uusapang dalawa.
Nang maagaw ko ang atensyon niya, sinabi niya yata kay Juandro dahilan kung bakit napalingon din siya sa akin.
Tumango siya kay Mang Pastor at umalis na rin ang matanda.
"Magandang umaga, Miss Rio," bati ng matanda sa akin.
"Magandang umaga rin po..." sabi ko bago siya tuluyang umalis roon.
Ngayong kaming dalawa nalang ulit ni Juandro, para nanaman akong mahihimatay.
Lumapit ako sakanya, tinigil niya ang ginagawa niya at lumapit din sa akin. Medyo magulo ang buhok niya at dahil mag uumpisa palang siya sa trabaho, hindi pa gaanong marumi ang kasuotan niya. Pero kahit naman marumi siya, hindi pa rin mapag kakailang may hitsura siya.
"What is it?"
Iniwasan ko agad ang mga tingin niya.
"Ibabalik ko lang 'tong cellphone mo..." abot ko agad doon nang hindi siya tinitingnan.
"Have you eaten?"
I swallowed hard. "Oo, kakatapos lang... Uh 'yung cellphone mo kunin mo na oh..."
"Bakit?"
Kumunot ang noo ko. "Cellphone mo 'to kaya dapat kong ibalik sa'yo,"
"Bakit hindi ka makatingin sa akin?"
Ramdam ko ang paglapit niya at ang pagsipat sa akin.
"Kunin mo nalang Juandro, para makaalis na ako," sabi ko nang hindi pa rin siya tinitingnan.
"Paano kung ayaw kitang umalis?"
Nagkasundo ang dalawang kilay ko at masama siyang tinapunan ng tingin. Malalim akong humugot ng hininga at hinanap ang pasensya ko.
Kinuha ko ang kamay niya at ako na mismo ang naglagay no'n doon. Hindi ko al kung saan ko humugot ng lakas ng loob pero nagawa ko 'yun.
Nakaawang ang mga labi niya noong mahuli ko siya. Kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para umalis.
Hindi naman sa inaasahan kong hahabulin niya ako pero hindi niya iyon ginawa. Imbes na mainis, nagulat nalang ako noong pagkalabas ko sa tarangkahan, nagkasalubong kami ni Gwyneth.
"Rio!" nakangiti niyang bati sa akin.
Pati sa reaksyon niya, nagulat ako. Buong akala ko galit siya dahil sa aksidenteng nagawa ko sakanya noon.
"G-Gwyneth," I smiled awkwardly, hindi alam ang irereact dahil naalala ko 'yung nangyari kanina sa tawag.
"How are you? Long time no see. Nasaan si Juandro?"
"Uh o-okay naman. Ikaw ba?"
"Yes, I'm fine now,"
Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka maigsing denim shorts siya at pink na sleeveles top. Naka boots din ito at naka high ponytail. Labas na labas ang balat niya dahil sa kasuotan. Napakaganda niya at para bang artista. Mukhang okay na okay na talaga siya.
"Pasensya na pala noong natapunan ka ng juice... H-Hindi ko talaga uh sinasadya,"
"Ano ka ba!" tumawa siya. "It's alright. Maliit na bagay lang naman. At least I saw how Juandro really cared for me," ngisi niya.
Tumango ako at ngumiti. "Sige... aalis na ako. Nasa loob si Juandro,"
"Alright! See you around!"
Umalis na ako roon at mabilis na bumalik sa mansyon para mag dilig. Napansin ko na hindi lang si Gwyneth ngayon ang nandito kung 'di ang sina Edisan din at Mauri. Naroon silang dalawa sa tanggapan at nag uusap.
Didiretso na sana ako sa gilid nang bigla akong tinawag ni Edisan. Inaya nila ako ng pagkain.
"Salamat kaso kakatapos ko lang kasing mag almusal eh..."
"Hmm, I see..."
"Where is Hakim though?" si Mauri Ruamero iyon.
Napakurap kurap ako. Hindi ko alam kung saang lugar siya pumunta. Hindi niya rin sinabi sa akin.
"Uh, sa Rosales," sabi ko kahit hindi ako sigurado.
"Oh, you let him go alone?"
"Uh, oo..."
Nagkatinginan sila ni Edisan. Para bang nagkakaroon ng telepatiya sa kanilang dalawa pero hindi ko alam ang pinag uusapan nila. Sa huli wala naman din silang sinabi kaya hinayaan na nila akong makaalis.
Tahimik akong nagdilig ng mga ilang halaman. Tsaka nagbunot na rin ako ng mga ligaw na damong tumubo sa ilang paso. Inayos ko na rin ang mga halamng ililipat ko sa pasong binili ko sa Lexson, bukas siguro darating ang mga iyon o sa susunod na araw. Sinamahan ako ni Jezel dahil hindi raw siya busy ngayon.
"Hindi pa ba umuuwi si Ate Maya?" tanong ko.
Nasa mahogany ako no'n at nagmemeryenda. Ang mata ko'y paminsan minsang dumidiretso sa may rancho, kung nasaan si Juandro at mga kaibigan niya.
"Hindi pa Miss eh, may inaasikaso yata pero hindi ko alam. Wala naman ding nababanggit si Manang Melba,"
Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. Nagpaalam si Jezel na babalik muna sa loob ng mansyon upang maglinis. Hinayaan ko naman siya. Kaya habang kumakain, pinapanood ko sila Juandro na para bang nasa sinehan ako at sila 'yung nasa white screen.
Tinuturuan nila ni Mauri 'yung dalawang babae kung paano magpatakbo ng kabayo. Sa dalawang kabayong gamit nila hinanap ko si Loki, pero hindi ko siya nakita.
Masyado nang malayo ang mahogany sa rancho pero tanaw ko pa rin sila. Hindi ko na rin inasahang mapapansin ako ni Juandro. Sino ba naman ako para pansinin niya? Masaya lang siguro ako na... hindi niya pinagamit si Loki.
Dumaan ang tanghali at nanatili ako sa kwarto ko, hinihintay na tawagin ako pag natapos nang mananghalian sina Juandro at ang mga kaibigan niya.
Hindi ko lang inaasahan na kakatokin agad ni Jezel ang pinto ko.
"Miss Rio, sabay na raw po kayong kumain kina Juandro,"
"Huh? Uh sinong may sabi,"
"Si Ma'am Gwyneth po,"
Hindi ko alam kung susunod ba ako, pero parang nakakahiya naman kung hindi.
"Sige,"
Mabuti nalang at kasama ko si Jezel hanggang sa makarating kami sa dining area. Hinila niya ang upuan para sa akin, sa tabi ni Mauri. Si Juandro ang nasa sentro, nasa magkabilang gilid niya si Gwyneth at Mauri, kaya katapat ko si Edisan.
"Enjoy eating, Rio," parang anghel ang boses nang sinabi iyon ni Gwyneth sa akin.
"Salamat... Kayo rin," sabi ko rin sa dalawa.
At noong magtama ang mata namin ni Juandro, nag iwas agad ako. Tinatak ko sa isipan ko na nandito lang ako para kumain.
Masaya ang usapan nila. Pero pansin kong paminsan minsan lang nakikisali si Juandro. Si Gwyneth ang may pinakamaraming sinasabi na minsan hindi sinasang ayunan ni Edisan.
It's funny how she always defends herself, even when she knows she's wrong. Parang ako 'yung nakakadama ng hiya para sakanya.
Kinakausap din naman nila ako para hindi tuluyang ma out of place. Pero tungkol lang iyon madalas sa aming dalawa ni Juandro. Kung ano raw pakiramdam ng engaged life.
Nag search naman na ako tungkol dito kaya marami akong bala. I did such a good job with my part that Juandro's face became both enraged and amused at the same time.
"Wow parang gusto ko na tuloy mag-commit sa relasyon," ngisi ni Edisan.
"That's right, you should now stop being a playgirl, Eds," si Mauri sakanya.
"Nahiya naman sa'yo,"
Nagpatuloy sila sa asaran hanggang sa nanahimik nang magsalita si Gwyneth.
"Who are you texting Al?"
Kahit na ganoon pinigilan ko pa rin ang sariling lumingon kay Juandro kahit pa lahat ng atensyon nila'y nasa kanya na.
"Tumawag ako kaninang umaga kaso iba ang sumagot. Sounds like a girl,"
Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Mauri. Si Edisan din ay natatawang nirolyo ang mata.
"Really?"
Nag tiim bagang ako noong makita sa gilid ng mata ko ang pagbaling sa akin ni Juandro.
"Yeah. So I thought, maybe, it was your friend or katulong who picked it up,"
"No, it was my girlfriend,"
"What?"
Dahil sa sagot niya nabaling muli ang atensyon nilang lahat sakanya. Kahit ako'y pasimple rin siyang binalingan.
Nagtama agad ang mga mata namin.
"Actually, hindi pa naman," patay malisya siyang nagpatuloy sa pagkain. "Liligawan palang,"
Nababaliw na ba siya? Paano kung nabosesan ako ni Gwyneth!?