Dilat na dilat ang mata kong namumugto dahil sa pag iyak. Mula sa madilim na tanawin sa labas, buong byahe kong pinanood kung paano muli mag hari ang araw sa matiwasay na kalangitan. Ang kaninang mga bukirin at bundok na nagtatago sa kadiliman ay napalitan na ng mga naglalakihang bahay at gusali. Ilang sandali pa ay naipit na kami sa trapiko at niyakap ng usok galing sa mga sasakyan. On normal days, I'd enjoy every detail and how lovely the establishments were constructed and how busy everyone with their lives, but right now, I'm looking at them as if I've lost interest in everything. Tulog si Ate Dian sa tabi ko. She looked so peaceful when she's asleep. I'm wondering as to how many people have been drawn to her. To say she's stunning is an understatement. Masyado lang akong abala noon

