YVE'S POV (1)
Yve's POV
Hello guys! So eto na nga ang unang kwento ko nung 4th year highschool ako tawag namin sa lalakeng ito "Black boy" ewan ko ba kung bakit namin siya tinawag na ganyan pero feel ko sa appearance niya kasi yung feeling na maangas tignan tas bumagay pa yung black bag sa kanya tapos may pa hikaw pa pero hindi pwede yan sa school namin kasi nga private school. Syempre mahigpit sa amin at hindi naman tulad sa ibang school kahit ano pwede suotin. So by the way simulan na natin ang kwento about sa kanya.
FLASHBACK
1st day sa pagiging 4th year highschool na at syempre hindi pwede late kaya nandito na ako at yung mga kaibigan ko.
"Uy may bago daw tayong classmate" Sabi ni Jes
"Ano daw pangalan?" Tanong naman ni Alia
"Aba malay ko sinabi lang naman ng adviser natin." Sabi ni Jes
Nakikinig lang naman ako sa kanila at tinitignan ang paligid.
Nakapila lang kami dito sa labas kasi Flag Ceremony namin.
"Ano Yve tulala ka diyan." Pansin ni Jes
"Naku Yve wag mo sabihin may lalaki ka nanaman ha" biro ni Alia
"Baliw ka ba ako may lalaki wala! ikaw nga babae diyan" pabiro ko sabi
"Mabait ako wala akong babae ngayon." Sabi niya
"Sa ngayon wala! sasusunod meron" pabiro sabi ni Jes sa kanya kaya tumawa na lang kami
Nagstart na yung Flag Ceremony at bumalik na rin kami sa classroom.
Nakita na rin namin kung sino mga bagong salta haha
Dumating na yung adviser namin at isa-isa pinakilala yung mga bago namin kaklase.
Mga tatlo lang naman yung bago sa amin dalawang lalaki at isang babae.
Natawa kami sa sinabi ni CJ kasi tinanong siya kung ano favorite subject niya ang sabi ba naman niya recess daw haha
"You may take your seat na nga CJ at sumasakit ulo ko sayo" pabiro na sabi ng adviser namin.
Nag seating arrangement na lang kami at katabi ko si CJ, ewan ko ba tawag nila Jes dito Black guy daw kasi ang angas tignan ,mayabang ,pacool ganon haha
Sa totoo lang ganon na nga siya haha
Nagpakilala na lang yung mga bagong kaklase naming at syempre si CJ nagpakilala na rin.
“Im CJ Kyle Francisco,ang expected ko dito sa school natin ay yung masaya, marami ako magiging kaibigan at may matutunan ako ang favorite subject ko is recess.” Pabiro niyang sabi kaya natawa na lang kami sa kanya at pinaupo na siya.
Nandito lang ako sa upuan ko at nakikinig sa discussion ng adviser namin bale math subject kami ngayon haha sakit ulo neto
Lumipas ang ilang oras, natapos din ang Math subject namin.
“Grabe bat ba ang init ngayon” sabay nagpaypay
“syempre ano aasahan mo sa pinas mainit!” sabi ko
Bigla humarap si CJ sa amin at tumingin sa akin
“Lorraine bat ang tahimik mo?” tanong niya sa akin.
“ako tahimik?” tanong ko ulit.
“ay hindi si pauleen,ikaw nga?” pilosopo niya sabi
“ah okay” sabi ko
Aalis na sana ako ng pinigilan niya ako.
“ano ka ba biro lang, hindi ka naman mabiro” sabay ngiti niya
“Oo nga Lorraine ngiti naman diyan” dumating na sabi ni Paul.
“Pilosopo ei sino ba naman hindi maiinis” sabi ko
“sorry na pala” sabay hawak sa baba ko at tinanggal ko naman
Tinignan ko naman si Pauleen.
“easy ka lang yve.” Sabi niya
“Alam niyo kaya mainit kasi ang hot ko” pabiro na sabi ni CJ
“ahh talaga ba?” pasungit ko tanong
“oo naman yes tinignan mo pa”
Napangisi na lang ako sa sinabi niya,medyo nairita na ako sa kanya.
Ewan ko ba haha
Lumipas ang Ilang araw nainibago ako kay CJ.
Simula kasi nag seating arrangement lagi niya na ako inaasar at kinukulit yung feeling na parang may something na nagyayari pero ayoko naman isipin yon at baka mag assuming lang ako.
“Carl palit tayo upuan namimiss ko na si Yve” sabi niya
“nako delikado ka na CJ sabihin mo namimiss mol ang talaga.” Pabiro na sabi ni Carl
“Oo na alis ka na diyan” sabi ni CJ kaya umalis na si Carl
Iba talaga ugali niya sa iba pero pag akin mas lalong kakaiba haha
“Hi Yve yve like you do” Pakantang sabi niya sa akin.
“corny ah” pabiro ko sabi
“wow ha magaling ka” pang-aasar niya
Bigla niya hinawakan yung kamay ko at tinanggal ko kaagad
Yung feeling nae to nanaman siya nang-aasar nananman at naiilang ako sa ginagawa niya hindi ako sanay.
“bakit ba ayaw mo magpa hawak ng kamay?” tanong niya
“bakit ba?” inis ko tanong
“hahawakan lang naman ang sungit sungit mo pa” sabi niya
“okay ganyan ka” sabi niya
Buti na lang dumating yung teacher namin sa Christian Living at nanahimik siya sa tabi ko.
Nagdiscussed na lang yung teacher namin at akala ko mananahimik na siya pero hindi ang ginagawa niya gusto niya talaga hawakan kamay ko pero ayoko ipahawak.
Ang nakakainis lang kasi ilang linggo na nanlalamig yung kamay ko kapag nandiyan or kapag hinaghawakan niya, hindi kung bakit ganito. Ayoko lang mag assume sa kanya
Makalipas ng isang linggo
Nandito nanaman ako sa upuan ko at katabi ko nanaman siya yung feeling na araw-araw na lang ganito gusto ko na lang matapos pero hindi pwede hahaha
“HOY!”
“AHHH”
Nagulat naman ako bat ba kasi ako tulala haha
“Alam mo Yve wag mo ko masiyado isipin, nandito lang naman ako” sabi ni CJ
“Ewan ko sayo wag ka assuming, hindi bagay sayo” pang iinis na sabi ko
“sakit ah hindi na pala alam ko naman hindi” sabi niya sa akin
At umubob na lang siya sa mesa niya
“okay”
“Grabe ka naman Yve kay CJ ganyan ka pala na kaibigan hindi ko alam” pang aasar na sabi ni Mich
Si Mich is friend ko din which is malaki yung circle of friends namin haha
“Ano ka ba Yve kayo nga ship ko wag mo sirain” pang aasar na sabi ulit ni Mich
*pak* Pinalo ko yung braso ni Mich
“Tumigil ka nga Mich” sabi ko
“ARAY NAMAN YVE! CJ si Yve mo.”
“bakit?ano ginawa niya?” tanong ni Kyle
Jusko Lord hindi ako tinigilan
Bigla na lang dumating si Mdme D. adviser namin at nagdiscussed na lang at habang nagtuturo siya yung katabi ko nangungulit nanaman.
Yung feeling na Monday na Monday iniinis ako
Nakakatitig lang siya sa akin and ayoko ng ganon at eto pa kinikiliti yung tagiliran ako at lalong ayoko ng ganon kasi may tahi ako.
“ano ba yun?CJ wag nga!” Inis ko sabi
“ay pabebe yan!” pang aasar niya
“pabebe ka diyan wag kasi diyan at may tahi ako at tigilan mo ko please” inis ko sabi sa kanya
“ah ganon bae di dito na lang sa leeg” sabi niya at kiniliti ako
“ANO BA TIGILAN!” Pasigaw ko sabi
Napatingin lahat ng kaklase ko at pati na rin yung adviser naming.
“sorry po” sabi ko sa kanila
Nagdiscuss na lang ulit si Mdme D.
“Alam mo pahamak ka CJ nanahimik ako dito.” Sabi ko
“Sorry na pala akin na muna yung kamay mo” sabi niya
“Ano nanaman ba gagawin mo?” tanong ko
“Basta”
Hinawakan niya naman yung kamay ko at aalisin ko sana at hinigpitan niya at eto nanaman yung kamay ko nilalamig nanaman.
Mga 2 months na siguro ganito kami asaran at kulitan araw-araw na lang
Buong klase nakahawak yung kamay niya sa akin at ewan ko hinayaan ko na lang din naman.
*tapik*
“Yve” tawag sa akin ni Mich
“yes?” tanong ko
“tulala ka nanaman kanina pa kita tinatawag” sabi ni Mich
“alam mo yve sabi wag mo ko masiya----*pak* tinapik ko sa ulo
“aray naman” sabi niya
“napaka assuming mo kasi” pang aasar ko
“oo na alam ko yon wag mo ipamukha” sabi niya
“okay” sabi ko
Natapos ang isang araw na ganon yung mga nangyayari, ewan ko ba ayoko mahulog sa hindi naman ako gusto hahaha