"Ravyn, are you sure you're okay?" narinig kong tanong sa akin ni Harvey, habang kasalukuyan na naming binabagtas ngayon ang daan pauwi sa mansion. "Yeah, I'm fine," tipid ko namang tugon sa kaniya. Ilang segundo pa ay narinig ko naman ang malalim nitong pagbuntong-hininga, "Don't mind her. Alam naman namin na hindi mo magagawa 'yun." Sandali na akong napasulyap sa kaniya, bago ako tuluyang ngumiti nang bahagya. "Kung alam mo lang talaga kung ano ang mga ginawa ko ay sigurado ako na hinding-hindi mo iyan sasabihin sa akin ngayon," nausal ko na lamang sa isip ko. "Siya nga pala...'yung tungkol sa ipinapagawa mo sa magkakapatid na cinco. Hindi mo na kailangang problemahin pa," sa sinabi niyang iyon ay hindi na napigil pa ng noo ko ang mapangunot. "Paano mo nasabi?" no'ng itanong ko iyon

