"Paano kung ganito ang sitwasyon, natunton ng mga pulis ang lugar na iyon, pero ni minsan ay hindi ako tumapak doon. Isisisi niyo pa rin ba sa akin ang mga nangyari?" sa sinabi kong iyon ay pawang katahimikan lamang ang natamo ko mula sa kanila. "Oo, ginusto kong bisitahin ang lugar na iyon! But that doesn't mean na ako na ang nagtraydor?!" "Tandaan niyo, I am still the only heiress of Verseles clan. Wala kayong karapatan na paratangan ako sa paninira ng sarili kong property!" pagkatapos kong sabihin ang lahat ng iyon ay marahan na silang nag-angat ng tingin sa akin. Sa tingin ko ay nagawa ko na rin silang kumbinsihin na wala akong ano mang kinalaman tungkol sa mga nangyari sa operasyon ng mga pulis. Hindi na lingid sa akin na sila ang pinakamatapat na tauhan ni Daddy, kung tutuusin a

