Hindi man ako sigurado kung ano'ng oras dadating ang mga pulis sa Sitio Arde ay nagbakasakali na rin ako at umalis na nang maaga. Mabuti na lamang at hindi na napansin pa ni Inay Susan ang pag-alis ko, lalo na at mayroong posibilidad na magtatanong nanaman iyon sa akin. Noon pa ay ugali na niyang tanungin ako sa tuwing umaalis ako ng mansion, mas mabuti na raw kasi na mayroon siyang alam at nang sa gano'n ay may maisagot siya noon kay Daddy sa oras na tanungin siya nito ng tungkol sa akin. No'ng sipatin ko ang oras sa suot kong wrist watch ay nakita ko na pasado alas sais na ngayon ng gabi. Hindi na nakapagtataka na nagliliwanag na ngayon dito sa binabagtas kong daan ang mga nakahilerang streetlights. Sana lang ay hindi pa ako huli at maabutan ko pa ang gagawing operasyon ng mga pulis sa

