Sabay na umaalingawngaw ngayon sa lugar ang sirena ng mga sasakyan ng mga pulis at maging ang sirena ng mga ambulansya sa lugar. Nakikita ko mula rito sa loob ng sasakyan ko ngayon ang mga taong nakaratay sa mga stretcher bed. Kung hindi ako nagkakamali ay sila rin iyong mga taong gustong ibenta ng sindikato sa black market, mukhang ang ilan sa kanila ay hindi na kinaya pa ang mga naranasan nila sa loob kung kaya't kinailangan na silang dalhin sa hospital. Hindi nagtagal ay sunod ko na ring nakita ang mga bata na isa-isa nang inilalabas ngayon mula roon sa loob. Matiim ko silang pinagmasdan upang siguruhin na lahat sila ay na-rescue na ng mga pulis. Pagkatapos ng halos kalahating oras ay wala na akong nakita pang bata na inilabas mula roon sa loob ng bahay. Sa nakikita ko ay mukhang na-

